DUDA

3.2K 14 0
                                    


Napahilot ako ng aking sentido habang nakatitig sa laptop ko. Sumasakit talaga ang ulo ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang bagong report na pinapagawa sa akin ng boss ko. Dagdag pa sa iniisip ko ang dalawang magkapatid. Sa tuwing magkasalubong sila sa loob ng bahay na ito ay puro parinigan ang naririnig ko. 

“Insan, magkape ka muna.” Inilapag ni Sylvia ang Isang tasang kape sa harap ko at umupo siya sa aking tabi. Narinig ko itong napahinga ng malalim. “Pwedi bang humingi ng pabor sa'yo, Veron? Alamin mo naman kung ano ang rason kung bakit nagpaparinigan ngayon ang mga anak ko oh,” pakiusap nito sa akin.

Napatigil ako sa aking ginagawa. Mata sa mata kaming nagtitigan ni Sylvia. Puno nang pag-alala ang kanyang mga mata para sa kanyang mga anak. I felt sorry about it. Binigyan ko ng sakit nang ulo ang aking pinsan. 

“Edi magagalit sila sa akin kapag mangialam ako?!” nagdadalawang isip kong sabi. Wala na rin naman akong magagawa dahil ako din naman ang may dahilan kung bakit sila nagkaganoon.

Napapikit si Sylvia at nag-isip. Halatang namomoroblema ito. Tinapik ko ang kanyang balikat bilang magpapalakas ng loob.

“Huwag kang mag-alala magiging maayos din ang magkapatid na iyan.” Sabi ko pa.

“Hay, sana nga Veron! Sana nga talaga, alam mo na ngayon lang sila nag-away ng ganyan. Natatakot kasi ako na baka babae na naman ang dahilan kaya sila nagkakagulo, last time kasi muntik nang mapatay ni Richard, si Victor dahil din sa babae.” Aniya.

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Hindi ko hahayaan na gawin niya iyon kay Victor. Ang worst ko talaga bilang tita. Sobra!

Hindi na ako umimik pa at itinutok ang aking mga mata sa laptop na nasa aking harapan. Ngunit hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Sylvia. Kung sakaling may gagawin na masama si Richard, kay Victor ay hindi ko mapapatawad ang aking sarili. 

Sabay kaming napatayo nang may bumagsak na malakas na bagay mula sa itaas. Nagtinginan kami ni Sylvia at umakyat din ng sabay. Ang dalawang magkapatid, nag-aaway. Nagsisigawan sila at kung hindi aki magkakamali ay ngsasakitan rin ang mga ito.

“Palibhasa, mahilig kang makisawsaw sa eksena!” Dinig namin na sigaw ni Richard, kay Victor.

“Kasalanan ko ba kung gusto niya rin ako?! Baka hindi kapa sapat at sa akin niya nakita ang kakulangan mo!” Halos namimiyok na sigaw rin ni Victor.

Bubuksan na sana namin ang pintuan pero nakalock iyon. Natataranta na kaming pareho ni Sylvia. Halos maiyak na rin ang pinsan ko sa sobrang pag-alala.

“Veron, paano tayo makakapasok?!” Kinakabahan na sabi nito sa akin at nanginginig pa.

“Insan, may susi ako sa kwarto ko. Hintayin mo ako dito at kukunin ko lang!” Nagmamadali akong tumakbo papasok sa kwarto ko para hanapin ang susi.

Nang makita ko iyon ay kaagad akong bumalik kay Sylvia. Nagtatanong ang kanyang mga mata sa akin. Alam ko n nagtataka siya kung bakit may susi ako ng kwarto ni Richard, pero ayaw ko munang sagutin iyon ngayon. Kaagad naming binuksan ang pintuan at naabutan namin na sinasakal ni Richard, si Victor habang sinusuntok sa mukha.

My Gosh! Maraming dugo ang kumakalat sa damit ni Victor. Luging lugi siya sa Kuya niya dahil mas malaki ang katawan ni Richard, kaysa sa kanya. Nakasakay pa si Richard  sa kanyang katawan kaya hirap na hirap itong makaganti. Kawawa naman si Victor! 

“Mga anak, itigil na ninyo iyan! Parang awa na ninyo sa akin!” Umiiyak na pakiusap ni Sylvia sa kanila habang inaawat si Richard.

Itinulak ni Richard, si Sylvia kaya bumagsak ito sa sahig. “Huwag kang mangialam dito Ma, papatayin ko ang hayop na ito!” Galit na galit nitong sabi.

ISANG EVA AT DALAWANG ADANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon