ARE THEY KISSING

3K 9 0
                                    


Humugot ako ng isang malalim na hininga bago nagpaalam kina Sylvia para umuwi sa Probinsiya. Gusto kong malaman kung ano ang mga naganap doon habang wala ako. Sobrang guilt ang nararamdaman ko dahil sa nangyari kay Aling Melba. Halos wala akong ganang kumain sa tuwing naalala ko na wala na si Aling Melba, ang babaeng naging Ina ko sa pangalawang pagkakataon.

“Tita, anong iniisip mo? Bakit parang ang lalim mo ngayon?” Tanong ni Victor.

Kumurap kurap ako. Paano ko ba sasabihin sa kanila na kailangan kong umuwi ng Probinsiya? Parang wala akong lakas ng loob kasi malayo kaming tatlo sa isa't isa.

“Oo nga, napansin ko rin iyan Veron, parang may problema ka? Ano ba iyon sabihin mo na baka makatulong pa kami.” Ani ni Insan habang ngumunguya ng pagkain. Hayts. Dala niya pa rin ang ugali niya na kahit puno ang bibig ay nagsasalita.

“Ano kasi…” Uminom muna ako ng tubig. “May nangyari kasing masama may Aling Melba, tsaka marami akong dapat isikasuhin sa Probinsiya, kaya uuwi na muna siguro ako,” Sabi ko.

Nagtinginan silang tatlo na puno ng gulat ang kanilang mga mukha. Wala din kahit isang nagsalita sa kanila. Parang pinoproseso pa nila sa kanilang mga utak ang aking sanabi. 

“Huwag kayong mag-alala kapag matapos ko na ang dapat kong asikasuhin sa Probinsiya, uuwi rin ako dito. Napamahal na din naman kayo sa akin ‘e,” sabi ko at malawak na ngumiti dito.

“Veron, kung talagang napamahal kana sa amin dapat hindi kana babalik sa Probinsiya. Kung ano man ang nangyayari doon hayaan mo na. Total, hindi mo naman tunay na kamag anak si Aling Melba, kaya bakit ka mag-aalala?” aniya.

“Kaya nga Tita, dito kana lang sa amin. Mamimiss ka namin ni Kuya kapag aalis ka.” Victor looked and pouted his lips at me. Para siyang bata at ang cute niyang tingnan. Sarap kurutin ng kanyang pisngi.

“Sandali lang naman ako doon ‘e,” sabi ko pa.

Biglang tumayo si Insan at umalis sa hapag kainan. Padabog siyang umakyat sa kanyang kwarto. Sinundan ko ito ng tingin. Napailing nalang ako. Siguro, mahal lang ako ni Insan, at ayaw niyang mapalayo ako sa kanya kaya siya nagtatampo dahil nagpaalam ako sa kanila.

“Kakausapin ko lang si Mama.” Sinundan siya ni Richard, sa itaas.

“Ako na ang magligpit dito Tita, magpahinga kana rin.” Nakangiting sabi ni Victor.

Tumango ako sa kanya at akmang aakyat na rin sa kwarto ko pero bigla niya akong siniil ng halik sa labi. Mahigpit siyang nakayakap sa beywang ko. He kissed me passionately. Pinulupot ko ang  aking mga kamay sa kanyang leeg at ginantihan ang kanyang halik. Sobrang lakas ng tibok nang aking puso. Napapikit ako habang hinahalikan niya. 

“H’wag kang umalis, pakiusap!” Mahinang bulong nito sa akin.

“Pero kasi kailangan kong umuwi ‘e,” sagot ko at pinatong ang aking ulo sa dibdib niya. “Bakit niyo ba ako pinipigilan? Babalik rin naman ako.” Dagdag ko pa.

“Baka kasi may mangyaring masama sa’yo doon. Hindi ko kayang mawala ka sa akin, Veron.” He bit my ears. Inamoy niya ang aking buhok. Ang bawat paghaplos niya sa akin ay puno ng pagmamahal.

Napangiti ako ng palihim. Ramdam ko ang pagmamahal sa akin ni Victor. Mahal na mahal niya ako at ganoon rin ang pakiramdam ko sa kanya. Masasabi ko namg mas lamang na si Victor, sa puso ko ngayon.

“Sige na, linisin mo na ang mga plato diyan. Ililigpit ko lang ang mga gamit para bukas ay makauwi na ako sa Probinsiya.” Sabi ko pa at kumalas sa kanya.

“I love you so much.” Sabi nito at muling nilapat ang kanyang labi sa labi ko.

“Love you too.” I responded. 

Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko, ngunit saktong pagdaan ko sa kwarto ni Sylvia ay medyo nakabukas ang pinto. Sumilip ako doon para makita kung ano ang ginagawa nila ni Richard, gusto ko rin marinig kung ano ang kanilang pinag-uusapan.

“Paano kapag mawala siya sa atin, Richard? Alam mo ba na ngayon lang ako nakaramdam ng kasiyahan sa puso ko dahil nandito si Veron, sa atin.” Mahinang sabi ni Sylvia sa kanyang anak.

Sumilip ako. Nakita ko na hinahaplos ni Richard, ang likod ng Mama niya habang nagyayakapan silang nakaupo sa itaas ng kama.

“Huwag kang mag-alala ako ang gagawa ng paraan para hindi siya uuwi. Pinapangako ko iyan sa'yo, kakausapin ko siya mamaya.” Sagot ni Richard. Hinalikan nito sa buhok si Sylvia.

Kay sarap siguro sa pakiramdam kapag may ganito ka kaalagang anak. Kailan ko kaya mararanasan ang ganito? Magkakaanak kaya ako sa bandang huli? Iyon bang may sandigan ka oras na malungkot ka. Gusto ko rin ng ganito, gusto ko rin ng anak para may matawag akong akin. 

“Siguraduhin mo lang na mapipigilan mo siya, h’wag mo akong biguin Richard.” ani ni Sylvia.

Hindi na rin sumagot pa si Richard at nanatili lang sa pagyakap sa kanyang Ina. Ang katawan ni Richard, ay nakatakip sa ulo ni Sylvia kaya hindi ko makita kung umiiyak ba ito. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong gumagalaw ang ulo ni Richard, at si Sylvia ay nakatingala sa kanya. Oh no! Hindi maari! Naghahalikan ba silang mag-ina? 

Kumurap kurap ko ang aking mga mata ng ilang beses, baka sakaling nagmamalikmata lang ako, pero hindi ‘e, sa posisyon nilang dalawa parang tunay nga na naghahalikan ang mga ito.

Lalakad na sana ako para papasok sa loob nang may humablot sa kamay ko.

“Waiting for me?” Nakangising sabi ni Victor.

“H-Huh?!” Gulat na sabi ko pa.

“Anong tinitingnan mo?” Tanong pa nito sa akin.

“Victor, tingnan mo ang iyong Mama at si Richard, naghahalikan silang dalawa!” Tila hindi makapaniwalang sabi ko.

Napataas ang kanyang kilay at biglang naging seryoso ang mukha nito. Mukhang nagulat din.

“Silipin mo para makita mo,” dagdag ko pa.

“Seryoso kaba sa sinasabi mo, Tita?!” Nanlalaki ang mga matang tanong nito.

Tumango ako. Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan at sumilip. Sandali siyang napatigil sa kanyang nakita, ngunit humalakhak ito sa tawa bigla. 

“What's funny?!” Boses iyon ni Sylvia mula sa loob ng kwarto.

“Mama, naghahalikan raw kayo ni Kuya, sabi ni Tita Veron.” Sumbong ni Victor, habang walang tigil sa pagtawa. Nakahawak na rin ito sa kanyang tiyan.

Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa kanyang Ina. Lumabas si Sylvia at Richard, mula sa kwarto at halos hindi maipinta ang mukha ng pinsan ko. Galit siyang nakatingin sa akin, kaya yumuko nalang ako dahil sa kahihiyan.


ISANG EVA AT DALAWANG ADANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon