PAGBUNYAG NG SEKRETO

3.6K 16 0
                                    



Kanina pa hindi umimik si Richard, ni hindi niya manlang ako matingnan. Kahit magkasalubong kami ay sa ilalim lang siya nakatingin. Namamanhid ang puso ko sa inaasta niya sa akin. Nasasaktan ako. Nasanay na kasi ako sa ka-sweetan niya at palaging nasa akin ang kanyang atensiyon kapag nandito siya sa bahay. Kaming dalawa nalang ang gising. Nasa terrace siya habang ako naman ay nasa kusina at nagkakape, tinatapos ko ang mga reports na pinapagawa sa akin ni Mr. Rascal. Hindi ako mapakaling ganito ang sitwasyon naming dalawa kaya naglakas loob akong puntahan siya sa terrace.

Nang makita niya ako kaagad siyang tumayo para sana umalis pero hinarangan ko siya.

“Hindi ko gusto ang ugali mo ngayon,” malungkot na sabi ko rito. Parang gusto ko nang maiyak dahil sa wakas ay nakuha niya rin tumingin sa akin.

He bit his lower lips. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig lang sa akin. Taas baba ang tingin niya sa akin. Nakita ko ang mapanghusga niyang mga mata. Hindi ako bobo para hindi maintindihan na alam na niya ang mga nangyayari sa amin ni Victor. Panahon na siguro para umamin rin ako sa kanya nang sa ganoon ay wala ng lokohan na magaganap. As if naman na girlfriend niya ako. Tsk!

“Ano bang problema?” tanong ko pa sa kanya.

Napabunga siya ng hangin bago sumagot. “Stop acting like you didn't know, Veron. Hindi ako tanga para hindi mahalata na may gusto ka kay Victor. Ano bang plano mo sa aming dalawa?!” galit na tanong nito habang pinandidilatan ako ng kanyang mga mata.

“R-Richard,” nauutal na sambit ko sa kanyang pangalan. Bumagsak ang mga luha ko. Kita sa kanyang mga mata na nasasaktan siya. Sobra akong na guilty.

“Mapapatay ko siya, Veron! Mapapatay ko ang aking kapatid!” Nakatiimbagang at galit na galit na sabi nito.

Hinawakan niya ako sa magkabilaang braso. Bigla akong nanginig sa takot. Sobrang sakit at higpit ng paghawak niya sa akin.

“R-Richard, let me explaine!” Naiiyak kong sabi habang nagmamakaawa sa kanya.

“And what you gonna explaine?! May nangyari na ba sa inyong dalawa? Hah?!” Sigaw nito. Mas lalo pang dumiin ang kanyang mga kuko sa aking balat kaya napangiwi ako sa hapdi.

Gusto ko man aminin sa kanya ang lahat pero hindi ito ang tamang oras. Galit na galit siya at baka ano pa ang magawa niya kay Victor. Mapapatay rin ako ni Sylvia kung sakali.

Buong lakas ko siyang itinulak palayo sa akin habang humhagulgol sa pag-iyak. Nang tuluyan akong nakawala sa paghawak niya, tumakbo ako papunta sa kwarto ko. Nag-lock ako ng pinto ngunit laking gulat ko nang makita ko si Victor na nakahiga sa aking kama at naghihintay sa akin.

Kaagad kong pinunasan ang aking mga luha. Napatayo naman siya mula sa kama at dahan-dahan akong nilapitan.

“Tita, is there something wrong? Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong nito.

Umiling ako bilang tugon at umiwas ng tingin.

“Kinomfront kaba niya tungkol sa atin?” tanong nito na nagpatigil sa akin.

“Paano mo nalaman?!” Takhang tanong ko kay Victor.

“He ask me. Gusto niyang malaman kung ano ang namamagitan sa ating dalawa pero wala akong sinabi.” Napahilot si Victor sa kanyang sentido. “Mamili kana kasi para hindi na magiging mahirap ang lahat para sa'yo!” dagdag niya.

Paano ako mamimili sa mga lalaking pareho kong gusto. Pero kapag hindi naman ako mamili, gulo ang kalalabasan nito. 

Gulong gulo na ang aking isipan at naiipit ako sa sitwasyon naming tatlo. Ano kaya ang magandang gawin para magiging maayos ang lahat para sa amin? 

ISANG EVA AT DALAWANG ADANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon