STRANGER WOMAN

4.9K 16 1
                                    

Sobrang sarap ng mga food na hinanda ni Insan para sa amin. Puro pa mga paborito ko lahat. Kahit ilang taon na hindi kami nagkita ni Sylvia hindi niya pa rin nakakalimutan ang araw ng birthday ko at ang mga paborito kong handa. Syempre, puro seafood lahat. Iba talaga si Insan, kung mag surprised sobrang unforgettable. Panay subo lang ang magkapatid sa kanilang mga pagkain. Napagod ata dila ng sobra dahil sa nangyari kanina. Tsk. Ang pogi talaga bila kahit mga puno ang kanilang mga bibig. 

Narinig kong tumikhim si Insan kaya kaagad akong umiwas ng tingin sa magkapatid. Napansin kaya niya na titig na titig ako sa mga anak niya? Jusko, huwag naman sana.

“Sige lang, kumain kapa Veron,” aniya.

Ngumiti ako sa kanya. “Busog na ako Insan, sobrang sarap mo talagang magluto. Alam mo ba nagpaasalamat ako sa Diyos, dahil kahit may mga nangyaring hindi maganda sa pagitan ng mga magulang natin noon heto pa rin tayo, patuloy na magkaibigan.” Hinawakan ko ang kanyang kamay ng mahigpit bilang pagpapasalamat.

“Ay naku, ang tapos ay tapos na, ano.” Tumawa siya sa akin. “Simula ngayon, ayoko nang pag-usapan pa ang mga nangyari noon maari ba?” sabi pa nito.

Tumango ako bilang tugon at niyakap siya. Hindi ko pa napigilan ang mga luha ko na pumatak. 

“Ano ba naman ‘yan daig pa ninyo ang MMK diyan kumain nalang kasi kayo,” ani ni Richard.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Sylvia at nagtawanan nalang kami pareho. Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko silang manood ng sine. Bukas nalang ako magpapaliwanag sa boss ko kung bakit hindi ako pumasok. Ako ang nag gastos ng lahat. Kung iisipin, kahit saan ko pa sila ay kaya kong bayaran. Nagpupumilit pa ang magkapatid na sila ang manlibre pero hindi ako pumayag dahil birthday ko naman. 

Nag shopping rin kami. Binili ko sila ng kanilang mga gusto. Si Sylvia, medyo tumatanggi pa sa mga bigay ko dahil nahihiya pero bandang huli ay napipilitan rin naman tanggapin. Habang nasa kalagitnaan kami ng pag-iikot sa Mall, biglang nahilo si Sylvia, at nagpahatid siya kay Richard sa parking lot. Doon nalang daw siya maghihintay sa kotse. 

Binuhat ni Richard, ang kanyang Ina ng bridal style. Ngumuso ako ng makita ko iyon. Ang sweet niya sa Mama niya, magseselos ako pero kaunti lang naman. Sinundan ko talaga sila ng tingin hanggang sa tuluyan ng maglaho ang mga ito.

“Ang sweet niya kay Mama, ano?” sabi ni Victor mula sa aking likuran. Napansin pala nito na sinusundan ko ng tingin ang kanyang kapatid at Mama.

“Syempre, mama niyo siya kaya dapat lang na maging sweet kayo sa kanya lalo pa at masama ang kanyang pakiramdam,” sagot ko naman.

Hinawakan ni Victor ang beywang ko. “Oh, bakit parang nagseselos ka? Gusto mo bang buhatin rin kita kagaya ng ginawa ni Kuya kay Mama?” nakangiting tanong nito sa akin.

Mahina ko siyang hinampas sa braso. “Ano kaba para kang sira!” Tsaka tumawa ako ng mahina.

“I love you!” Bulong nito sa tenga ko. May maliit siyang kahon na binigay sa akin. 

Kinuha ko iyon at binuksan. Dalawang singsing at may Infinity design. Gold pa. Maluha luha akong tumingin sa kanya. Ang sweet ni Victor, sa totoo lang mas nag magaling siyang nag effort kaysa kay Richard.

“Bakit mo ako binibigyan ng ganito?” tanong ko pa.

Kinuha niya ang singsing sa loob ng kahon at pinasuot sa akin. “Tatandaan mo na kahit ano pa ang mangyari balang araw, totoong minahal kita Veron. Ang singsing na ito ay tanda ng pagmamahal ko sa'yo.” 

Bagay na bagay sa kamay ko ang singsing na binigay niya. Wala ng salita pa ang makakapagsabi kung gaano ako masaya ngayon. Niyakap ko siya ng mahigpit. Kung darating man siguro ang pagkakataon na pipili ako sa kanila ng Kuya niya, malamang si Victor ang pipiliin ko.

ISANG EVA AT DALAWANG ADANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon