Ang init!
Pinunasan ko ang pawis ko bago pumasok sa loob ng Velasquez Mall. Chineck pa ng guard ang bag ko bago ako tuluyang pinapasok. Gulat pa si Kuyang guard habang nakatingin sakin kanina.
Napangiwi pa ako dahil sa pagpasok ko ay pinagtitinginan agad ako ng mga tao. Hindi ko nalang sila pinansin.
At gago, sa wakas! Nakaramdam din ng lamig! Pakiramdam ko lagi kong kasama si Santanas dahil sa init ng panahon. Ang hirap mag commute kapag ganito kainit ang panahon, tangina. Dapat pala ay pumayag na akong magpahatid sa family driver namin.
Bakit kasi ang tigas ng ulo ko? Pero wala namang ulong malambot, diba?
Pumunta muna akong banyo bago bumili nang mga gamit ko para sa pagpasok ko bukas. Naks, papasok ako bukas. Akala mo kay sipag-sipag kong mag-aral kahit ang totoo ay hindi naman. Pakitang tao lang ganoon. Inayos ko muna ang sarili ko dahil alam kong mukha na akong hindi tao.
At hindi ako nagkamali dahil nang tumingin ako sa salamin ay napangiwi nalang ako. Tanginang buhok 'yan, akala mo buhok ng mangkukulam. Buti nalang talaga maganda ako.
Hindi ko nalang pinansin ang mga babaeng nakatitig sakin sa loob ng banyo at tinuloy nalang ang pag-aayos sa sarili ko. Nang satisfied na ako ay lumabas na ako ng banyo. Bibili muna ako ng mga gamit at kakainin bago umuwi.
Pumasok ako sa National Bookstore dahil dito ko gustong bumili ng mga gamit. Maganda naman ang quality kaya walang problema sakin. Kuha lang ako nang kuha ng mga notebook, papel, ballpen, at iba pang mga kailangan ko.
Sana naman maraming nice people roon dahil kung pangit mga ugali nila, papadugin ko isa-isa ang mga nguso nila.
Kakatransfer ko lang nung nakaraan tapos ngayon magta-transfer na naman ako, puta. Kaya nagagalit na naman sakin ang magulang ko, eh! Pero kung hindi lang nila ako inaaway, edi hindi ko rin sila aawayin. Sila naman ang nauna, nasa akin nga lang ang sisi.
Bakit ko naman ipapaliwanag ang sarili ko kung buo na ang desisyon nilang patalsikin ako? Sayang lang ang laway ko kung magpapaliwanag ako tapos hindi naman nila pakikinggan.
Naalala ko pa ang bansag sakin. Pasaway na Salazar. Puta, ang corny. Hindi man lang ginandahan para matuwa man lang ako.
Napangiwi ako sa naisip. Isang school lang yata ang tumagal sakin at natagalan ang ugali ko. Wala naman akong balak umalis sa school na iyon kundi lang siya umalis. Kung hindi lang nangyari sa kaniya lahat nang 'yon.
Napabuntong hininga ako. Kamusta na kaya ang babaeng 'yon?
Binaba ko ang mga pinamili ko sa counter at agad naman itong inasikaso. Habang naghihintay ako ay napatingin ako sa labas dahil nakarinig ako nang mga ingay.
Napako ang tingin ko sa group ng mga lalaki na dumaan at sobrang iingay. Sa tingin ko ay nag-aasaran sila. Napangiwi ako dahil daig pa nila ang mga babae sa sobrang ingay. Napapatingin pa nga ang ibang dumadaan dahil sa sobrang ingay nila.
Napako ang tingin ko sa lalaking nasa unahan nila. May subo-subo siyang lollipop sa bibig habang seryoso ang mukha at ang dalawang kamay ay parehong nakapasok sa loob ng bulsa. Pansin ko rin na mas maraming tumingin sa kaniya lalo na ang mga babae na kulang nalang ay mabali ang leeg kakatingin sa kaniya.
Sunod akong napatingin sa lalaking katabi niyang seryoso rin ang mukha. Napakurap pa ako nang makita ang kulay puti niyang buhok. Tangina, nandito si Jack Frost? Cool!
Pero bagay naman sa kaniya, mas lalo siyang naging gwapo dahil sa kulay ng buhok niya. Muling bumalik ang tingin ko sa lalaking may subo-subong lollipop. Hindi ko man makita nang buo ang mukha niya pero alam kong mas gwapo siya kesa kay Jack Frost.
YOU ARE READING
Waves of Lies (Seule Fille Series #2)
RandomSEULE FILLE SERIES #02 [ ON-HOLD ] Waves of Lies - a woman who is surrounded by lies. - Eris Jade Salazar is a troublemaker in her family. She loves fighting. Everyone knows her name because of her quarrelsomeness and also because of her last name...