ERIS
"Saint Laurent 'yan, ah! Wow!"
Inirapan ko silang lahat. Umupo ako sa upuan ko at tiningnan ang sapatos ko kung nandoon pa rin ba ito o wala na. Hayop, nandoon pa rin! Hindi talaga tinanggal! Punyeta!
Masama ko silang tiningnan pero ngumiti lang sila sakin at mga umiwas ng tingin. Maikli ang pasensya ko pero hindi ko alam kung saan ako kumukuha pasensya para sa mga taong ito.
Tapos na ang lunch pero wala pa rin Teacher ang pumapasok samin. Pero okay lang, wala ako sa mood para matuto. Naalala ko, next week na exam namin! Sa dalawang buwan kong mananatili rito, nasanay na ako sa ibang Teacher na hindi pumapasok para turuan kami. Halos si Miss Ida ang magturo ng ibang subject na hindi naman dapat niya ginagawa.
"Ang sama mo kay Shantal kanina..." Nakangusong sabi ni Azrael. Eh, kung tapyasin ko ang nguso nito? "Medyo crush ko pa naman 'yon."
"Wala kang taste sa babae," sagot ko. "May crush ka pa sa babaeng mukhang bulateng inasinan."
Napakurap si Azrael sa sinabi ko. Narinig ko ang pagtawa ni Luther kaya napalingon ako sa kaniya.
"Gusto mo gawin ko rin sayo?" Mataray na tanong ko. Bakit ba nasa tabi ko ang lalaking 'to? Hindi naman siya rito nakaupo!
Gusto niya ba ulit mabato ng eraser ng board?
Tumingin ako sa kung saan siya talaga nakaupo. Si Yuta at Sean nalang ang nandoon. Ngumisi naman sakin si Yuta nang makitang nakatingin ako sa kanila habang si Sean naman ay inirapan ako.
Kapag nagkaroon talaga ako ng chance na dukutin ang mga mata ng Aguilar na 'yan, dudukutin ko talaga at ipapalamon kay Luther.
Gumanti ako ng irap at tumingin kay Luther na nakatingin pala sakin.
"Bakit ba katabi kita?"
"Upuan ko 'to dati."
"Dati 'yon! Doon na upuan mo!" Tinuro ko ang pwesto nina Yuta.
"So?" Aniya at umirap sakin bago sumandal sa upuan niya. Pinikit niya ang mga mata niya habang ang mga braso niya ay nasa dibdib niya.
Sinuri ko siya. His hair is messy and looks like he hasn't combed it. His nose was sharp, and his jawline was perfect. His face is white and smooth. I don't see any pimples at all.
Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Makinis din naman ng mukha ko. Muli kong binalik ang tingin sa nakapikit na si Luther.
I looked at his arms.
Because his arms are on his chest, his biceps are visible, and I think he's flexing them. Even though he was in uniform, it was obvious.
Agad akong umiwas ng tingin nang makitang dumilat siya.
"You can take a picture of me if you want. I won't stop you." Narinig kong sabi niya kaya muli akong lumingon sa kaniya at nakitang nakangisi siya! "If you're shy, you can still take a picture of me, and I'll pretend I don't know."
Napasinghal ako. "Grabe naman ang kakapalan ng mukha ang meron ka. Hindi ka naman gwapo!"
"What?" Nagsalubong ang kilay niya at umayos siya ng upo. "Kung makatitig ka sakin—"
YOU ARE READING
Waves of Lies (Seule Fille Series #2)
RandomSEULE FILLE SERIES #02 [ ON-HOLD ] Waves of Lies - a woman who is surrounded by lies. - Eris Jade Salazar is a troublemaker in her family. She loves fighting. Everyone knows her name because of her quarrelsomeness and also because of her last name...