ERIS
"You can sit down," ngumiti siya sakin. "Just choose where you want to sit."
Tahimik akong napatango at naglakad papunta sa pinaka dulo. Ayoko sa unahan o sa gitna maupo. Gusto ko sa dulo! Mahiyain kasi ako.
Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang mga mata nilang nakatingin sakin... na akala mo ay pinapanood ang mga kilos ko.
Nang maka-upo ako ay napatingin ako sa kanila at nakitang nakatingin pa rin sila sakin. Nag taas ako ng kilay sa kanila kaya nag-iwas sila nang tingin pero pasimple naman nila ulit akong tinitingnan.
Napaismid ako. Napunta ang mga mata ko sa babae nang magsalita siya.
"And I'm Idania Alannis, the adviser of Section Breaker. You can call me Miss Ida." Natigilan siya nang magtagpo ang mga mata namin.
Hindi ko nalang pinansin at napakamot sa pisngi dahil sa sinabi niya. Akala ko kaklase ko siya! Para kasing kaedad lang namin siya tapos adviser pala namin siya!
Kung adviser namin siya, ako lang ang babae rito? Bahagya akong napasinghap at nangunot ang noo. Normal ba 'yon? Teka, kung puro lalaki pala ang mga kaklase ko, bakit dito ako nilagay?! Mukha ba akong lalaki?
"Hindi muna ako magtuturo ngayon," sabi ni Miss Ida pero tahimik lang sila. Nangunot ang noo ni Miss Isa. "Himala, hindi kayo nagkakagulo nang sabihin kong hindi ako matuturo. Bakit?"
Hindi nila sinagot si Miss Ida at umiling lang. Napalabi ako. Napatingin naman sakin saglit si Miss Ida at bahagyang napangisi bago umiling at kunin ang mga gamit niya sa table.
"Aalis na ako," ngumiti siya sakin at tumango lang ako. Tahimik ko siyang pinanood na umalis.
Muli akong napatingin sa mga kaklase ko dahil naramdaman ko na naman ang mga titig nila. Nagsalubong ang kilay ko. Putcha, bakit ba sila tingin nang tingin? May dumi ba ako sa mukha? Ngayon lang ba sila nakakita ng babae? O ngayon lang siya nakakita ng dyosa na katulad ko?
Naalis lang ako tingin ko sa kanila nang may umupo sa tabi ko. May narinig akong napasinghap at may ilang nagmura pa.
"Eris!" Masayang bati ni Ichiro at kumaway pa sakin.
Napangisi ako. "Na-search mo na sa google ang mukha ko?"
"Ha?" Nagtataka niya akong tiningnan.
"Ang sabi mo, ise-search mo ang mukha ko sa google para malaman ang pangalan ko, diba? So, na-search mo ba? Alam mo na pangalan ko, eh."
Napakurap siya dahil sa sinabi ko at napatitig sakin pero nang mapatitig siya sa mga mata ko ay agad siyang umiwas nang tingin.
Hilaw siyang natawa at napakamot sa batok. "Alam ko naman talaga ang pangalan mo. Hindi lang talaga kita namukaan dahil nalunod ako."
Nalunod?
"Gago, anong pinagsasabi mo?" Nalaglag ang panga niya nang marinig niya akong mag mura. "Wala namang tubig doon para malunod ka. Mall 'yon, Ichiro. Hindi swimming pool, ilog, o dagat."
Saan naman siya malulunod doon? Sa sahig? Malaking palaisipan sakin kung sa sahig siya naluhod.
May narinig akong mga ilang natawa sa sinabi ko at may mga pumalakpak pa.
YOU ARE READING
Waves of Lies (Seule Fille Series #2)
RandomSEULE FILLE SERIES #02 [ ON-HOLD ] Waves of Lies - a woman who is surrounded by lies. - Eris Jade Salazar is a troublemaker in her family. She loves fighting. Everyone knows her name because of her quarrelsomeness and also because of her last name...