Chapter 14

134 12 2
                                    

ERIS

Hindi ba nila alam kung gaano kadelikado ang katanang hawak nila? Ang katana ay hindi para sa mga ganito! Ang dami nilang pwedeng dalhin tapos ito pa ang naisip nila?

Naiinis ako dahil wala silang utak.

"Shit." Napamura ako dahil muntik na ako madali ng katana. Buti nalang ay nakaiwas ako.

Matalim kong tiningnan ang kaharap ko. Isa na lang ako kaharap ko dahil sa kalagitnaan ay biglang umeksena si Luther at kasunod niya ang iba. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak nila lalo na ni Luther.

Lima sana ang kaharap ko pero kinuha nila pero maayos na rin iyon dahil ayokong patagalin 'to.

Nangako ako sa magulang ko na hindi na ako masasangkot sa kahit anong gulo pero ano nga bang magagawa ko kung yung mismong gulo ang lumalapit sakin?

Ngumisi ang kaharap ko.

"Huwag mo akong ngisiang hayop ka," sabi ko habang mariin ang tingin sa kaniya. Iniisip ko kung paano ko maagaw ang katana na hawak niya. Hindi ko alam kung paano ako bubwelo, amputa. "Bakit ba katana ang hawak niyo?"

"My boss loves it," sagot nito bago ulit sumugod sakin. Tinaas niya ang katana.

Sinalo ko ang braso niya kaya nanlaki ang mga mata niya. Agad kong tinaas ang kanang paa ko at malakas siyang sinipa.

"Fuck!"

Nabitawan niya ang katana habang sapo niya ang tiyan niyang sinipa ko. Bahagya iyong tumalsik hindi kalayuan sa kaniya kaya hindi ako nagdalawang isip na tumakbo para kunin ang katana pero putangina talaga, kahit sapo-sapo ang tiyan niya ay nakipag-unahan pa rin siya sakin.

Mas malapit siya kaya naunahan niya ako. Napaatras lang ako nang mabilis niyang tinutok sakin iyon habang gumuhit ang ngisi sa labi niya.

"Nauna ako," sabi niya.

"Edi congtras dahil runner ka pa lang hayop ka," sagot ko.

Agad na nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Lumapit pa siya sakin habang nakatutok sakin ang hawak niya. Imbis na umatras ay umabante rin ako kaya nanlaki ang mga mata niya.

Akala niya ba ay masisindak ako sa ganoon? Kung gusto niya ay ako pa ang lalapit sa kaniya.

"Salazar ka nga," natawa siya. "Wala kang kinatatakutan kahit ang talim na nitong hawak ko. Hindi ka pa rin nasisindak."

Ngumisi ako at lumapit pa sa kaniya. Napatigil lang ako nang makitang isang pulgada nalang ang layo sakin ng dulo ng katanang hawak niya.

"Eris! Magpapakamatay ka ba?!" Narinig kong sigaw ni Ichiro.

Hindi ko sila pinansin. Tapos na siguro sila. Kung sinabihan kong gumanti si Eros, gaganti rin ako. Hindi para sa sarili ko kundi para sa kaniya.

"Aren't you afraid of death?"

"Nope. I am death itself," biro ko. Hindi naman kasi talaga ako takot sa kamatayan. "Ikaw ba ang dahilan ng hiwa sa braso ni Eros?"

"Yes—" He froze as I unhesitatingly grabbed the katana. Hinawakan ko ang talim nito. I felt pain in my palm. I looked at the blood coming from my palm. 

Waves of Lies (Seule Fille Series #2)Where stories live. Discover now