ERIS
Nanatili ang mga mata ko kay Miss Ida na nasa harapan at nag-di-discuss. Miss Ida is our science and math teacher. Ang kasalukuyan naming subject ngayon ay Science na siyang tinuturo nito ngayon.
Napanguso ako. Tinatamad akong mag-aral. Gusto ko nalang matulog. Pinaglaruan ko ang ballpen na nasa kamay ko habang nakatangin dito. Oo nga pala, second quarter na dahil nang lumipat ako rito ay kasisimula pa lang ng second quarter. Tinapos ko muna kasi ang first quarter sa former school ko bago ko sila hayaan na i-kick out ako.
Buti nga tinanggap pa ako.
Maayos naman ang mga grades ko, matataas naman at walang problema. Ang problema lang naman daw kasi sakin ay pasaway ako at sakit sa ulo pero parang hindi naman.
Isa raw akong Salazar pero ang ugali ko ay parang basura. As if naman na may pakialam ako sa sinasabi nila. Wala rin daw akong galang pero sila nga itong hindi kagalang-galang kaya paano ko sila gagalangin?
"Miss Salazar!"
Napakurap ako at napatingin kay Azrael na siniko ako, at ngumuso. Tumingin ako sa nginunguso niya, si Miss Ida na nakataas ang kilay sakin.
Napatingin ako sa paligid ko at nakitang nakatingin sakin ang mga kaklase ko. Napalabi ako at muling tumingin kay Miss Ida.
"Do you understand what I'm discussing here in front?" tanong niya.
Tumango naman ako.
"If you understand what I am discussing, stand up." Naningkit ang mga mata niya sakin na para bang nagdududa. Kahit man ako ay magdududa dahil hindi naman talaga ako nakikinig.
Wala nga ako narinig sa mga sinasabi niya, eh.
"Which electromagnetic wave has the longest wavelength?" tanong niya habang nakatitig sakin. Naramdaman ko naman na hinihintay din ng iba ang sagot ko.
"Radio Waves," sagot ko nang walang pag-aalinlangan.
Tumango-tango siya. "Shortest wavelength?"
Napalabi ako. "Gamma Rays, Miss."
Alam kong tama ang mga sagot ko dahil minsan ko nang nagpag-aralan ang mga iyon. Kahit papaano ay nag-a-advance naman ako. Ayoko pa rin pabayaan ang pag-aaral ko kahit tarantado ako minsan.
Nakita ko ang bahagyang pag ngisi ni Miss Ida. "Tell me the seven types of Electromagnetic waves."
Napakamot ako sa pisngi. "Bakit ang dami naman po?"
"Nag-re-reklamo ka?" Nagtaas siya ng kilay kaya umiling naman ako kahit ang totoo ay nag-re-reklamo ako. Totoo naman kasi, ang dami non! Tinatamad na ngang mag-aral yung tao. Mas gusto ko nalang bantayan si Zaire sa hospital.
Hindi naman sobrang dami talaga, unti lang iyon. Tinatamad lang talaga akong magsalita.
Magsasalita na sana ako nang makarinig kami nang katok. Nangunot ang noo ni Miss Ida bago maglakad palapit sa pinto at buksan 'yon.
"Yes?"
Bumungad samin ang kaibigan ni Eros. Napataas ang kilay ko. Anong ginagawa ni Atlas dito?
YOU ARE READING
Waves of Lies (Seule Fille Series #2)
RandomSEULE FILLE SERIES #02 [ ON-HOLD ] Waves of Lies - a woman who is surrounded by lies. - Eris Jade Salazar is a troublemaker in her family. She loves fighting. Everyone knows her name because of her quarrelsomeness and also because of her last name...