Chapter 4

154 11 0
                                    

ERIS

Pagpasok ko sa loob ng kwarto, sumalubong sakin ang tunog ng makina. Nilapag ko ang bag ko sa may sofa bago lumapit sa kaniya. Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama niya.

Tahimik ko siyang pinagmasdan. Tiningnan ko ang mga aparatong nakakabit sa kaniya.
 
"It's been two years, Zai, why are you still not waking up?" mahinang tanong ko kahit alam kong impossible na sagutin niya ako. "Hindi ka ba napapagod humiga riyan? Bumangon-bangon ka naman."

Hinawakan ko ang kamay niya at marahang hinimas. I want to see his smiles again that make me feel better.

"Kapag gumising ka, hindi na kita aawayin, hindi na kita sasagutin nang pabalang tapos lagi na akong makikinig sayo... may isang araw kang pahinga sakin," mahina akong natawa kahit ramdam ko ang panggigilid ng luha ko. "Kaya gumising ka na."

Zaire is like my brother. I treat him as my brother. We are not related by blood, but by heart. He's always there for me when I need someone to lean on.

Sa mga araw na durog ako, nandiyan siya para buuin ako. Pero sa mga panahon na kailangan niya ako, wala ako. Wala man lang ako nagawa.

"I'm sorry.. I couldn't even save you." Biglang pumasok sa isipan ko kung paano kami nagkakilala at kung bakit ganito ang kalagayan niya ngayon.

Nagkakilala kaming dalawa sa may parke, malapit sa sementeryo kung saan nilibing si Lairen. He saw me crying while sitting on the swing alone. He comforted me.

That's where our friendship started. We share problems with each other. Naging sandalan namin ang isa't isa. We found comfort in each other. At nangako kami na walang sikreto sa isa't isa.

He was only ten years old, while I was nine years old when we met.

Nakatira siya sa maliit na apartment pero ang sabi niya sakin, nandoon siya sa matandang babae na nagpalaki at nag-aalaga sa kaniya madalas matulog. Alam kong tatay nalang ang meron siya pero never niya ako pinakilala sa tatay niya pero sinabi niya sakin kung saan ang apartment nila. Pinakilala niya ako sa matandang babae na nag-aalaga sa kaniya.

Magkatapat lang ang bahay ng matandang babae sa apartment na tinutuluyan nila. Nai-kwento niya rin sakin na ang matandang babae na 'yon ay dati nilang katulong nung mayaman pa sila. Ito rin ang nag-alaga sa nanay niya nung dalaga pa ito.

Pinakilala ko rin siya sa pamilya ko at sa kapatid kong si Eros pero binantaan lang niya si Zaire na layuan ako dahil kung patuloy na lalapit sakin si Zaire ay mamamatay din siya. At doon ako sinimulang ipag-tanggol ni Zaire mula kay Eros.. mula sa masasakit na salita ni Eros.

Sa parke kaming dalawa madalas na magkita dahil doon kami unang nagkakilala. Parang naging tambayan din namin 'yon. On my fourteenth birthday, hindi siya nakapunta dahil may ginagawa raw siya pero may usapan kaming magkita sa parke pagkatapos ng birthday naming dalawa ni Eros.

Wala naman kaming balak ni Eros mag celebrate ng birthday namin dahil pareho naming hindi gusto. I hate my birthday, so does Eros.

Tatakas nalang sana ako bago magsimula ang birthday namin ni Eros pero hindi natuloy dahil may nangyari. Nakidnap ang kaibigan ko kasama ang kaibigan niya. Tumawag sina Tita Fiona at Tito Kleyzen sa magulang ko na hindi sila makakapunta dahil nakidnap ang anak nilang babae at ang anak ng kaibigan nila.

Waves of Lies (Seule Fille Series #2)Where stories live. Discover now