YUTA
"Ibang klase ka! Ginawa mo talaga 'yon kay Rhea?" Humalakhak si Rafael habang si Azrael ay nagawa pang pumalakpak. Nakatingin siya kay Eris na akala mo ay proud na proud siya sa ginawa nito.
"Oo nga. Ang kulit mo, kanina ka pa." Narinig naming sagot ni Eris, naiirita. "Umalis ka nga sa harapan ko. Pinapainit mo lang ulo ko, eh."
I couldn't help but grin because of the words coming out of her mouth. She didn't hesitate to say those words. It's like she doesn't care that she might offend someone.
Totoo ang sabi nila. This woman was very different from the other Salazars I had met. She's feisty, vulgar, brave, and, oh, fearless.
She's not just a girl... she's a fucking woman. And this woman is something.
Their family is not complicated, but the twins are. Malaki ang problema nila sa isa't-isa at iyon ang napansin namin. Malaki rin ang pinaghuhugatan ng galit ni Eros kay Eris. Sa tuwing magkikita sila, pakiramdam ko ay nagpapatayan sila gamit ang mga mata nila. Nagpapatayan sila gamit ang mga salita na binabato nila sa isa't-isa.
Akala ko talaga maayos silang dalawa pero mukhang nagkamali ako. Meron talagang kwento sa bawat pinapakita nila.
Tumingin ako kay Luther na katabi ko. Nahuli ko siyang nakatitig kay Eris na pinagkukumpulan ng mga kaibigan namin habang si Eris ay halata ang pagka-irita sa kanila.
"Kapag iyan natunaw, wala ka ng crush." Pang-aasar ko. Salubong ang mga kilay niyang nilingon ako.
"Fuck you," sagot nito at tinaas pa ang gitnang daliri.
Hindi ko tuloy maiwasang matawa. Ang Velasquez na 'to, may crush kay Eris! Nakagat ko ang labi ko. Na-crush at first sight yata ang hayop.
"Nakita namin iyon." I ran my fingers through my hair and grinned at him. I leaned back in my seat. "You're worried about her."
Nag taas siya ng kilay. "Bawal ba?"
Sasagot sana ako ng sumabat si Sean. Binaba niya ang librong binabasa niya. "As far as we know, ang Velasquez na katulad mo ay walang pakialam sa iba at sa paligid niya."
"May sugat siya kaya binigyan ko ng first aid kit." Salubong ang kilay na sabi niya. "Anong issue niyo roon?"
"Tanga," ani Sean kaya sinamaan siya nang tingin ni Luther. "Nung nakipag-away ba tayo at nagkasugat kami, inabutan mo ba kami ng first aid kit? Hindi naman."
Umirap si Sean. "Ang tagal-tagal na nating magkakasama pero sa tagal non, hindi namin naranasan na abutan kami ng isang Luther ng first aid kit tuwing may sugat kami," dagdag nito.
"And the moment you saw the wound on her cheek, your aura darkened," sabi ko pa. "Bakit? Pakiramdam mo ba makakapatay ka ng tao dahil sa kung sino mang poncho pilato ang nanakit sa crush mo?"
"Tss.." Umirap siya at umiwas nang tingin samin habang nakatingin pa rin kami ni Sean sa kaniya. Muli siyang tumingin kay Eris.
Napaangat ang sulok ng labi ko. Nagkatinginan kaming dalawa ni Sean, nakangiwi siya at umiling.
"Gala tayo mamaya, Eris!" Masayang sinabi ni Azrael. Sumang-ayon naman ang iba.
YOU ARE READING
Waves of Lies (Seule Fille Series #2)
RandomSEULE FILLE SERIES #02 [ ON-HOLD ] Waves of Lies - a woman who is surrounded by lies. - Eris Jade Salazar is a troublemaker in her family. She loves fighting. Everyone knows her name because of her quarrelsomeness and also because of her last name...