Chapter 13

155 13 2
                                    

LUTHER

"Hinatid mo talaga si Eris kahapon?" natatawang bungad sakin ni Yuta.

"Grabe ka naman palang mag mahal ang Cadence Luther na 'yan," ngumisi si Yakov.

Dinuro ako ni Azrael habang nanlalaki ang mga mata. "Sinasabi ko na nga ba! May crush ka sa Ate ko, Cadence!"

"Sana maisipan din ako na ihatid ni Boss," sabi ni Ichiro at matamis na ngumiti sakin tapos ay nag beautiful eyes pa! Kadiri, gago!

Tangina talaga.

Tinaas ko ang gitnang daliri ko sa kanila bago umupo sa upuan ko. Tumingin ako sa pwesto niya pero bakante pa rin iyon.

"Si Eris agad ang hinahanap ng mga mata mo." Napailing sakin si Sean at hinampas ako ng libro niya.

"The fuck, William?!" Naiinis na sabi ko habang hinihimas ang braso kong hinampas ng gagong 'to.

Napatayo ako nang muli niyang ihahampas sakin ang libro niya. Fuck, ang kapal kaya ng hawak niya!

Matalim ang tingin niya sakin. "Don't call me by my second name! Gago ka ba?"

I grinned playfully. "I don't want to, William. Tatawagin kita sa kahit anong pangalan na gusto ko."

Kinuha ko ang bag kong nasa upuan ko at lumipat ng upuan kung saan nakaupo si Eris-sa tabi niya. I sat down without hesitation. I don't care if she gets angry. She's always angry and annoyed with me. And I will make her even more angry and irritated.

Naaliw ako kapag nakikita ko siyang nagagalit at naiinis sakin. I looked at them when I heard them whistling. I raised an eyebrow.

"Ang kapal talaga ng mukha mo." Ani Von.

"Tangina ka, lumipat ka pa riyan para makalapit sa crush mo." Napailing si Yuta at bahagya pang natawa.

"Palibhasa kasi hindi ka makalapit sa crush mong wala namang pakialam sayo," ganti ko. "Hindi ka pa kilala, gago."

"Ay, crush mo nga si Eris?" nanlalaki ang mga matang sabi ni Ichiro. "Akala ko joke lang 'yon!"

"Bobo ka! Totoo 'yon!" sagot ni Rafael.

"Hoy, Yuta! Gumanti ka! Huwag kang papayag na ginaganiyan ka ng demonyo!" sigaw ni Zion.

"Sabi ko naman sayo, Yuta, huwag ka ng magsalita." Lumapit si Jagger kay Yuta at tinapik ang balikat nito.

Sunod na lumapit si Azrael at tinapik din ito sa balikat. "Okay lang 'yan, Yutata. Wala rin pake crush ko sakin, eh."

"Gayahin niyo ako-" Hindi pinatapos ni Piernive na magsalita si Yakov at sinampal ang bibig nito.

"Bulol, manahimik kang gago ka. Hindi ka namin gagayahin dahil puro babae lang ang alam mo."

"Putangina mo, Rivera! Bakit mo sinampal bibig ko?!" Hinampas ni Yakov si Piernive na hindi naman nakaiwas.

"Mabaho, eh. Sorry pero sadya," sagot ni Piernive at ngumisi kay Yakov habang hinihimas ang braso na hinampas.

Waves of Lies (Seule Fille Series #2)Where stories live. Discover now