ERIS
"I also have no patience, especially if my face is touched without my permission." Narinig kong sabi niya sa seryosong boses pero nanatili ang tingin ko sa kamay kong tinabig niya. "Your hands are dirty."
Binasa ko ang ibabang labi ko at tumingin sa kaniya. Nanggigigil ako. Nakatingin siya sakin, seryoso ang mukha niya at wala kang makikitang kahit anong emosyon sa mga mata niya.
"Ang kapal ng mukha mo," sabi ko na may halong gigil. "Hindi rin naman kita binigyan ng permiso na ganituhin ako."
Bahagya akong umatras nang tumayo siya. Tumingala ako sa kaniya. Tangina, kung siya ang nakatingala kanina, ako naman ngayon. Matangkad pala ang hayop na 'to. Kapre, amputa.
"Ayokong hinahawakan ang mukha ko," sabi niya at hindi pinansin ang sinabi ko. Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
May inis akong nakita sa mga mata niya. Pinasok niya ang isang kamay sa bulsa niya at kinuha ang panyo niyang may tatak ng Cartier. Pinunasan niya ang pisngi niya habang nakatingin sakin, para siyang diring-diri.
Napsinghal ako. "Anong pakialam ko sa mukha mo?" Unti-unting kumuyom ang mga kamao ko. "Nakikita mo ba ang itsura ko ngayon, Velasquez?"
"Yes. Hindi naman ako bulag," aniya. Nanatiling walang emosyon ang mga mata niya habang nakatingin sakin. "You look like a pancake, or a rag?"
Mahina akong napasinghap dahil sa sinabi niya. "A rag?" Pag-uulit ko sa sinabi niya.
Tangina pala nito, eh. Basahan? Ako? Mahina akong natawa. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako tinawag na basahan amputa. Sa gandang kong 'to, tatawagin lang ako ng isang Velasquez na basahan?
My fists clenched in annoyance.
"Yes—" I cut him off when I raised my right fist and hit him right in the face. Napaatras siya.
Narinig ko ang mga singhapan nila at ang mga reaksyon nila dahil sa ginawa ko. Deserve naman ng amo nila.
"Hala, sapul!" Narinig kong sabi ni Ichiro, kung hindi ako nagkakamali. Tumingin ako sa dalawang katabi ni Luther na napatayo sa gulat dahil sa ginawa ko sa kaibigan nilang demonyo. Parehong nakaawang ang mga labi nila.
"Damn it, Salazar!" Napatingin ako kay Luther na sobrang talim nang tingin sakin. Binaba niya ang kamay niyang nakahawak sa mukha niya at nakita kong dumudugo ang ilong niya.
Agad niyang hinawakan ang kwelyo ng uniform ko at inangat ako pero wala naman akong pakialam. Nang hawakan niya ako sa kwelyo at iangat, nagkagulo sila at nagsilapitan samin. May humawak na nasa balikat niya pero tila wala siyang pakialam. Hindi siya natinag.
"Hoy, Luther!
"Puta, awatin niyo si Luther!"
"Luther, tangina.. bitawan mo, pre." Narinig kong sabi ni Zion o Lolo Zion kung tawagin nila. Hindi ko maintindihan pero parang naalarma sila.
"Ate..." Sunod kong narinig ang nag-aalalang boses ni Azrael. Marami pa silang sinasabi pero nanatiling nakatuon ang mga tingin namin sa isa't-isa ni Luther.
I could clearly see the anger in his eyes, as if they were on fire with so much anger. Mahigpit din ang pagkakakapit niya sa kwelyo ko na para bang anumang oras ay sasakalin niya ako.
YOU ARE READING
Waves of Lies (Seule Fille Series #2)
RandomSEULE FILLE SERIES #02 [ ON-HOLD ] Waves of Lies - a woman who is surrounded by lies. - Eris Jade Salazar is a troublemaker in her family. She loves fighting. Everyone knows her name because of her quarrelsomeness and also because of her last name...