ERIS
Napatingin ako sa phone ko nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog nito. Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa kama ko at nagpapahinga. Hating gabi na pero gising na gising pa rin ako.
Tinanong pa nga ako nina Mama kung saan ako galing at kung bakit ako ginabi pero sinabi ko sa gilid-gilid lang. Alam din nila na wala ako sa klase. Pagpasok na pagpasok ko pa nga lang ng bahay, masamang tingin na ang sinalubong sakin ni Eros. Alam na niya siguro ang ginawa ko sa girlfriend niyang bruha.
Isa pa, sabi rin ni Papa na tumawag daw sa kaniya ang Principal at pinapatawag sila ni Mama. Ibig sabihin lang non ay alam na nila ang ginawa ko.
Napaismid ako. Buti nalang talaga at wala akong pakialam. Magkikita na kami bukas nang paboritong kong kaibigan, ang guidance office.
Binuksan ko ang phone ko at unang tiningnan ang Facebook ko. Napataas ang kilay ko dahil sa dami nang notifications ko lalo na ang mga friend request.
Kaya naman pala. Nang tingnan ko, nakita ko ang mga alagad ni Luther na mga nag friend request sakin kasama rin si Luther at si Sean na masungit. Napataas ang kilay ko. Eh, diba galit sakin 'to sa hindi ko malamang dahilan?
Tinatamad akong i-accept sila pero parang may sariling buhay ang mga kamay ko at sunod-sunod silang in-accept. Konti lang din naman ang friends ko rito sa Facebook. Kung dati mga nasa 399 lang pero ngayong dumagdag ang labing-isa na 'yon, edi ngayon ay 410 na. Madalang lang din naman talaga akong mang-accept.
Sunod kong binuksan ang Messenger ko dahil ang daming notifications dito. Marami naman talagang chats pero sobrang ingay ngayon, eh.
Tumambad sakin ang sandamakmak na mga chats na hindi ko binubuksan dahil tinatamad akong mag reply. Nangunot ang noo ko sa dalawang bagong group chat na nasa messenger ko.
$3xti0n Br3@k3R,,, 🤟🤟🤟
Leader ng mga demonyo
Fine. Unsend all your messages before you add her here.Rafael Canoza added you to the group.
Leader ng mga demonyo
Fuck? Fuck you, Rafael.Tangina.
si rafael ang pogi sa lahat ng pogi replied to Leader ng mga demonyo
inaano kitaYakov na pinakapogi kesa kay Rafael
nagseen si eris!hi, babe! 😝
z3gL3r
Hala, si Eris?! Nag seen?!Hi, Eris! Ako 'to si Ichiro na mahal na mahal ka
Sean Aguilar
Anong ginagawa niyan dito?Lolo Zion
KJ ka, sungit nyahahah syempre, bff na natin yanSean Aguilar replied to Lolo Zion
Bulolkutsilyo ng breaker
init ng ulo amputabkt gni2 nn kue hayop kayo
VonBo replied to kutsilyo ng breaker
eh, kutsilyo ka naman talaga???
YOU ARE READING
Waves of Lies (Seule Fille Series #2)
DiversosSEULE FILLE SERIES #02 [ ON-HOLD ] Waves of Lies - a woman who is surrounded by lies. - Eris Jade Salazar is a troublemaker in her family. She loves fighting. Everyone knows her name because of her quarrelsomeness and also because of her last name...