ERIS
"Luther! Tangina mo talaga!"
Galit akong tumingin sa kaniya pero ngumisi lang siya at nagkibit-balikat na akala mo ay walang ginawang masama.
Mahigit dalawang buwan na ako rito at tangina, puro sama nang loob ang nakukuha ko mula sa kanila. Araw-araw nila akong ginagawan ng kalokohan! Punyeta!
Patuloy silang tumatawa. Bwisit! Nanggigigil ko silang tiningnan nang matalim kaya natigilan sila at napaiwas ng tingin. Napatingin ako sa pares ng sapatos ko na parehong nakapako sa taas ng board. Tanginang 'yan, talagang inayos pa ang pagkakalagay bago pinako!
Umidlip lang ako saglit dahil nag-overtime ako sa trabaho ko tapos paggising ko, nandiyan na yung sapatos ko! Lumapit ako sa harap at tumingala para tingnan ang sapatos ko. Hindi ko alam kung ilang mura pa ba ang ibabato ko sa kanila lalo na sa leader nilang kalahi ng demonyo.
Mabilis kong dinampot ang pambura ng board at lumingon kay Luther, walang pag-aalinlangan ko itong hinagis sa direksyon niya.
"Fuck!" Malutong na mura niyang ng tamaan siya sa mismong mukha niya. "Tangina naman.."
Nakita ko ang mukha niyang may halo ng chalk, napangiwi ako pero hindi ako nagsisisi na binato iyon sa kaniya! Deserve niya naman! Kasalanan niya! Tangina niya.
Napatingin ako kay Yutangina at kay Sean na katabi niya nang marinig ang mahihina nilang tawa.
"Oh, ano?!" Naiinis kong sabi nang makitang matalim ang tingin nito sakin.
Narinig ko ang sunod-sunod na tawanan nila nang makita ang itsura ni Luther. Nakita ko si Rafael, Ichiro, at Azrael na halos mawalan na ng hininga kakatawa habang pagulong-gulomg pa sa sahig.
"Puta, anong mukha 'yan?!" ani Yakov habang hawak ang tiyan at tawang-tawa.
"Multo ang atake ng Velasquez na 'yan, tangina!" Si Piernive na tumatawa habang may pahampas-hampas pang nalalaman sa armchair niya.
"May mumu!" dugtong ni Azrael habang patuloy pa rin ang pagtawa at pagulong-gulong sa sahig, nakaturo kay Luther.
"Pre, masarap?"
"Papangit ka na niyan!"
Narinig kong sabi nina Zion at Jagger habang tumatawa. Kung makatawa sila, akala mo mawawalan na ng hininga lalo na si Rafael.
Sila naman ang matalim na tiningnan ni Luther bago ito padabog na tumayo. Dumiretso siya sa pinto pero bago siya lumabas, matalim niya akong tiningnan.
Napairap nalang ako. Akala naman niya matatakot ako! Bwisit siya sa buhay ko! Mula noon hanggang ngayon!
Tumingin ako sa kanila at napatigil naman sila sa pagtawa. Naningkit ang mga mata ko at tinuro ang sapatos ko.
"Kapag iyan, hindi niyo pa kinuha..." Muli ko silang tiningnan ng masama. Ang iba ay napalunok pa. "Lagot kayo sakin."
Lumabas ako ng room habang ang suot sa paa ay medyas pa! Ang malala pa, puti ito! Lagot ko kay Mama. Pagagalitan ako non, putcha!
Saan kayang parte ng katawan ko ang makukurot pag-uwi ko?
Pagbaba ko ay pinagtitinginan agad nila ako. Dinala ako ng mga paa ko sa Garden ng Riverdale. Nakita kong may Gazebo roon kaya lumapit ako at pumasok. Napapalibutan ng mga halaman ang Gazebo kaya mas lalo itong gumanda.
YOU ARE READING
Waves of Lies (Seule Fille Series #2)
RandomSEULE FILLE SERIES #02 [ ON-HOLD ] Waves of Lies - a woman who is surrounded by lies. - Eris Jade Salazar is a troublemaker in her family. She loves fighting. Everyone knows her name because of her quarrelsomeness and also because of her last name...