Chapter 16

151 13 1
                                    

ERIS

Dalawang araw na akong walang magawa sa bahay. Napakamot ako sa ulo. Tatlong araw kaming nawalan ng pasok. Pangatlong araw na ’to. Balita ko nga ay maraming mga magulang ang nagreklamo.

Napabuntong hininga ako habang nakatayo sa balcony ng kwarto ko. Wala akong ginawa sa bahay kundi ang matulog at kumain. Bagot na bagot na ako! Buti nalang talaga at may pasok na bukas dahil hindi ko na kakayanin dito.

Gising na rin pala si Eros dahil ina-update ako ng magaling kong ama. Natapos na rin ang pagiging sleeping handsome niya.

Hindi rin natuloy ang pagtakas ko dahil kay Grant. Bwisit ’yon! Sinumbong ako! Kaya nung gabi ay tinawagan ako ni Papa at Mama. Sermon ulit ang inabot ko.

Buti nga ay umuuwi ang magulang ko sa bahay para tingnan ako. Hindi pa rin nila ako pinabayaan kahit binabantayan nila si Eros.

Sweet.

Madalas kong kasama ang mga kasambahay namin. Sila nalang ang dinadaldal ko kesa naman kausapin ko ang pader. Mapagkamalan pa akong baliw.

Umalis ako sa balcony at dumiretso sa kama ko. Binagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama. Agad kong niyakap ang unan ko at inabot ang phone ko.

Nakakaboring din mag bukas ng phone dahil wala akong kausap. Kung may kausap naman ako‚ tinatamad naman akong kausapin sila. Puta‚ isa rin baliktad ang utak ko.

Binuksan ko ang messenger ko at tiningnan lang. Maingay na naman ang group chat at marami pa rin akong message na galing sa kanila. Mayroon din akong message galing sa mga kamag-anak ko.

Nireplyan ko sila isa-isa. Yung mga chat nila ay nung isang araw pa. Lahat sila nagtatanong lang kung maayos na ako. Bumisita raw sila hospital pero hindi na nila ako naabutan‚ si Eros lang. Pagkatapos ko silang replyan ay nag back na ako. Nireplyan ko ang iba pero hindi ang Section Breaker.

Ay! Tiningnan ko ang message nila pero hindi ko binuksan. Naningkit ang mga mata ko at namili kung sino sa kanila ang rereplyan ko.

“Hmm‚ si Azrael nalang!” Binuksan ko ang chat niya at nakitang marami na siyang chat sakin na hindi ko narereplyan.

Ganoon din ba yung iba? Nakakakonsensya at nakakahiya naman na mag reply. Pero tangina‚ tamad kasi talaga ako mag reply! Hindi rin ako masyadong nagbubukas. At iyon pa rin ang dahilan ko.

Tinatamad ako.

Azure Ramsey Ellis
Active Now

                                                                       Eris Jade
hi:))
                                                               

Azure Ramsey
hello‚ ate! 🥰

mace n k1ta

tgal mueh mag reply

                                                                     Eris Jade
maze u 2
                                                                    

                                                                  tamad ako mag reply

Azure Ramsey
buL0k n chat q sau‚ ate

Waves of Lies (Seule Fille Series #2)Where stories live. Discover now