RAFAEL
“Bye‚ mommy!”
Kumaripas ako nang takbo palabas habang may kagat-kagat na hatdog. Tangina‚ papasok na naman gwapo.
“Tatamaan ka sa ’kin kapag nakipag-away ka‚ Rafael Sage! Sinasabi ko sa ’yo!” malakas na sigaw ni Mommy.
Lumingon ako sa kaniya bago ako pumasok sa loob nang kotse. Nakita ko siyang nakatayo sa pintuan at naniningkit ang mga matang nakatingin sa ’kin. Si Daddy naman ay nasa likod niya at natatawa habang humihigop nang kape na hawak niya.
Tinanggal ko ang hatdog sa bibig ko at sumigaw.
“Love kita‚ mommy ko! Mwah!” sigaw ko pabalik. Nag heart sign pa ako sa kaniya gamit ang mga kamay ko. Mas lalo lang sumama ang tingin sakin ni Mommy. Nanlaki pa ang mga ilong niya.
Buti nalang talaga galos lang nakuha ko sa mga bouncer na ’yon! Muling pumasok sa isipan ko ang ginawa ni Eris. Scary talaga! Hindi ko inaasahan na hahawakan niya ang talim ’yon!
Wala naman talaga kaming balak na tumulong kung hindi lang namin nakita si Eris na tinulungan ang kapatid niya. Nanguna pa nga si Luther‚ e! Takot na takot ’yon‚ ah.
Pakiramdam ko gagawin lahat ni Eris para kay Eros kahit paulit-ulit siyang sinasaktan nito... kahit hindi maayos ang relasyon nila bilang magkapatid.
Iyon ang napansin ko. Ay‚ hindi! Napansin naming lahat ’yon. Kahit hindi isigaw ni Rhea na tulungan si Eros‚ tutulungan pa rin ni Eris.
Muli kong binalik ang hatdog sa bibig ko at pumasok sa loob nang kotse. Pinaandar ko ang BMW ko at mabilis na pinatakbo palabas nang subdivision namin. Unti-unti kong inuubos ang hatdog sa bibig ko habang nagmamaneho.
Magandang umaga para sa gwapong katulad ko. Tangina‚ nakakapagod din maging gwapo minsan pero okay lang naman. Kaya ko pa naman. Ito nalang nga ang meron ako‚ mapapagod pa ba ako sa kagwapuhan na taglay ko?
Unti-unting bumagal ang takbo ko dahil sa mabagal na kotse sa harapan ko. Putcha naman‚ oh. Wala bang ibibilis ’yan?
Uunahan ko na sana nang biglang may humaharurot na mga kotse ang dumaan. Putangina‚ si Ichiro ’yon‚ ah! Kasunod niya ang Jaguar ni Yuta at ang Porsche ni Jagger.
Aba‚ tangina. Ang bibilis‚ ah!
Napangisi ako. Ito na mga hari ng daan. Inunahan ko ang nasa harapan ko at binilisan din ang takbo ko. Sumunod ako kay Jagger na lintik ang harurot.
Tanginang ’yan.
Bumusina ako nang malakas at tumawa. Narinig kong bumusina siya pabalik. Mas binilisan ko ang takbo ko at pumantay kay Jagger. Binaba ko ang bintana at nakitang binaba niya rin ang sa kaniya.
“Tangina mo‚ gago. Ang bilis mo!” sigaw ko.
Ngumisi siya. “Mahuli talo!”
Tinaas ko ang gitnang daliri ko at inunahan sila. Tinaas ko na rin ang bintana ko. Narinig ko ang malakas na busina ni Ichiro. Napangisi ako. Hindi pwedeng matalo ang gwapo‚ putcha. Narinig ko ang mga busina ng mga sasakyan na mga nadaanan namin.
YOU ARE READING
Waves of Lies (Seule Fille Series #2)
RandomSEULE FILLE SERIES #02 [ ON-HOLD ] Waves of Lies - a woman who is surrounded by lies. - Eris Jade Salazar is a troublemaker in her family. She loves fighting. Everyone knows her name because of her quarrelsomeness and also because of her last name...