PART 2: "MULING TUMIBOK ANG PUSO"

4 1 0
                                    

      Sumama na nga si Melvin sa pananampalataya ni Mirasol
at nagsimula ito nang dumalo
siya sa "fellowship" ng dalaga
sa Pantok sakop ng bayan ng
Binangonan lalawigan ng Rizal
malapit sa National Capital Re-
gion. Kung manggagaling ka ng
bayan ng Angono bago mo sa-
pitin ang Barangay ng Pantok
ay Barangay ng Bilibiran muna
kung saang nakatira si Melvin
sa may Sitio Sto. Niño. Sa wa-
kas ay natagpuan na rin ng bi-
nata ang matagal na niyang hi-
nahanap na paniniwala na ang
Panginoong Jésus pala ang tu-
nay na daan, ang katotohanan
at ang buhay. Ibig sabihin ay
hindi Relihiyon o organisasyon
o samahan ang makapaglilig-
tas sa ating kaluluwa kundi ang Panginoong Jesus. Anak
Siya ng Diyos ngunit nagkata-
wang-tao, namatay sa Krus ng
Kalbaryo upang tubusin o ba-
yaran ang kasalanan ng sanli-
butan. Sa pamamagitan ni Mi-
rasol ay nagbago ng pananaw
sa buhay si Melvin lalo na sa
pananampalataya. Lubusan na
rin niyang nakalimutan si Karen, ang "first love" niya noon. Hindi na siya naniniwala
sa sinasabi ng iba na "first love
never die."
      Makaraan ang anim na bu-
wan ay malago na sa pana-
nampalataya si Melvin. Hindi
siya pumapalya sa pagdadalo
ng gawain ng Panginoon. Ang
magulang niyang sina Melchor
at Lorna kasama ang tatlo pa
niyang kapatid na sina Miles,
Mark at Mildred ay nadala na
rin sa Panginoon kaya tuwing
araw ng Linggo ay hindi na siya nag-iisa sa pagdalo ng ka-
Sunday Worship Service.
      Isang umaga ng Linggo ay
inimbitahan ni Melvin ang ka-
ibigan niyang si Tito na isa
ring "Computer Technician"
at nagtatrabaho naman sa isa
ring computer shop mismo sa
bayan ng Binangonan. Si Tito
ang laging kainuman ni Melvin
noong araw kapag araw ng
Linggo. Once a week lamang sila umiinom ng serbesa pero
hindi sila pumupunta sa mga
Beer House dahil madalas na
may away noon sa mga beer
house lalo na sa Junction ng
Cainta, Rizal at sa highway ng
Angono. Palitan lang sila ng
"venue" ng inuman nila, Bahay
nina Tito o sa bahay nila mismo.
      "Ano ba iyang sinasabi mong "born again" Pare," tanong ni Tito.
      "Medyo mahirap ipaliwa-
nag pero yung resulta na lang
ang sasabihin ko sa iyo. Binago
ng Diyos ang buhay ko. Di ba
alam mo naman na nag-asawa
na si Karen sa Canada sa isang half Canadian half Filipino."
      "Oo, naikuwento mo na sa
akin iyan noon."
      "Alam mo Bro, ang sama ng
loob ko noon sa kanya at sabi ko sa sarili ko, hindi ko siya
mapapatawad. Pero noong
dumalo ako sa "fellowship" nina Mirasol diyan sa Pantok
ay nahimasmasan ako. Dapat
daw ay matuto tayong magpa-
tawad sa mga taong nagkasala
sa atin dahil hindi raw tayo pa-
tatawarin ng ating Amang nasa langit kung hindi natin patata-
warin ang mga nagkasala sa
atin."
      "Maalaala ko nga pala Bro, yung isang lalaki na nagpaayos
sa akin ng kanyang "laptop" ka-
makalawa, nagkasamaan kami
ng loob. Hindi kami kasi nag-
kaintindihan sa presyo ng pag-
papagawa. Nagmurahan kami
at muntik nang magsuntukan.
Dapat ko ba siyang patawarin
kahit hindi na kami nagkikita?"
      "Dapat lang Bro. Kapag nag-
kita kayo uli kahit saang lugar
ay humingi ka ng despensa sa
kanya. Hindi naman kabawa-
san sa pagkatao natin yung
pagpapakumbaba."
      "Sige Bro, gagawin ko yang sinasabi mong pagpapatawad. Sasama na rin ako diyan sa
paniniwala mo Bro."
      "Ngayon kung hindi na kayo
nagkikita, basta sa puso mo ay
pinatawad mo na siya. Alam
naman ni Lord ang laman ng
ating puso. Hindi tayo maka-
pagtatago sa Panginoon, hindi
tayo makapaglilihim sa ating
Panginoon."
      "Oo nga pala Tito, kasabay
natin mamaya yung kapit-ba-
hay na inimbitahan ko rin, si
Noemi Bro na isa ring Co-Tea-
cher ni Mirasol sa Angono Na-
tional High School."
      Unti-unti na ngang nakaka-
hikayat si Melvin ng mga ka-
kilala at kaibigan niya para du-
malo sa bahay-sambahan nila sa Pantok, Binangonan, Rizal.
      Makaraan ang isang buwan,
ang buong pamilya ni Tito ay
dumadalo na rin sa pagtitipon
ng mga anak ng Diyos. Mala-
ki ang pamilya ni Tito. Walo si-
lang magkakapatid, apat na la-
laki at apat na babae. Kina Tito
na rin nakatira  ang Lola niya
dahil patay na ang Lolo niyang si Armando.
      Gabi ng Sabado. Alas 6:00
lang ng gabi ay nasa Church na
si Melvin kasama si Tito. Mano-
nood sila ng praktis ng "Wor-
ship Team ng dalagang Song-
leader na si Mirasol.
      "O Melvin at Tito, kumusta
kayo," pangungumusta ng da-
laga.
      "Okey lang kami Mirasol.
Gusto naming manood ng  en-
sayo ninyo sa Music Ministry?"
       "May marunong bang ku-
manta o tumugtog ng gitara o
anumang instrumento sa inyo,"
tanong ni Mirasol.
       "Etong si Melvin, all-around
sa aming combo noong nasa
high school pa kami," si Tito ang sumagot.
      "Lahat kami ay marunong
kumanta at tumugtog noong
araw. Pero naghiwa-hiwalay
na lang kami noong nasa ku-
lehiyo na," wika Melvin.
       "Dati pala kayong miyem-
bro ng combo noon. Gamitin
nyo iyan sa Panginoon, ibalik
nyo sa Kanya ang papuri at pa-
sasalamat. Kung gusto n'yo ay
maki-join kayo sa aming "Wor-
ship Team practice every Sa-
turday 5:00-7:00 p.m.," wika ni
Mirasol.
      "Sige, sasama kami ni Bro.
Tito sa praktis ng music," wika
naman Melvin.
      Sa totoo lang ay muling tu-
mibok ang puso ni Melvin para
kay Mirasol. Naghilom na ang
sugat sa puso ng binata. Para sa kanya, si Karen ay isang ma-
samang panaginip. Alam na-
man niyang kayamanan lang
ni Ronald ang habol ni Karen
kung bakit nagpakasal siya dito. Si Ronald Andrews, (ang
asawa ni Karen) ay half-Cana-
dian half-Filipino. Pilipina ang
ina ni Ronald, si Ellen Esguerra
ng Taytay, Rizal. Canadian ang
ama niyang si Donald Andrews
na isang Engineer at Nurse na-
man ang inang si Ellen sa Ca-
nada noon. Sa Canada nagkaki-
lala sina Ellen at Donald dahil
naging OFW si Ellen sa isang
private hospital sa Calgary, Ca-
nada. Si Ronald ang nag-iisang
tagapagmana ng Dairy Farm
Products Company sa Calgary
din. Mayroon din siyang ibang
business at maaaring ang ka-
yamanang ito ang habol ng da-
ting Ex ni Melvin, si Karen Gue-
rrero na tubong San Fernando,
La Union.
      Muli ngang tumibok ang pu-
so ni Melvin sa katauhan ni Mi-
rasol. Plano niyang hindi  bi-
biglain ang dalaga. Nahahalata
naman ni Mirasol ang binata.
Dahil sa ulan ay nagkakilala
sila noon sa Angono habang parehong nag-aabang ng dyip patungong Binangonan. Nang
pinasukob siya ni Melvin ng
kanyang malaking payong ay
naniniwala siyang may mabu-
ting puso ang binata. Si Mel-
vin ay dati ring "Caddie" sa
Valley Golf. Tapos nang mag-
aral ang binata at umalis sa pagkakadi at pumasok nga
sa isang computer shop sa
Angono, Rizal bago maging
"Umbrella Girl" naman si Mi-
rasol. Naging Schoolar si Mira-
Sol ng may-ari ng ICCT na si
Mr. William Co kaya nakatapos
siya at ngayon ay nagtuturo na siya sa Angono National High School. At sa Church ay naka-
paglilingkod siya sa Panginoon
sa pamamagitan ng Music Mi-
nistry.
      Lumipas pa ang tatlong bu-
wan ay ganap nang kasapi ng
Worship Team sina Melvin at
Tito. Si Melvin ang sa keyboard
ngunit all-around din siya sa mga instrumentong may ku-
werdas. Kumakanta na rin siya para sa Panginoon. Si Tito na-
man ay drummer at puwede rin siya bilang "Bass Guitarist." or "lead guitarist." At tunay nga na ang mga talento nina Mel-
vin at Tito noong hindi pa sila "born again" ay nagagamit nila ngayon hindi na para sa sanli-
butan, hindi na rin para sa pa-
lakpak ng mga tao kundi ang  papuri at pagpaparangal ay
para sa Panginoon dahil ang mga talento natin ay galing sa
sa Diyos at nararapat lamang na ibalik sa Kanya ang papuri,
parangal, pasasalamat at ang
pagsamba.

           (may karugtong)







PINAGTAGPO NG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon