Every Quarterly ang pagpu-
pulong ng mga Pastors ng
ETCMI sa pamumuno ni Pastor
Mel Ceñidoza. Sa pagkakataong
ito ay ginanap ang Pastor's
Conference na ito sa venue ng
ETCMI Cardona.
"Magandang umaga sa ating
lahat mga Kapatid. Nakiusap si
Brother Tommy kay Pastor Erick na dito sa kanilang venue
ang pagpupulong na ito. Bago
tayo magsimula ay pangungu-
nahan tayo ni Pastor Donald ng
Church ng Mambog sa ating
opening prayer," wika ni Pastor Mel.
Mga ilang minuto ang naka-
raan ay sinimulan ang pagpu-
pulong pagkatapos ng opening
prayer.
"Ang ating unang agenda
mga Pastor ay paigtingin pa rin
natin ang "Evangelism" dahil
dito mabilis lumago ang isang
Iglesya. Sa bagong convert
magmumula ang ite-train natin
para maging disipulo. Isinama
natin ang magkapatid na Ruth
at Daniel ng Tayuman sa ilalim
ni Pastor Melvin, ang mag-asa-
wang Rey at Venus ng Bilibiran sa pangangasiwa ni Pastor Tito,
sina Brother Romeo at Sister
Cristy ng Pantok, ang mag-asa-
wang Leo at Maria ng Dara-
ngan sa pansamantalang pa-
ngangasiwa ko. Pansamantala
dahil bago pa lamang ang Da-
rangan. Kasama rin ang mag-
asawang David at Deborah ng
Macamot sa pangangasiwa ni
Pastor Gerry, ang magkapatid
Kristian at Katrina ng Mambog
sa pangangasiwa ni Pastor Do-
nald at mag-asawang Tommy
at Salome sa pangangasiwa ni
Pastor Erick. Ang mga kapa-
tirang binanggit ko ang magka-
team sa evangelism at magdag-
dag pa tayo ng tig-iisa para
tatlo bawat team. Suportahan
natin lagi ang ating mga Out-
reach Church sa pamamagitan
ng ating Intercession, Dawn
Watch, Men's at Women's Inter-
cession. Ang mga Music Coor-
dinators ay remain pa rin. Si
Sister Sheila Aragoza pa rin sa
Church ng Macamot. Pastor
Gerry, mag-concentrate muna
kayo sa Upper Macamot dahil
mas marami ang tao doon."
"Opo Pastor. Si Sister Sheila
ang ilalagay kong leader kina
David at Deborah dahil mas
marami siyang kilala sa Upper
Macamot."
"Kung ano ang mainam at
epektibo Pastor Gerry, tuloy
n'yo lang at lagi kayong mana-
langin para sa mga prospect
n'yong mabo-born again. Kung
may time ka, puwede ka ring
aalalay sa kanila."
"Sige Pastor. Thanks po."
"Gusto kong malaman ninyo
mga Pastor na kayo "automati-
cally" ang "head" ng Disciple-
ship department sa inyong mga Outreach Church. Patuloy
kayong mag-pray para mag-
ibayo ang inyong "Gift of Tea-
ching" na kailangan ninyo sa
discipleship program. Dapat
ang isang Pastor ay magkaroon
din ng kaloob ng pagtuturo. Tu-
tulungan tayo ng Espiritu San-
to. Sa susunod na buwan ay
may seminar tayo about Coun-
selling. May nabili akong book
about Counselling at gusto kong ibahagi din sa inyo. Ma-
halaga ang Counselling dahil
baka may lumapit sa atin na
mga kapatiran na magpapa-
counsel ay saka pa lamang tayo mag-aapuhap kung papa-
ano tayo magbigay ng Counse-
ling sa kanila. Amen! ba mga
kapatid?"
Sabay-sabay na nag-Amen!
ang lahat na kasama sa pagpu-
pulong na iyon.
Sa suporta ng mga kapati-
ran sa Tayuman, Bilibiran at
Pantok, na-evangelized ang
buong Barangay Darangan ka-
sama ang Sitio San Juan na ma-
lapit na sa Munisipyo ng Bina-
ngonan, Rizal. Bunga ng pagka-
kaisa at sipag sa pangangaral
ng Salita ng Diyos, ang bilang
ng mga dumadalo sa Sunday
Worship Service ay umabot na
sa 50 katao. Ang venue ng "Fe-
llowship dito ay sa likod ng ba-
hay mismo ng mga Cervo. Nag-
patayo si Leo ng fellowship Ve-
nue sa bakante nilang lote at
ang capacity ay aabot ng dala-
wang daang katao. Ang dala-
wang anak ng mag-asawang
Leo at Maria na nasa Australia,
sina Larry at Lorna ang naki-
usap na magpatayo ang magu-
lang ng venue ng fellowship
dahil Christian na rin pala sila
habang nagtatrabaho sa Sidney
bilang Duktor at Nurse sa isang
private hospital doon. Na-born
again sila sa pamamagitang ng
mga Filipino Born Again Chris-
tian Missionaries na naka-base mismo sa Australia. Ang Konti-
nente ng Australia And Ocea-
nia ay binubuo ng 14 na bansa.
Ang Australia ang pinakama-
laki ang lupain na may sukat na almost 8,000 sq. km. Sumu-
nod ang Papua New Guinea na
may sukat halos 500 sq. km. at
pangatlo ang New Zealand na
may sukat na halos 300 sq. km.
Pinakamaliit naman ang Isla ng Nauru na may sukat na 21
sq. km.
Noong araw ay may nagba-
balita na marami daw tribu ng
"Cannibal" sa kagubatan ng
Papua New Guinea. Hindi na-
tin alam kung may katotoha-
nan ang balitang ito, o baka sa
pelikula lang natin napapa-
nood ang mga "Cannibal" o
mga tao na kinakain diumano
ang kapwa tao. Gayunpaman,
walang takot ang mga Chris-
tian Missionaries na ipangaral
ang Mabuting Balita ng kaligta-
san kaninuman o saan man sa
naturang Kontinente. At isa na
nga ang magkapatid na Larry at Lorna Cervo ang nabahagi-
an ng Salita ng Diyos ng mga
Missionaries na karamihan ay
mga Amerikano, Filipino at
mga Born Again na South Ko-
rean Missionaries.
May isang babaeng kapati-
ran sa ETCMI ng bagong Dara-
ngan Church. Mula ito sa ang-
kan ng mga Arabit, si Grace na
bagong "convert" pa lamang. Si
Grace ay isa sa bunga ng pag-
papagal ng mag-asawang Leo at Maria sa pag-alaalay nina
Pastor Mel, Pastor Melvin at ang Music Ministry Over-all
Coordinator na si Marisol Mo-
rales.
Si Grace ay 21 anyos at ma-
lapit nang magtapos ng kur-
song "Computer Engineering"
sa URS Tanay Campus. Ang ma-
gulang niya ay ang mag-asa-
wang Gregorio at Armi Arabit
na parehong tubong Darangan,
Rizal mismo. Walo silang mag-
kakapatid, limang babae at tat-
long lalaki na ang panganay ay
si Roger na 25 anyos na isang
Government employee mismo
sa Munusipiyo ng Binangonan.
Sumunod kay Roger ay si Gino,
23 anyos na isang pulis-Bina-
ngonan. Tapos ng kursong "Cri-
minology" si Gino. Pangatlo ay
si Grace nga. Ang bunso nila na
11 anyos ay si Gregorio, Jr. na
nasa Grade 5. Ang apat pang
anak ay sina Ginalyn, 19, Sarah
na 17 anyos, Noemi, 15 at si Ara na 13 anyos. Si Gregorio o
Greg ay 50 anyos na. Isa siyang Jeepney Operator at may anim na unit na gawang LGU Motors ng Pililla, Rizal. Ang ruta ng 6
niyang dyip ay Binangona Sta.
Lucia, Binangonan-Crossing,
Tanay-Crossing, Tanay-Tropi-
cal, Tanay-Cainta at Morong-
JRU. Malawak pa ang lote ni Greg sa Darangan. Nasa gilid
ng bahay nila ang garahe ng
pitong sasakyan kasama ang
isang Mitsubishi Adventure.
Si Armi na kanyang asawa ay
48 anyos na at may puwesto ng
gulayan at prutas sa palengke
ng Binangonan.
May angkin sa pag-awit si
Grace. Pamilya din kasi ng mga
manganganta ang Arabit Fa-
milya sa Darangan. Si Grace ang prospect ni Marisol na ma-
ging worship leader ng Church
ng Darangan kaya ite-train
niya ang dalaga para sa mga
Christian songs. Marunong ding maggitara si Roger at isa
rin ito sa prospect ni Marisol
para sa magiging member ng
Worship Team ng ETCMI Dara-
ngan Church. Prospect naman
ni Pastor Mel si Leo Cervo pa-
ra maging Pastor ng Darangan
Church. Si Maria ay nakikinita
ni Pastor Mel na mapagpasen-
sya sa mga bata. Kaya ito ang
prospect niya para sa ministry
ng mga bata.
Sinimulan na nga ni Marisol
na sanayin si Grace sa Music Ministry. Kaya tuwing alas-5:00
ng hapon ng Sabado, oras ng
practice ng Worship Team ng
Church ng Pantok ay kasali na
ang unang Christian sa mga
Arabit, si Grace Arabit. Hindi
apektado ang pag-aaral ng da-
laga ng mag-asawang Greg at
Armi. Pinapayagan naman nila
ito sa mga practice ng Worship
Team ng ETCMI Main Church
Pantok.
Tunay nga na kung may
pagkakaisa ang mga anak ng Diyos sa loob ng iglesya ay ma-
bilis na lumago ang gawain ng
Panginoon dahil kapag nakita
ng Diyos sa puso ng bawat ka-
sapi ang pagmamahal at pag-
mamalasakit para sa kaligta-
san ng kaluluwa ng kapwa ay
Siya ang tumatawag at pumi-
pili ng mga taong magiging ba-
yan Niya pagdating ng takdang
panahon.( may karugtong )