Tatlong pares na mga anak ng Diyos na pinagtagpo ng tad-
hana. Masasabi natin na ito ay
kalóoban ng Panginoon dahil
ayon sa sinasabi ng aklat ng
Panaghoy 3:37-38 na walang
bagay na nagaganap sa ibabaw
ng mundo na hindi sa kapahin-
tulutan ng Diyos. Nasa ilalim ng Kapangyarihan ng Kataas-
taasang Diyos maging masama
man o mabuti. At sa bawat pangyayari ay may layunin ang Diyos at ito ay sa ikabubuti
ng lahat ng nagmamahal sa Kanya.
Sina Melvin at Mirasol ay sadyang pinagtagpo ng tadha-
na dahil sa "ulan" at "payong"
na malaki. Sina Tito at Vicky
ay nagkakilala na sa Church
ganoon din sina Pastor Donald
at Katrina ay pinagtagpo din ng
tadhana dahil may magandang
plano ang Diyos sa kanila. Nasa
atin ang pag-iisip at pagbaba-
lak, ngunit ang tagumpay ay sa
Diyos nagbubuhat.
Dahil ayon sa kalooban ng
Panginoon ang pamumuhay ng
tatlong pares na ito na mga anak ng Diyos at patuloy na ipi-
napangaral ang Mabuting Bali-
ta ng kaligtasan, ang ETCMI
Church ay nanganak pa ng isang "Outreach Church" sa ba-
yan mismo ng Cardona, Rizal.
May kakilala si Pastor Gerry sa
Cardona, ang dati niyang ka-
klase sa URS Morong Campus
na si Erick Sison. Pareho silang
kumukuha noon ng Computer
Engineering sa nasabing Cam-
pus ng URS. Si Erick ay may-ari
ng limang "computer shop" sa
Cardona. Nakapag-asawa ng
"Public School Teacher" sa Car-
dona Elementary School, si Lea
Javier na tubong Isla Talim sa-
kop ng Cardona. May bahagi ang Isla Talim na sakop ng ba-
yan ng Binangonan. Nasa Car-
dona rin ang "Rest House" ng
kilalang "Radio Announcer" ng
DZRH na si Joe Taruc.
Ang mag-asawang Erick at
Lea ay may tatlong anak, si Joel
na 18 anyos ang panganay, su-
munod si Deborah na 16 anyos
at ang bunso ay si Lena na 14
anyos. Malaking pamilya ang
mga Javier sa Isla Talim. Kara-
mihan ay mga mangingisda.
Mayroon ding nag-aalaga ng
mga pukyutan at nagtatanim ng mga gulay. Sa pamamagitan
ng pangingisda, karamihan sa
mga Javier ay nakapagtapos ng
pag-aaral partikular sa URS Bi-
nangonan Campus. Si Joel ay
kasalukuyang kumukuha ng
Accountancy sa URS Binango-
nan, si Deborah naman ay BS
Management sa parehong Uni-
bersidad. Si Lena naman ay
Grade 8 sa Cardona National
High School.
Ang buong pamilya ni Erick
ay regular na dumadalo sa "Fe-
llowship" ng ETCMI Cardona
Outreach Church. Si Pastor Mel
muna ang nagpapastor dito ha-
bang patuloy niyang dinidisi-
pulo si Erick, ang "prospect"
niyang maging Pastor ng Car-
dona. Talagang napakagaling
ng Diyos dahil ang mga nabo-
born again ay nagkataong may
mga "gifts of music" tulad ni Lea na isa pa lang Music Tea-
cher sa Cardona Elementary
School. Si Erick ay marunong
ding tumugtog ng "keyboard."
Si Joel naman ay isa sa tinutu-
ruan ng Music Ministry ng Main Church sa pangunguna ni
Mirasol, ang "girlfriend" ni
Melvin Cequeña na Pastor ng
ETCMI Tayuman. Ang araw ng
Sabado ay inilaan nina Erick at
Lea para ipangaral ang Mabu-
ting Balita ng kaligtasan sa mga Taga Cardona. Sila ay ina-
aalayan muna ni Pastor Mel.
"Brother Erick at Sister Lea,
unti-unti nating puntahan ang
mga kamag-anak ninyo, kaibi-
gan o kakilala upang i-share
natin sa kanila ang Salita ng
Diyos. Kahit ako na lang muna
ang magsasalita. Obserbahan
na lang muna ninyo ako kung papaano ako mag-share ng Sa-
lita ng Diyos sa mga pupunta-
han natin. Isang linggo ko na
ipinag-pray ang pangalan ng
mga taong ibinigay ninyo sa
akin. Bahala na si Lord na hu-
mipo ng kanilang puso, Basta
tayo ay tagapag-salita lang."
"Sige po Pastor, bahala na
muna kayo. Kami ni Lea ay
prayer muna ang maiaambag
namin sa iyo," wika ni Erick.
"Una sa lahat ay prayer mu-
na para pangunahan tayo ng
Panginoon sa pagpapalaganap
ng Kanyang Banal na Salita,"
wika naman ni Pastor Mel.
Bunga ng pagpapagal ng tat-
lo ay nahikayat nila si Tommy
Claudio, tubong Tanay, Rizal pero naninirahan na sa Sagbat,
sakop ng Cardona, Rizal. Napa-
ngasawa ni Tommy si Salome
Geronimo na tubong Baras, Rizal at kamag-anak ng dating
Alkalde sa bayang ito, ang Red
Belter sa Judo-Karate na si Capt
Meliton Geronimo na tinaguri-
ang "Mayor Latigo" na ginam-
panan ni Eddie Garcia sa peli-
kulang may ganoon ding pa-
magat. Lima ang anak ng mag-asawa. Si Carlo ang pa-
nganay na nakapagtapos ng Auto-Diesel Mechanic na may dalawang "van" na may biya-
heng Cardona-Megamall. Su-
munod ay si Felipe na "high school graduate lang ang nata-
pos dahil maagang nag-asawa
sa edad na 18. Masinop at ma-
sipag naman si Felipe dahil ka-
hit high school lang ang nata-
pos ay may lima siyang bang-
kang de motor, tatlong pangis-
da at dalawang pampasaheho
na may rutang Cardona-Isla
Isla Talim. Ang asawa niyang
si Trixie ay may puwesto ng
tindahan ng karne ng baboy
at manok mismo sa Cardona
Public Market. Ang sumunod kay Felipe ay si Peter na nagta-
pos ng Refrigeration And Air-
Conditioning sa isang vocatio-
nal school sa Morong, Rizal. May apat siyang shop, tatlo sa
Morong at isa sa Cardona. Na- pangasawa naman ni Peter si
Cristy Tanjuatco na anak ng Mayor ng Tanay, Rizal. Si David
ang pang-apat na anak ni To-
mmy. Katatapos lang ng binata
sa Philippine National Police
Academy. Kasalukuyan siyang
nag-a-apply ng pagkapulis mis-
mo sa Cardona. Ang bunsong si Diana ay kumukuha ng IT or
Information Technology sa URS
Morong Campus. Dalawang taon pa ang bubunuin ng 19
anyos na si Diana bago mata-
pos ang in-demand na kurso.
Patuloy na lumalago ang
gawain ng Panginoon sa ETCMI
Church. Lima sa Binangonan at
isa sa Cardona. Ang Pantok
Church ang Main Church ng
ETCMI. Ang bunga nito ay ang
mga Household Church sa Ba-
rangay ng Tayuman, Bilibiran,
Macamot, Mambog at Cardona,
Rizal pa rin.
Ang pamilya Claudio sa pa-
ngunguna ni Tommy ay nag-
sadya sa Church isang hapon
ng Sabado.
"Magandang hapon Pastor
Mel," pagbati ni Tommy.
"Magandang hapon din Bro.
Tommy, Sis. Salome, at Bro. Carlo. Napasyal kayo."
"Napag-usapan ng pamilya
namin na magpatayo ng mas
malaking simbahan sa kali-
wang bahagi ng lote namin.
Napapansin kasi namin tuwing
araw ng Linggo na dumadami
na tayo at masikip na yung lu-
gar ng ating pagsamba sa Pa-
nginoon. Kusang-loob ito ng
aming pamilya. Wala pong ga-
gastusin ang Church sa pagpa-
patayo, sasagutin naming lahat
at bibili din tayo ng mga instru-
mento at lagyan natin ng Air-
condition," wika ni Tommy.
"Praise the Lord sa buhay
ninyo mga kapatid. Answered
prayer pala ang Intercessory Group ng ating Church dahil
isa sa mga hiningi namin Kay
Lord ay magkaroon tayo ng mas malaking venue, at eto na
nga, kayo pala ang gagamitin ng Panginoon para sa Kanyang
gawain at may kasama pang
air-condition."
"May nakausap na akong
"Contractor," isa sa mga naging
kaeskuwela ko. Christian na rin siya, si Bro. Rudy Villaran.
Presyong kapatid lang daw."
"Salamat sa Diyos. Kailan
natin sisimulan ang Construc-
tion Brother Tommy?"
"Next week na Pastor."
At tunay nga ang binhi ng
Salita ng Diyos na inihasik sa bayan ng Cardona, Rizal ay na-
munga. Ginamit din ng Diyos
ang Claudio Family para sa pi-
nansyal na pangangailangan ng ETCMI Cardona, Rizal.
Sumunod na araw ng Lunes
ay sinimulan na ang Construc-
tion ng bagong venue ng ETCMI Cardona Household
Church. At sinagot lahat ng pa-
milya Claudio ang gastusin. Ang nasabing bagong venue ay
may sitting capacity na 300.( may karugtong )