PART 6: "TUKSO"

1 0 0
                                    

      Patuloy ang paglilingkod ng
mga anak ng Diyos sa limang
Barangay na nasasakupan ng
bayan ng Binangonan lalawi-
gan ng Rizal. Si Pastor Mel Ce-
ñidoza ang Pastor ng Barangay
Pantok, si Pastor Melvin Ceque-
ña sa Tayuman, si Pastor Tito
Millares ng Bilibiran, si Pastor
Gerry Cequeña ng Macamot at
si Pastor Donald Morales sa Ba-
rangay Mambog na huling Ba-
rangay ng Binangonan na ma-
lapit na sa bayan ng Cardona,
Rizal. Ang Music Coordinator
naman sa Pantok ay si Mirasol
Morales, si Vicky Luklukan sa
Tayuman, si Noemi de la Cruz
sa Bilibiran. Palitan muna sina
Mirasol at Vicky ng pagso-song-
leader sa Macamot at Mambog dahil bago pa ang Church at wala pang nate-train na song-
leader pero may "prospect" na
si Mirasol, si Katrina Villaman-
te na mahilig kumanta sa mga
"Videoke." Balak niyang i-train
si Katrina na songleader para
sa Church ng End Times Chris-
tian Ministries, Inc. o ETCMI sa
Barangay ng Mambog. May ba-
gong "convert" din sa Maca-
mot na 18 anyos na dalaga, ang
kapatid ni Dario Santos, si Dina
na mahilig ding kumanta. Siya
naman ang "prospect* ni Mira-
sol para maging "Songleader"
ng kanilang Church sa Maca-
mot na ang Pastor ay si Gerry
Cequeña.
      Isang gabi ng Biyernes ay
nakatanggap ng "messages" si
Vicky mula kay Tito sa pama-
magitan ng "messenger." Nag-
bigayan na kasi sila ng kani-ka-
nilang mga FB Account at na-
ging "Friends" na sila. Naka-
add din sila sa Group Chat o
GC na ginawa ni Mirasol para
sa lahat ng miyembro ng "Wor-
ship Team ng ETCMI, ang GC
na ETCMI Worship Team.
      "Puwede ba kitang imbita-
hang kumain diyan lang na-
man sa McDonald's na katapat
ng Church natin sa Saturday,
4:00 p.m. tapos ay diretso na ta-
to sa ating praktis," anyaya ni
Tito kay Vicky.
      "Kumain lang naman e, ok
ako diyan Bro.," sagot ni Vicky.
      "Hindi lang kakain, may
mahalaga din akong sasabihin
sa iyo Sis."
      "No problem Bro."
      Kinabukasan, 3:50 p.m. ay
nasa McDonald's na si Tito. Mga ilang sandali pa ay duma-
ting si Vicky.
      "Kanina ka pa ba Bro.?"
      "Magkasunod lang tayo Sis."
      "O, order na tayo," wika ni
Tito.
      "Ano bang meron Bro., kaa-
rawan mo ba?"
      "Hindi naman, mamaya ko
nang sasabihin. Umupo muna
tayo habang naghihintay ng
order natin."
      "Parang nahuhulaan ko ang
sasabihin mo sa akin Bro."
      Ilang sandali pa ay dala na
ng "crew" o "waiter" ang order
ng dalawa. Jumbo Hamburger
ang inorder ni Tito at fried chi-
cken at kanin kay Vicky."
      "Bakit hindi ka nag-kanin at
fried chicken?"
      "Medyo bumibigat na kasi
ang timbang ko at alalay lang
daw sa kanin dahil nakaka-
high blood din ayon sa Nanay ko noong nabubuhay pa."
      "Ibig mong sabihin ay kinu-
ha na ni Lord ang Nanay mo."
      "Makaraan ang anim na bu-
wan buhat noong siya ay na-
born again ay kinuha na siya ni Lord."
      "Ano bang ikinamatay ng
Nanay mo Bro.?"
      "Matagal na siyang may
"diabetes" kahit noong hindi pa
kami Kristiyano. Nagme-main-
tain naman siya, pero alam na-
man natin na ang buhay natin
ay hawak ng Diyos."
      "At least Bro , nakakilala si-
ya sa Panginoon bago siya na-
matay. Mabuti pa ang Nanay mo, namamahinga na at nasa piling na siya ng Diyos. E, tayo
ay nandito pa sa lupa at maaa-
ring magdadanas pa tayo ng
iba't-ibang pagsubok."
      "Tama ka diyan Sis. Pero
dapat nating tandaan na hindi
tayo binibigyan ng pagsubok ng Diyos nang higit sa ating kakayahan. Bagkus, pagdating ng pagsubok, ang Diyos din ang
magbibigay sa atin ng lakas
upang mapagtagumpayan natin ang mga pagsubok na
iyan."
      "Matatapos na tayo kumain.
Ano yung mahalagang bagay na sasabihin mo sa akin Bro.?"
      "Ayaw kong magpaliguy-li-
got pa Sis. Vicky. Gusto kita, I
love you Kapatid."
      "Nagtanong ka na ba Kay
Lord Jesus bago mo sabihin sa
akin iyan Bro.?"
      "Sa totoo lang, nag-fasting
pa nga ako. At sigurado kong
ikaw ang babaeng itinalaga ng
Diyos sa akin."
      "Papaano mo natitiyak kung
ako nga ang babaeng iyon?"
      "Kapag sinagot mo ako ng
"OO" ngayon, e, ikaw nga iyon
Sister."
      "Sa makalawa ay malala-
man mo na ang kasagutan ko. Magpe-pray din ako mama-
yang gabi at iko-confirm ko Kay Lord kung ikaw nga ang
inilaan Niya para sa akin."
      "Hindi naman ako nagma-
madali Sis. I can wait naman."
      "Malapit nang alas-5:00, ta-
ra na sa Church. Di ba praktis
natin ngayon Bro."
      Malakas talaga ang panana-
lig ni Tito na si Vicky ang baba-
eng inilaan ng Diyos para sa
kanya. May girlfriend siya noong hindi pa siya Kristiyano,
si Jenny de Leon na isang busi-
nesswoman. May office and
school supplies store si Jenny
malapit sa University of Rizal
Systems Tanay Campus sa Ta-
nay, Rizal. Hindi sila nagkatu-
luyan dahil pumatol si Jenny sa
isang Professor sa University
of Rizal Systems o URS sa Tanay mismo. Ang masaklap
nito ay huli na ang lahat nang
nadiskubre ni Jenny na may
pamilya ang nasabing Profe-
ssor. Naanakan si Jenny ng
Professor na ito. Pagkasilang
ni Jenny ng sanggol na lalaki
ay pinutol na niya ang relasyon
sa nasabing Professor dahil
kung hindi siya hihiwalay ay idedemanda siya ng asawa ng playboy na Professor. Playboy
dahil hindi lang pala si Jenny
ang nakarelasyon nito kundi
may tatlo pang estudyante niya
ang nakarelasyon.
      Samantala, pagkagaling ni
Melvin sa praktis nila sa Wor-
ship Team ay may nag-video
call sa kanya, si Karen na ka-
rarating lang mula sa Canada.
      "Melvin, mabuti na lang at
hindi ko pa na-delete ang FB
account mo. Kumusta ka na."
      "A! Karen, ikaw pala. Di ba
nasa Canada ka. Bakit nauwi
ka dito sa Pilipinas?"
      "Ayaw mo? Bumakasyon
lang ako dito sa sariling bansa.
Mas maganda talaga dito sa
ating bansa lalo na kung may
mababalikan pa."
      "Anong ibig mong sabihin
Karen?"
      "Isang taon na akong na-
ngungulila Melvin dahil isang
taon na akong biyuda. Wala na
si Ronald. Na-cardiac arrest ha-
bang dumadalo sa isang busi-
bess conference sa Alberta."
      "Ganoon ba? Condolence
kahit ngayon ko lamang nala-
man Karen."
      "Ang nakakalungkot nito,
hindi ako nabigyan ng anak ng
asawa ko dahil baog pala."
      "Magtatagal ka ba rito Karen?"
      "Baka isang taon ako rito.
Melvin, available na available
ako. Puwede pa nating ituloy
ang naudlot nating pagmama-
halan. Patawarin mo sana ako
dahil nasilaw ako sa kayama-
nan ni Ronald. Hindi pala pu-
wedeng magbigay ng tunay na
kaligayahan ang salapi. Yes,
nakamit ko ang pangarap kong
maging mayaman dahil sa akin
lahat naipamana ni Ronald ang
kayamanan niya at mga ari-
arian dahil nag-iisa siyang anak ng may-ari ng isa sa mga
kilalang Dairy Farm Products
sa Canada. Pero hungkag pa
rin ang buhay ko dahil wala
naman akong anak Melvin."
      "Karen makinig kang maigi
sa akin. Parang gusto ko nang
magpakamatay noong ginawa
mo sa akin iyon. Masakit na
masakit sa akin ang pangyaya-
ring iyong dahil alam mo na-
man kung gaano kita kamahal.
Ngunit nang ma-born again ako ay unti-unti kong nakali-
mutan ang nakaraan. Tinang-
gap ko ang lahat ng iyon bilang
pagsubok sa aking pananam-
palataya. At lalong lumakas at
tumibay ang relasyon ko sa Pa-
nginoon dahil pinalalakas ang
loob ko ng babaeng tunay na
nagmamahal sa akin, si Mira-
sol na kapatiran ko sa aming
Church."
      "Okey lang iyon Melvin kung mayroon nang nagmama-
hal sa iyo. Habang hindi pa kayo kasal ay nakikiusap ako
sa iyo, gusto kong magkaanak
sa iyo please lang."
      "Kasalanan sa Diyos ang ipi-
nagagawa mo sa akin Karen. Hindi ko kayang gawin iyan. Hindi ko rin puwedeng pagtak-
silan ang babaeng inilaan ng Diyos para sa akin. Maghanap ka na lang iba, yong wala pang pananagutan sa buhay."
      "Mahal pa rin kita Melvin."
      "Hindi pagmamahal iyan
Karen. Ang tawag diyan sa
English ay "lust" hindi "love."
Sige Karen, hating-gabi na ma-
tutulog na ako. Bukas ay araw
ng pagsamba namin. Bye and
God bless you.
      Maliwanag na panunukso
kay Melvin ang kagustuhan ni
Karen. Nanatili siyang matatag
sa pananampalataya niya sa
Diyos. Inisip niya na ginamit ng
diyablo si Karen para siya ay
bumigay, subalit alam niyang
mahal siya ng Panginoon at hindi ipinahintulot ng Diyos na
siya ay bumigay dahil lagi si-
yang nananalangin lalo na sa ganoong sitwasyon.




           (may karugtong)

     

     

PINAGTAGPO NG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon