PART 15: "PAGMAMALASAKIT"

0 0 0
                                    

Magkakatabi ang unit nina
Clyde, Izza, Margaret, Richard
at Freddie sa isang Town Hou-
ses isang kilometro ang layo sa
Canberra Private Hospital. Sa
tinitirhan ni Clyde ay may ma-
lawak na "visitors cottage" na
Filipino designs dahil gawa ito
sa nipa, yantok at kawayan. Ang mga upuan ay gawa sa yantok o rattan at ang maha-
bang mesa ay gawa sa kahoy
at kawayan. Magaganda ang
mga halaman sa paligid nito
Sa di kalayuan ay may swim-
ming pool at mga umbrella sa
paligid nito.
Ang Filipino health workers
sa Australia ay may mga ka-
sambahay na mga Filipino din
na lahat ay Ilokana. Karami-
han ay mga kamag-anak din
nila. All-around kasambahay
ni Clyde ang pinsan din niya sa
Vigan City Ilocos Sur, si Aileen
na 30 years old lang. Bagama't
all-around si Aileen ay hindi
naman masyadong nahihira-
pan dahil tinutulungan din siya
ni Clyde lalo na sa pagluluto ng
kanilang makakain.
Pagkatapos nilang kumain
ay nagsimulang magsalita si
Melvin.
"Kami'y naniniwalang dala-
wa ni Marisol na ipinadala ka-
mi ng Panginoon dito sa Aus-
tralia at maaaring hindi lang
kami kundi may iba pang Kris-
tiyano sa ilang lugar ng Konti-
nenteng ito ay naririto bilang
mga "Missionaries" upang ipa-
laganap ang Mabuting Balita ng kaligtasan dahil tulad ng mga nababalitaan nating ka-
guluhan sa iba't-ibang panig
ngayon ng mundo ay nagpapa-
tunay lamang na tayo ay nasa
huling araw na. Mga kapatid,
halos lahat ng mga "Propesiya"
na nakatala sa Bibliya ay na-
gaganap na tulad ng hindi pa
natapos-tapos ng giyera ng Ru-
ssia at Ukraine, Israel at ng mga Palestino, ang kaguluhan
sa Sudan, ang iringan ng China
at ng Amerika, ng South at North Korea, ng China pa rin
at Taiwan at iba pang mga ka-
guluhan. Nagaganap ang mga
paglindol at mga salot tulad ng
Covid-19, ang mabilis na pag-
laganap ng kasamaan at iba
mga kalamidad at taggutom.
Ang lahat ng pangyayaring ito
ay mga palatandaan ng huling
araw. Malapit na malapit na ang pagbabalik ng ating Pangi-
noong Jesus upang hatulan na
ang sanlibutan. Ang tanong ko
ay nakahanda na ba tayo na
humarap sa Hukuman ng Diyos?"
"Ano ang dapat naming ga-
win upang maligtas ang aming
kaluluwa Pastor," tanong ni
Richard, isa sa mga kaibigan ni
Clyde.
"Ang ating kaligtasan ay "Grasya ng Diyos" sa pamama-
gitan ng pananampalataya sa
ating Panginoong Jesus. Hindi
ito dahil sa ating mga gawa.
May tatlong bagay na dapat na-
ting gawin. Una, pagsisihan at
talikdan ang ating kasalanan
at magbalik-loob sa Diyos. Pa-
ngalawa, manalig tayo Kay Je-
sus, manalig tayo sa Kanyang
ginawa sa Krus ng Kalbaryo.
Bagama't Siya'y Anak ng Diyos,
nagkatawang-tao Siya, nama-
tay sa Krus ng Kalbaryo upang
tubusin o bayaran ang ating mga kasalanan. Tayo'y patata-
warin ng Diyos sa ating mga
kasalanan. At ang huli, tatang-
gapin natin Siya bilang Diyos,
Panginoon at Tagapagligtas ng
ating buhay. Pagkatapos niyan
ay sumasaatin ang Espiritu Santo at Siya tutulong sa atin
upang makapamuhay tayo sa
kalóoban ng Diyos," wika ni
Melvin.
"Papaano namin matatang-
gap ang Panginoong Jesus at ng
Espiritu Santo Pastor," tanong
naman ni Izza.
"Mangyayari lamang ang mga ito sa pamamagitan ng
mataimtim at taus-pusong pa-
nalangin na ako ang mangu-
nguna sa inyo at sumunod la-
mang kayo sa gagawin nating
panalangin na kung tawagin
ay "Sinner's Prayer."
Pinangunahan nga ni Mel-
vin sa panalangin ng pagsisisi
sa kasalanan at pagtanggap Kay Jesus ang lima, sina Clyde,
Izza, Margaret, Richard at Freddie ng oras na iyon. Ang
sumunod na pangyayari ay ang
testimonyo ng mga ito kung pa-
aano kumilos ang Diyos sa buhay nila at kung ano ang na-
ramdaman nila habang sila'y
nanalangin.
"Parang may nabunot na tinik sa dibdib ko kaninang na-
nanalangin tayo. May kinikim-
kim kasi akong galit sa isang tao na dala-dala ko pa mula sa
Pilipinas. Hindi ko kasi siya ka-
yang patawarin noon dahil ma-
sakit masyado ang ginawa niya
sa akin. Pero kanina ay napata-
wad ko na siya at kinalimutan
ko na ang ginawa niyang masa-
ma sa akin," wika ni Izza na
halatang umiyak kanina.
"Ang sabi nga ng Bibliya:
Mapalad ang mga tao na ang
kasalanan nila ay kinalimutan
na ng Diyos. Kapag nagpata-
wad ang Diyos ay hindi lang
Niya tayo basta pinatawad
kundi kinakalimutan pa Niya
ang mga kasalanan natin,"
wika uli ni Melvin.
Nang araw na iyon ay nag-
sabi si Clyde, ang pinsan ni
Mark Roy na puwedeng mag-
karoon ng "Fellowship" sa
Canberra at gaganapin mismo
ito sa tinitirhan nila ng kasam-
bahay niyang si Aileen. Medyo
malawak kasi ang bakuran ng
bahay ni Clyde. Ang venue ng
gawain ng Panginoon ay mismo doon sa visitor's cottage
na puwede pang palakihin.
"Lalo kang pagpapalain Ka-
patid na Clyde sa plano mong
magkaroon ng "Fellowship"
dito sa Canberra. Gagawin na-
ting hapon mga 4:00-6:30 p.m.
ang fellowship ninyo dito sa
Canberra at umaga pa rin sa
Sydney 9:00-11:30 a m. Maaa-
ring isa o dalawa o tatlo pa ang
magiging Pastor dito sa Austra-
lia. Ipag-pray din natin na ma-
kapagbukas pa ng gawain ng
Panginoon sa Kontinenteng ito
ng Australia And Oceania. Ma-
laki ang Kontinenteng ito. Sa-
kop din ang pumapangalawa
sa laki ng lupa, ang bansang
Papua New Guinea at ang ban-
sang New Zealand. Ako'y nani-
niwala na marami nang Born
Again Christian Missionaries
na nauna na sa atin dito sa
Australia. Salamat naman sa
Diyos dahil natutupad na ang
naka-prophecy sa Bibliya na ang lahat ng tao sa buong mun-
do ay makadidinig ng Mabu-
ting Balita ng kaligtasan bago
dumating ang wakas. At ang
sabi ng Panginoong Jesus, ang
nananatiling tapat hanggang
wakas ay siya lamang ang ma-
liligtas. Kaya mga Kapatid sa
pananampalataya, ang kaligta-
san ay nasa atin na nang su-
mampalataya tayo sa ating Pa-
nginoong Jesus. Patuloy lang
tayong gumawa ng mabuti sa
ating kapwa nang hindi naghi-
hintay ng kapalit. At ang patu-
loy nating pagpapagamit sa Pa-
nginoon para sa kaligtasan ng
mga taong nasa kadiliman pa
ang pinakamabuti nating ga-
win sapagkat ang nais ng Diyos
kung puwede lang sana ay wa-
lang mapapahamak sa dagat-
dagatang apoy ng impiyerno,
sa halip ay maligtas. Ngunit ang kaligtasan ay libreng ibini-
bigay ng Diyos sa pamamagi-
tan ng pananampalataya sa
ating Panginoong Jesus at hindi
ito dahil sa ating mabubuting
gawa kaya hindi tayo puwe-
deng magmalaki. Ang nakalu-
lungkot lang, maraming tao pa
rin ang nagre-reject Kay Jesus
at hindi tinatanggap bilang
Diyos, Panginoon at Tagapag-
ligtas. Kung ire-reject ng tao
si Jesus na nag-iisang Tagapag-
ligtas ng kanyang buhay, sino
pa ang magliligtas sa kanya," wika ni Melvin.
Makaraan ang ilang araw ay natapos na ang venue ng Fe-
llowship sa tirahan ni Clyde.
Sumunod na hapon ng Linggo
ay nagsimula na ang Sunday
Worship Service sa Canberra
sa. Kaya ang buong araw nina
Melvin at Marisol ay okupado
na para sa gawain ng Pangi-
noon. Si Marisol ang Worship
Leader sa Sydney sa umaga at
sa hapon ay sa Canberra. Si
Melvin man ay Speaker kapag
umaga ng Linggo sa Sydney at
siya rin ang Speaker sa Can-
berra pagsapit ng hapon. Lagi
naman silang inihahatid ni Rudy sa Canberra sa pamama-
gitan ng kanyang bagong BMW.
Isang araw ay isang sorpre-
sa ang bumungad kay Melvin,
isang brand new Honda Civic
na kulay maroon. Lihim na nag-ambagan ang mga Kristi-
yano sa Sydney at Canberra para magkaroon ng sariling sa-
sakyan si Melvin sa parit-pa-
rito nila ni Marisol sa Sydney
at Canberra.
"Praise the Lord mga Kapa-
tid. Sinorpresa nyo talaga ako.
Hindi ko inisip ito dahil kun-
tento na kami ni Marisol sa bu-
hay namin dito. Salamat kina
Brother Rudy at Sister Bella sa
kanilang pagmamalasakit sa
amin na sinasamahan nila kami sa Canberra tuwing ha-
pon ng Linggo. Purihin ang
Diyos sa buhay ng Pamilya
Singson dahil ginagamit sila
ng Panginoon para sa Kanyang
Ubasan o ang ibig sabihin ay
ang Ministry. Gusto ko ring iba-
lita sa inyo mga Kapatid na na-
katapos na ng "Discipleship
Training sina Dok Larry at Sis.
Lorna. Next Saturday morning
ay maio-ordain na si Dok Larry
bilang Pastor dito sa Sydney at
mag-concentrate na ako sa
Canberra. May lisensya na rin
sa pagkakasal si Dok Larry kaya siya na ang magkakasal
sa amin ni Marisol. Napagka-
sunduan namin na magpaka-
sal muna kami dito sa Sydney
bago kami mamirmihan sa
Canberra para mapangasi-
waan ang Iglesya ng Pangi-
noon doon. Ang schedule ng
preaching ko ay every 2nd and
4th Sunday dito sa Sydney at
every 1st and 3rd Sunday na-
man ako sa Canberra. Okey lang ba sa inyo mga Kapatid,"
wika ni Melvin.
"Wala namang problema
Pastor. Ayos lang na dalawang
beses kayo mag-preach dito at
dalawang beses din sa Can-
berra."
At tunay nga na nakikita ang pagmamalasakit ng mga
Kristiyano sa Canberra at Syd-
ney sa mga kababayang mga
Pilipino kaya padagdag nang
padagdag ang mga nagiging
Kristiyano. Nakikita rin ang
pagmamalasakit ng mga Kris-
tiyano sa Pastor na nanganga-
siwa sa kanila. Nag-ambagan
sila para makabili ng sariling
sasakyan si Pastor Melvin da-
hil kailangan niya talaga ang
sariling kotse sa parit-parito
niya kasama si Marisol sa pag-
punta sa Canberra.



( may karugtong )


PINAGTAGPO NG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon