PART 12: "PAGSUBOK"

0 0 0
                                    

      Sikapin ninyong mapanatili
ang pagkakaisang mula sa Es-
piritu, sa pamamagitan ng ka-
payapaang nagbubuklod sa in-
yo. May iisang katawan at
iisang Espiritu, kung paanong
may isang pag-asa na para doon kayo'y tinawag ng Diyos.
May iisang Panginoon, iisang
pananampalataya at iisang
bautismo, iisang Diyos at Ama
nating lahat. Siya ay higit sa la-
hat, kumikilos sa lahat at nana-
natili sa lahat. Ang mga Sali-
tang ito ng Diyos ay mababasa
natin sa Aklat ng Efeso 4:3-5.
Sa grasya at tulong ng Diyos
sa pamamagitan ng Espiritu
Santo ay nagagawa ng mga
lingkod Niya ang pangangaral
ng Mabuting Balita ng kaligta-
san sa Iglesya ng END TIMES CHRISTIAN MINISTRIES, INC.
na ang Main Church ay mata-
tagpuan sa Barangay Pantok,
Binangonan, Rizal. Mayroon na
itong anim na naging bunga ng
pagpapagal  ng masisipag at ta-
pat na mga lingkod ng Diyos sa
lalawigan ng Rizal. Ito ay ang
mga Outreach Church ng Ba-
rangay Tayuman na ang Pastor
ay si Melvin Cequeña, Pastor
Tito Millares ng Barangay Bili-
biran, Pastor Gerry Cequeña ng
Barangay Macamot, Pastor Do-
nald Morales ng Barangay Mambog at si Head Pastor Mel
Ceñidoza na siyang Pastor ng
Barangay Darangan at ng Main
Church Pantok. Ang anim na
Church na ito ay sakop ng
Bayan ng Binangonan. Ang
Pastor naman sa Cardona, Rizal ay si Pastor Erick Sison.
Dalawang Church ang hawak
ng Full-Time Pastor na si Mel
Ceñidoza dahil wala pang Pas-
tor ang bagong tayo na ETCMI
Darangan. May prospect na si
Pastor Mel na maging Pastor ng Darangan, ang dinidisipulo
niyang si Brother Leo Cervo ka-
tuwang ang asawang si Maria.
Sa pitong Pastor na ito ng Igle-
sya ng ETCMI ay si Mel pa la-
mang ang Full-Time sa Minis-
try dahil ang anim na Pastor
ay nagtatrabaho pa. Si Melvin
Cequeña ay Computer Techni-
cian sa Angono, Rizal. Compu-
ter Technician din si Tito Milla-
res sa bayan ng Binangonan. Si
Gerry naman ay Professor sa
URS Morong Campus kung saan siya nagtapos ng Compu-
ter Engineering. Nag-master
siya sa kursong kinuha sa AMA, kilalang Computer School sa bansa kaya nakapag-
turo siya sa University of Rizal
System Morong Campus. Si Donald ay tapos ng BSBA sa URS Binangonan Campus. Ang
mga negosyo naman niya ay mga fastfoods restaurants sa
Angono at Binangonan. Si Erick naman ay may computer shop
sa Cardona at isa sa Morong at
isa rin sa Baras.
      Ang tatlong kapatid ni Mel-
vin na sina Miles, Mark at Mil-
dred ay pare-parehong OFW
sa Germany. Si Miles ay nagta-
pos ng Internal Medicine sa  UST, si Mark ay Abogasya at
nagtatrabaho siya sa Phili-
ppine Embassy sa naturang
bansa at si Mildred ay Nutri-
tionist sa isang 5 Star Hotel sa
Germany din. Ang magulang
nilang sina Melchor at Lorna ay may tindahan ng office and
school supplies malapit sa URS
Binangonan.
      Makalipas ang isang taon ay
itinalaga ni Pastor Mel si Leo
Cervo bilang Associate Pastor
ng ETCMI Darangan Church.
Ang asawang si Maria ay itina-
lagang Coordinator ng Ministry
ng mga kababaihan. Buo na rin
ang Worship Team ng Dara-
ngan Church. Si Rina Lobarbio
ang Worship Leader at Music
Ministry Coordinator, ang ins-
trumentalists ay si Rick Rivera
sa Keyboard, si Cris Clemente
sa Bass Guitar, si Ferdie de la
Cruz sa accompany at si Troy
Lozano sa drum set. Back-up
singers naman sina Claire Tan
na may dugong Chinese at Kim
Simagala.
      Isang araw ng Linggo. Kasa-
lukuyang nasa Sunday Wor-
ship Service sa ETCMI Tayu-
man ang magulang ni Melvin,
ang mag-asawang Melchor at
Lorna nang biglang nawalan
ng malay sa kanyang kinauu-
puan si Lorna. Itinakbo ni Mel-
chor ang asawa sa hospital.
Umalalay si Melvin. Mabuti na
lang at si Pastor Mel ang prea-
cher ng araw na yaon kaya tu-
loy pa rin ang fellowship sa Ta-
yuman. Pagdating sa hospital ay dinala agad sa emergency
room si Lorna. Inasikaso agad
ng mga tauhan ng ospital ang
Ina ni Melvin. Mga ilang minu-
to ang lumipas ay nagkamalay
na si Lorna. Medyo tumaas lang ang BP nito. Niresetahan
ng pampababa ng dugo. Lumi-
pas ang isang oras ay ganap
nang naka-recover si Lorna.
Ang mga kapatiran naman sa
Tayuman ay hindi huminto sa
pananalangin para kay Lorna
buhat noong nawalan  ito ng
malay. Dininig ng Diyos ang mga panalangin ng mga kapa-
tiran. Dahil sa panalanging yaon ay mabilis na bumalik
sa normal ang kalagayan si
Lorna. Laking pasasalamat ni
Melvin sa Panginoon dahil
bumangon na si Lorna at tila
walang nangyaring masama.
      Makalipas ang dalawang
araw ay lumabas na ng ospi-
tal si Lorna. Wala pang isang
linggo ay si Melchor naman ang sinumpong ng rayuma. May pang-maintenance naman
ito kaya hindi na kailangang dalhin sa ospital. Sa bawat pro-
blemang dumadating sa pa-
milya ni Melvin ay lagi niya ito
idinudulog sa Diyos sa pama-
magitan ng panalangin. Tinu-
tugon naman siya ng Pangi-
noon.
      Isang araw ng Biyernes nang muling nag-video call si Karen kay Melvin. Gusto na sa-
nang i-block ng binata ang FB
account ni Karen, pero inisip
niyang baka namang isipin ng
biyudang Ex niya na bastos at
wala silang pinagsamahan. Na-
is din niyang mahikayat ang
dating nobya na lumapit Kay
Jesus sapagkat alam niya na ang tunay na buhay ay hindi
dito sa mundo kundi sa piling
ng Diyos pagdating ng takdang
panahon.
      "Melvin, babalik na ako bu-
kas sa Canada. Maaaring mag-
bago pa ang isip mo. Kung may
natitira pang kahit katiting na
pagmamahal sa akin, nandito
lang akong naghihintay sa iyo,
kung sakali lang."
      "Kung babalikan kita Karen,
alam mong may masasaktan.
Babae ka at alam mo ang dam-
damin ng mga babae. Kung su-
sukatin ko ang aking pagma-
mahal sa inyong dalawa ni Mi-
rasol, 90 percent sa kanya at 10
percent lamang sa iyo. Wala na
akong galit o hinanakit sa iyo
sa ginawa mong biglang pagta-
likod sa akin. Pinatawad na kita at kinalimutan ko na ang
nagawa mong kasalanan sa akin. Ang Diyos ay laging nag-
papatawad sa mga taong  nag-
kasala sa Kanya. Hindi Niya itinataboy ang sinumang luma-
lapit sa Kanya sa anumang pa-
raan dahil Siya ay Diyos na ma-
pagpatawad, mahabagin, ma-
awain at Diyos ng pag-ibig. Sino ako para hindi magpata-
wad sa mga taong nagkasala
sa akin."
      "Napakabuti ang puso mo
Melvin. Tama lang na tinawag
ka ng Panginoon para maging
lingkod Niya. Ipanalangin mo
sana ako araw-araw para mag-
karoon ako ng desisyon na umaayon sa Kanyang kaloo-
ban."
      "Huwag kang mag-alala. Si
Lord ang magbibigay sa iyo ng
lalaking makakasama mo ha-
bang buhay. At bibigyan ka rin
ng anak, manalig ka lang."
      "Sana nga Melvin. Salamat
sa mga "encouraging word" mo. Bye, bye Melvin. Si Lord
ang magpapala sa inyo ni
Mirasol."
      Awa ang naramdaman ni
Melvin sa dating katipan. Alam
niyang patibong ni Satanas ang
muling pag-video call sa kanya
ni Karen. Ang mga taong wala
pang personal na relasyon Kay
Jesus ay hindi  "aware" sa mga
"scheme" o pandaraya ng diya-
blo. Muling napagtagumpayan
ng binata ang pagsubok sa kan-
yang pananampalataya. Hindi
siya nasilaw sa kayamanang
ipinamana ni Ronald Andrews
kay Karen. Mas pinahalagahan
niya ang relasyon niya sa Pa-
nginoon at sa relasyon nila ni
Marisol kaysa sa kayamanang may katapusan, kayamanang
hanggang dito lang sa lupa.



             ( may karugtong )

PINAGTAGPO NG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon