Ang Church ng "End Times
Christian Ministries, Inc." ay Non-Sectarian, Non-Denomi-
nation, Non-Profits Full Gospel
Christian Ministries na ang pi-
nagkukunan ng pinansyal ay
sa pamamagitan ng Ikapu, Love Offerings, Donations at
Pledges ng mga kasapi at ibang
tao na may pusong gustong tu-
mulong para ipalaganap ang
Mabuting Balita ng kaligtasan
sa lahat ng dako. Si Pastor Mel
Ceñidoza ang "Head Pastor" dito. Siya ay dati ring Teacher
sa University of Rizal System
o URS. Ang unibersidad na ito
sa lalawigan ng Rizal ay isa la-
mang sa proyekto ng mga nag
daang Gobernador katulad ng
mga Ynares at ang mga naging
Kongresista naman ay ang mga
Duavit, isa sa Big Boss ng GMA
Networks. Si Pastor Mel o Meli-
ton ay lehitimong Taga Bina-
ngonan, Rizal. Sa edad na 32 ay
binata pa siya at full-time siya
sa Ministry. Mayroon siyang
dalawang Associate Pastor na
binata rin sina Pastor Gerry
Cequeña at Pastor Donald Morales na lehitimong Taga
Barangay ng Bilibiran, kung
saang nakatira sina Melvin at
Tito Millares na kapwa Taga
Sitio Sto. Niño.
Isang araw ay hiniling ni
Melvin na magkita sila ni Mira-
sol sa paborito nilang fastfoods restaurant sa Angono, Rizal.
Nagpaunlak naman ang dalaga
"Nami-miss ko ang lugar na
ito Melvin. Dito tayo unang ku-
main noon. Parang nahuhu-
laan kong mahalaga ang sasa-
bihin mo sa akin."
"Hindi lang mahalaga Mira-
sol, napakahalaga dahil may
kinalaman dito ang puso ko."
"Oo nga pala, halos isang
taon na tayong magkakilala,
pero hindi pa natin nababang-
git ang mga "birthday" natin
Melvin."
"Oo nga. Yung petsa nang
una tayong magkakilala ay hin-
di ko nakakalimutan iyon at ngayong araw iyon, March 10 Mirasol."
"Ngayon ba iyon Melvin?
Oo nga, tama dahil ang birth-
day ko ay March 7, 3 days bago
tayo nagkakilala. Ibig sabihin ay isang taon na pala buhat noong pasukubin mo ako sa malaki mong payong, hi-hi-hi!"
"At kaya niyaya kita ngayon
dahil hindi ko na kayang pigi-
lin ang sarili ko, mahal kita
Mirasol."
"Alam mo Melvin, di ba ang
sabi ko sa iyo noon ay dala-
wang beses na akong nabigo sa
pag-ibig. Nangyari iyon noong
hindi pa ako Christian. 23 lang
ako noon sa unang Ex ko. Dala-
wang taon kaming mag-steady
at akala ko noon ay magkaka-
tuluyan na kami, hindi pala.
Noong 26 na ako ay doon sa Dentista. Nakaisang taon din
kami, pero wala rin. Born
Again na ako noong pinikot
yung pangalawang Ex ko. At
saka namang pumasok ka sa
eksena. Ibig sabihin ay 28 na
pala ako at ikaw ay anong edad
na Melvin?"
"Matanda ako sa iyo ng da-
lawang taon Mirasol at April ako ipinanganak, April 30.
Panahon na siguro upang ala-
min natin sa Panginoon kung
ano ang kalooban Niya sa atin."
"Inaamin ko Melvin na pa-
rang dalang-dala na ako sa la-
rangan ng pag-ibig. Kaya nais
ko nang iukol na lang sa pagli-
lingkod sa Diyos ang aking bu-
hay. Takot na kasi akong mabi-
go. Hindi pa naghihilom ang
sugat ng puso ko noon doon sa
una kong Ex, at akala ko yung
pangalawa ay siya na ang lala-
king inilaan ng Panginoon pa-
ra sa akin. Kaya nag-iingat na
ako sa pagpili ng makakasama
ko habang buhay."
"Alisin mo ang takot sa puso
mo Marisol at matitiyak mo na
ang third love mo ay hindi ka
na mabibigo kung ipagkakati-
wala mo sa Panginoon at Siya ang kikilos para sa iyo, para sa
ating dalawa. Baka niloob ng
Diyos na magkakilala tayo da-
hil tayo pala ang para sa isa't-
isa Mirasol."
"Ipinag-pray mo na ba iyan
Melvin?"
"Oo Mirasol, "confirmation"
na lang sa iyo ang hinihintay
ko."
"Confirmed" na Melvin. Ba-
kit pahihirapan pa kita? Para
ring sinasabi sa akin ng Diyos
na ikaw ang lalaking inilaan Niya para sa akin. Pero ang pa-
ngako ko sarili ko ay mag-aa-
sawa lang ako kapag 30 years
old na ako."
"Tama lang iyon Mirasol.
Walang problema sa akin iyon.
Kaya ko pa naman ang mag-
hintay ng dalawang taon."
"Salamat Melvin. Tinuruan
mo akong magmahal uli. Tama
ka, takot lamang pala ang pu-
mipigil sa akin para umibig
muli. Hindi pala dapat mabu-
hay sa nakaraan dahil tapos na
ito at walang maitutulong para
sa kasalukuyan at lalo na sa hi-
naharap. Lalo lamang nasasak-
tan ang ating damdamin kung
lagi nating binabalikan ang na-
karaan. Harapin natin ang ka-
salukuyan at paghandaan ang
hinaharap. Sa tulong ng Grasya
ng Diyos ay magtatagumpay ta-
yo maging sa larangan ng pag-
ibig dahil tanging ang Diyos la-
mang ang higit na nakakaalam
para sa ating ikabubuti na mga
anak Niya."
Ang dalawang taong ito na
halos magkapareho ang kapa-
laran sa larangan ng pag-ibig
ay pinagtagpo ng tadhana na
magsisimula dito sa lupa at
maaaring hanggang sa dako pa
roon. Dahil ang tunay na pag-
ibig ay katulad ng pag-ibig ng
Diyos sa atin na hindi naghi-
hintay ng kapalit. Ibinigay Niya
ang Kanyang Bugtong na Anak
na si Jesus, nagkatawang-tao,
namatay sa Krus ng Kalbaryo
upang tubusin o bayaran ang
kasalanan ng sanlibutan.
Buhat noong nagkaroon ng
relasyon sina Melvin at Mirasol
ay lalong naging masigasig sila
sa kanilang paglilingkod sa Pa-
nginoon sa pamamagitan ng
talentong ibinigay ng Diyos sa
kanila, ang "Music Ministry"
sa kanilang Church.
Patuloy na dumadami ang
mga dumadalo sa Church ng End Time Christian Ministries,
Inc. Sina Melvin at Tito ay ma-
sigasig ng pangangaral ng Ma-
buting Balita ng kaligtasan sa kanilang lugar sa Sitio Sto. Niño, Bilibiran, Binangonan,
Rizal. Ang mga na-convert ay
dumadalo na rin sa pagtitipon
ng mga anak ng Diyos. Ang
buong pamilya ng dalawang
binata ay "Born Again" na la-
hat. May mga weekly Bible
Study din sa mga pamilya. Isa
sa mga bagong "convert" ay si
Rebecca Luklukan o mas kila-
la sa palayaw niyang Vicky, isa
sa mga kababaihan na nabaha-
ginanan ni Mirasol ng Salita ng
Diyos. Si Vicky ay nakatira sa
Barangay Bilibiran, isa rin sa
Barangay na sakop ng Binango-
nan bago dumating ng Pantok Nagkakilala sina Mirasol at
Vicky dahil isa sa mga estud-
yante ni Mirasol sa 1st year sa
Angono National High School ay kapatid ni Vicky na nag-en-
rol mismo sa "public high
school" na ito. Si Vicky ay 22
anyos lang at isa siyang "teller"
sa Landbank Binangonan Branch na matatagpuan sa ha-
rap mismo ng University of
Rizal System na malapit din sa
Munisipyo ng Binangonan, Rizal. Hindi nagtagal, sa mati-
yagang panalangin at pagbaba-
gi ng Salita ng Panginoon, ang
buong pamilya ni Vicky ay na-
born again na lahat. Ang mga
Luklukan ay lehitimong Taga
Barangay Bilibiran. Noon pa man ay kilala nang mga Born
Again ang pamilya Luklukan. Kamag-anak niya yung Pastor na Luklukan na naririnig natin sa "Radio Station" ng DZAS ng Far East Broadcasting Com-
pany o FEBC na dati ay nasa lungsod ng Valenzuela sa Bulacan. Pamilya din sila ng
mga mang-aawit ng awiting
pang-Kristiyano
Makaraan ang anim na bu-
wan, si Vicky ay kasapi na rin
sa "Worship Team" ng Church
ng "End Times Christian Minis-
tries, Inc. na kinabibilangan
nina Mirasol at mga kasabay
niyang naging Kristiyano. Ka-
sama rin sina Melvin at Tito.
Naging dalawang pangkat ng
"Worship Team," Ang Worship
Team 1 ay pinamumunuan ni
Mirasol bilang "Songleader" at
si Melvin sa Worship Team 2 na pinamumunuan naman ni
Melvin bilang Instrumentalist
and singer din once a month.(may karugtong)