Isang umaga ng Lunes sa Sydney, Australia ay pinag-usa-
pan ng magkasintahang Melvin
at Marisol ang kanilang kasal.
Sa una nilang pag-uusap isang
buwan na ang nakararaan ay
si Dok o Pastor Larry Cervo sana ang magkakasal sa kanila,
ngunit nag-suggest si Larry na
ang kanilang Overseer na si
Pastor Mel Ceñidoza ang mag-
kakasal sa kanila. Isa pa ay
gusto rin ng mga Kapatiran sa
Sydney at Canberra na dalawin
sila ni Pastor Mel sa Australia.
Ang round trip plane ticket ni
Pastor Mel ay sagot na nila. Si
Pastor Mel naman ay may
"Passport" na. Kukuha na lang
ng Tourist Visa para makapa-
sok siya sa Kontinente ng Aus-
tralia And Oceania.
Samantala, sa tirahan ng
Lazaro Family sa Canberra ay
na-search ni Jared ang location
ng ETGCMI Canberra kaya ang
sumunod na araw ng Linggo ay
nagkita sila ni Melvin.
"Kumusta ka na, Ikaw na pala ang Pastor ng Church natin dito sa Canberra Melvin.
Parang kailan lang Bro. Pareho
pa tayong miyembro noon ng
ating Worship Team sa Pantok.
Ngayon ay nandito ka na sa
Canberra," wika ni Jared
"Sina Dok Larry Cervo at ang kapatid niyang si Lorna ang nagbukas ng Bible Study sa
kanilang tirahan hangga't du-
mami na ng dumami. Si Engi-
neer Rudy Singson na Taga Vigan at ang asawa niyang si
Sister Bella ang nag-request na
magkaroon na ng "Fellowship"
sa Sydney. Australian Citizen na silang buong pamilya. Sila
ang ang nagpatayo ng venue.
Nag-request sila na magpadala
ng Pastor dito at inirekomenda
ni Pastor Mel na kami ni Mari-
sol ang magkatuwang na ma-
ngasiwa sa gawain ng Pangi-
noon sa Sydney at dito sa Can-
berra."
"Kumusta na nga pala kayo
Pastor at Sister Marisol. Kailan
tayo haharap sa mahabang du-
lang he-he-he!," medyo pabiro
ni Jared.
"Next month Bro., magpapa-
kasal na kami. Pupunta si Pas-
tor Mel dito sa Australia. Siya
ang magkakasal sa amin. Ayos
na lahat. Sinagot ng mga Kapa-
tiran sa Sydney at dito sa Can-
berra ang lahat-lahat na ma-
gagastos," wika uli ni Pastor
Melvin.
"Pastor, hayaan mong ma-
katulong din kami at ng pamil-
ya ko sa kasal ninyo."
"Salamat Brother Jared. Si
Lord ang patuloy na magpapa-
la sa inyo dito sa Australia,"
wika naman ni Marisol.
"Next Sunday Pastor, lahat
kaming buong pamilya ay da-
dalo kami. Born Again na ka-
ming lahat. Di ba noong araw
ay ako lang "Born Again" dahil
ang magulang ko't kapatid ay
nandito na silang lahat. At dito
na sila na-born again sa pama-
magitan ng isang Pilipinong
Missionary din pero wala pang
Church dito. At nang malaman
ko na ETGCMI pala ang Church
dito, kaya kakausapin ko ang
buong pamilya ko na dito na
kami magsisimba lagi-lagi,"
wika din Jared.
"Brother Jared, eto bibigyan
na kita ng Invitation Card para
sa kasal namin ni Pastor Melvin," wika uli ni Marisol.
"Wow! June Bride pala. Sa
June 7 na pala ito. Tatlong
linggo na lang," wika naman ni
Jared.
"Ilan ba kayo Brother," tanong ni Marisol.
"Anim kaming lahat. Ibibi-
gay ko sa iyo ang mga panga-
lan namin," wika ni Jared
"Sosobrahan ko na. Gaga-
win ko nang sampu. Bahala ka
na nang magsulat ng pangalan
ng mga idadagdag.
Sumunod na araw ng Linggo ay hakot ni Jared ang
buong pamilya, ang amang si
Joel, Sr., ang inang si Rhodora,
at ang tatlong kapatid, sina
Jessica, Jane at Joel, Jr. na du-
malo ng Fellowship sa Canberra. Nakaugalian na ng
mga Kapatiran na pagkatapos
ng Sunday Worship Service ay
sa Church na sila nagkakainan
ng hapunan. Ganyan din ang
ginagawa nila sa Sydney pero
tanghalian naman dahil ang
oras ng kanilang fellowship ay
9:00-11:30 ng umaga, saman-
tala sa Canberra ay 4:00-6:30
p.m. Kasama rin ang buong
pamilya ni Benito Lim, ang
COO ni Joel, Sr. kababayan din
dati ni Joel, Sr. sa Calamba, La-
guna. Masagana ang pinagsa-
lu-saluhang hapunan na kara-
mihan ay Filipino foods at
Ilocano foods. Hindi nawawa-
la ang "Pinakbet" at ginisang
munggo na may sahog na inihaw na dalag at may halong bulaklak ng alukon o hamba-
bao sa wikang Tagalog. Ang "alukon" ay punongkahoy na lumalaki. Ang bulaklak nito ay parang mahabang uod na ku-
lay dilaw na may konting
berde. Masustansya ang bulak-
lak na ito. Hindi rin nawawala
ang labong na may sahog na inihaw na dalag din at may
dahon ng "saluyot." May ilang
Australian foods din tulad
ng "Emu," John Dory Fillets,"
"witchetty grubs," at "lamb leg
roast." at ilang seafoods. Ang dessert naman ay bibingka,
suman, puto at iba pang kaka-
ning Pinoy. Alas- 8:30 na ng gabi nang maghiwa-hiwalay
sila pagkatapos ng hapunan at
"bonding" sa isa't-isa.
Tatlong araw bago sumapit
ang kasal nina Melvin at Mari-
sol ay dumating si Pastor Mel
kasama ang "girlfriend" na si
Diana Claudio. Pang-dalawang
tao ang pamasaheng ipinadala
ng mga Kapatiran sa Canberra
at Sydney kaya nakasama si
Diana na dati na ring may
"Passport" at may "Tourist Visa" rin na madali namang
nakuha kasabay ng Tourist Visa ni Pastor Mel.
"Okey lang pala ang klima
dito Pastor Melvin, parang nasa Baguio lang tayo," wika ni
Pastor Mel.
Nagkumustahan din sina
Marisol at Diana.
"Hindi pa kita masyadong
kilala noon Sister Diana dahil
nakakadalo lang ako ng Fello-
ship noong araw sa Cardona
kapag Church anniversary nin-
yo. Siguro ay marami na rin
kayo ngayon sa Cardona," ta-
nong ni Marisol kay Diana.
"Ang natatandaan kong pi-
nakamaraming umattend pero
hindi anniversary ay 65 Sister,"
wika naman ni Diana.
"Marami na rin dahil ang
huling attend ko ay 45 kayo
noon pero anniversary ninyo
iyon."
"Masipag kasi mag-evange-
lize ang mga Kapatiran doon sa
Cardona sa pangunguna ni Pas-
tor Erick Sison kasama ang Da-
ddy at Mommy ko."
"Oo nga, Pastor na rin pala
ang Daddy mong si Kuya Tommy."
"Oo Sister, kailan lang siya
nai-ordained kasama si Pastor
Daniel Aragon at Pastor Rolan-
do Aragones, ang magiging
Pastor yata ng Angono kapag
nakapagbukas na doon. Si Pas-
tor Daniel ang pumalit kay
Pastor Melvin sa Tayuman."
"Talagang malapit nang du-
mating si Lord Jesus dahil du-
madami na ang mga naliligtas
na mga Gentiles."
"Ano ba yung Gentiles Sister
Marisol," tanong ni Diana.
"A!, kapag hindi daw Isra-
elita, ang tawag daw ay Gentiles o Hentil, Hentil tayo.
Pero ang sabi nina Pastor Mel,
tayong mga Kristiyano ay mga
"Spiritual Israelites daw dahil
sa kaugnayan natin sa ating
Panginoong Jesus," wika uli ni
Marisol.
"Kumusta naman buhay
ninyo dito sa Sydney."
"Sa ngayon ay nakatira kami ni Melvin sa isang Town
Houses. Tig- isang unit kaming
dalawa, magkatabing unit lang.
Pero kapag kasal na kami ay
doon na lang kami sa isang unit."
"Kumusta naman ang finan-
cial ninyo," tanong uli ni Diana
"May trabaho naman kaming pareho sa kumpanya ni Brother at Engineer Rudy
Singson. Bale sa HRD ako at si
Melvin ay Computer Techni-
cian naman siya kaya ang nag-
aayos kung may problema ang
mga computer sa mga opisina.
Yung love gift ni Melvin ay su-
porta ng mga Kapatiran."
"Talagang pinagpapala kayo
ng Panginoon Sister. Kalóoban
Niya na kayo ang nakatalaga
dito para sa Kanyang gawain.
At ni wala siguro sa isip ninyo
na dito pala kayo kakasalin.
Wedding in abroad 'ika nga."
"Biyaya at grasya ng Diyos
Kapatid. Basta susunod lamang
tayo sa Kanyang kalooban ay
siguradong pagpapalain tayo sa lahat ng ating pangangaila-
ngan."
"Balita ko, yung pamilya La-
zaro na galing Calamba, Lagu-
na ay malapit lamang daw sa
venue ng fellowship sa Can-
berra," wika ni Diana.
"A! oo, si Brother Jared, yung dating Band Leader sa
ating Main Church sa Pantok.
Hindi mo na inabot iyon. Wala
pang Church noong araw sa
Cardona nang sumunod siya sa
magulang niya sa Canberra."
"Ang sarap ng "bonding"
ninyong dalawa Sister Diana,"
wika ni Melvin.
"Samantalahin na namin
habang nandito pa kami sa
Australia," wika ni Diana.
"Bago kayo bumalik sa Pili-
pinas pagkatapos ng kasal na-
min ni Marisol ay ipapasyal
namin kayo sa ilang "Tourist
Spot sa Canberra at Sydney
tulad ng National Arboretum
sa Canberra at Sydney Har-
bour Hopper kung saan ay ma-
tatagpuan din ang magandang
Taronga Zoo," wika ni Melvin.
"Baka naman mahal ang
bayad sa entrance," wika uli
ni Diana.
"Kaya pa naman ng bulsa
Sister," wika naman ni Marisol.
"Sige, susulitin na namin ang aming tourist visa, he-he-
he!" wika naman ni Pastor Mel.
Sumapit ang June 7, araw ng kasal nina Pastor Melvin
Cequeña at Sister Marisol
Morales mula sa Binangonan,
Rizal na nadestino sa Australia
ayon sa kalooban ng Diyos.
Best man si Dok Larry Cervo mula sa Barangay Dara-
ngan, Binangonan, Rizal at ang
Maid of Honor ay si Clyde Valdez mula naman sa Vigan
City, Ilocos Sur na pinagtagpo
pareho ng tadhana sa Sydney at Canberra sa Lupalop o Kon-
tinente ng Australia And
Oceania. Principal Sponsors
naman ang mag-asawang Engi-
neer Rudy at Architect Bella
Singson mula pa rin sa Vigan
City.
Madaling nairaos ang kasa-
lang tinaguriang "Wedding In
Abroad" nina Pastor Melvin
Cequeña at Marisol Morales, ang pinagtagpo ng tadhana dahil sa "Ulan" nang magpasu-
kob si Melvin kay Marisol sa
malaki niyang payong na may
tatak na "Valley Golf And Coun-
try Club kung saan ay dating
nagkakadi si Melvin at si Mari-
sol naman ay Teacher ng Ango-
no National High School sa Angono, Rizal noong kapwa sila nag-aabang ng masasak-
yang dyip patungong Binango-
nan habang umuulan. Si Mel-
vin ay Taga Sitio Sto. Niño, Bili-
biran, Binangonan, Rizal at si
Marisol ay nakatira naman sa
Barangay Pantok, kasunod ng
Barangay Bilibiran.( may karugtong )