PART 10: "IKAW NA NGA"

0 0 0
                                    

      Pagkaalis ni Mel ay puma-
sok si Diana sa loob ng silid niya. Binasa niya ang 2 Corinto
6:14 at pinagbulay-bulay. Nala-
man niyang kasalanan talaga
ang makipag-relasyon sa hindi
kaisa sa pananampalataya. Na-
alaala niya ang isa sa mga sui-
tors niyang hindi pa Christian,
si Edwin. Classmate din niya ang binatang kumukuha rin ng
IT o Information Technology sa
URS Morong Campus. Masiga-
sig na manliligaw si Edwin. Pa-
rang may "feelings" din siya sa
binatang Taga Baras, Rizal, pero mas pinahalagahan niya
ang Salita ng Diyos. May takot
siya sa Panginoon at natakot
din siyang labagin ang sinasa-
bi ng 2 Corinto 6:14. Iniisip
niya na hindi ipahihintulot ng
Panginoon na magkasala siya
dahil lang sa pakiramdam niya
pero labag naman sa kalooban
ng Diyos. Inisip din niya na ang
Diyos ang magbibigay sa kanya
ng tamang lalaking makakasa-
ma niya habang buhay.
      Sa kabilang dako, si Mel na-
man ay nananalangin tungkol
sa nararamdaman niya kay
Diana. Humingi siya ng "confir-
mation" sa Panginoon kung si
Diana na nga ba ang babaeng
itinalaga ng Diyos sa kanya. Kung positibo ang isasagot ng
dalaga sa kanya, sila na nga ang para sa isa't-isa. Sa kan-
yang edad na 30 ay panahon na para magkaroon siya ng ka-
tuwang sa buhay. Maaaring pa-
ra kay Diana ay bata pa siya sa
edad na 21 para mag-asawa. Maaaring may pangarap pa siya sa buhay bago sumabak sa
buhay may-asawa. Hinawakan
niya ang kanyang celphone at
kinontak si Diana sa pamama-
gitan ng FB.
     "Hello! Pastor, napatawag po kayo."
      "Hindi kasi ako dalawin ng
antok. Katatapos ko lang mana-
langin about you Sister Diana."
      "Hindi naman ako puwe-
deng maglihim Kay Lord dahil
alam Niya ang laman ng puso
ng bawat tao. Inaamin ko Pas-
tor, napamahal ka na sa akin.
Ipinag-pray kita Kay Lord last
night at ikaw na nga ang lala-
king itinalaga ng Diyos sa para sa akin. Parang ang bilis ano?
May pakiusap lang ako Pastor
Mel. Kaya mo bang maghintay
within four years from now
bago tayo magpakasal?"
      "Oo naman Sister. Di ba ang
pag-ibig ay matiyaga at nagti-
tiis hanggang wakas?"
      "Pangako ko kasi sa sarili
kapag ako ay papasok na sa bu-
hay "may-asawa" ay 25 anyos na ako para ma-enjoy ko na
man ang pagiging "Single" ko. Ano, game ka ba Pastor?"
      "Game na game, ako pa e
kapag 25 ka na sa araw na yaon, ako naman ay 34 lang. Di ba okey lang? At saka ang pag-
ibig na dapat makita sa atin ay
yaong sinasabing "Agape Love"
or "Unconditional love."
      "Teka Pastor Mel, may ku-
lang pa, kailangang ipagsibak
mo kami ng kahoy na pangga-
tong, ipag-igib ng tubig."
      "Hindi na ako magsisibak ng kahoy dahil uso na ang gaas
bilang panggatong. Hindi na rin uso ang ipag-igib dahil may
Manila Water o NAWASA na
he-he-he!"
      "Naku! Pastor a! "Joker" ka
rin pala, hi-hi-hi!"
      "Seriously, ako naman ang
makikiusap. Kapag tayong da-
lawa lang ay huwag mo na akong tawaging Pastor. Mel na
lang at tatawagin naman ki-
tang Dianne."
      "Okey. Dianne naman talaga
ang "nickname" ko "
      "Oo nga pala. Di ba round
roving ang schedule ko sa mga
anim na Churches sa mga
Preachings ko pero once a month lang. Ang 1st Sunday ay
naka-fixed sa Pantok Church.
Sa 2nd, 3rd, 4th at 5th Sunday
( kung mayroon ) ay bahala na
ang mga Outreach Church Pas-
tors mag-schedule sa akin."
So, maaaring once a month lang tayo magkikita Dianne."
      "Okey lang yun Mel. Naka-
kapag-chat naman tayo sa me-
ssenger."
      "Ask ko lang Dianne kung
magtatapat na ba tayo sa pa-
rents mo tungkol sa atin?"
      "Parang nakakahalata na
nga sila Mel."
      "Mas mabuti kung tayo na
mismo ang magtatapat sa kani- la tungkol sa ating relasyon
kaysa sa ibang tao pa nila ma-
lalaman ito. O, kailan tayo
magtatapat Dianne?"
      "Di ba ikaw ang preacher sa
amin next Sunday?"
      "Oo, ako nga."
      "Sige, next Sunday na tayo
magsasabi after fellowship. Kina Daddy at Mommy lang ba,
o pati sa mga mga kapatid ko?"
      "Okey lang naman Dianne.
Kahit sa buong pamilya."
      "Tungkol nga pala sa kurso
ko, gusto kong mag-master pa-
ra puwede akong magturo sa
school Mel. Ipag-pray mo ako
sa lahat ng plano ko."
      "Sige, ipagpe-pray kita para
gabayan ka lagi ng Panginoon."
      "Thanks Mel. Matutulog na
ako. Bye and God bless you."
      "God bless you too Dianne."
      Apat na pares na mga anak
ng Diyos ang pinagtagpo ng
tadhana sa loob ng iglesya na
kanilang kinabibilangan. Sila
na nga kaya ang itinalaga ng
Diyos para sa isa't-isa? O maaa-
ring emosyon lang. Sabagay, kung tungkol sa pag-ibig "belie-
ver" man or "unbeliever" ay
sangkot ang emosyon ng tao.
Ngunit dapat pa rin na ito ay
kalóoban ng Panginoon para sila ay magabayan dahil ang
pag-aasawa ay habang buhay
na "commitment" sa bawat isa
tulad ng ating "commitment"
sa ating paglilingkod sa ating
Panginoon hanggang sa muling
pagparito Niya.
      Isang araw ng Lunes ay magkasama sina Mel, Melvin at Mirasol sa pangangaral ng
Salita ng Diyos sa Barangay Da-
rangan, katabing Barangay ng
Pantok. Pami-pamilya ang tar-
get lalo na ang "head of the fa-
milya o Tatay dahil ang panini-
wala nila kapag nakuha nila ang mga Tatay ay madali na ni-
lang makuha ang asawa at mga anak.
      "Pastor Mel, saan tayo mag-
sisimula ng evangelism," ta-
nong ni Melvin.
      "May kumpare ako dito sa
Darangan, si Leo Cervo. Kilala siya rito dahil isa siya sa mga
Kagawad sa kasalukuyan," wika ni Mel.
      "Pastor Mel, ask ko lang sa
inyo kung papaano kayo na-
ging magkumpare ni Leo,"
tanong naman ni Mirasol.
      "Pareho kaming Ninong ng
pamangkin niya nang ikasal."
      "Lahat ng kamag-anak, ka-
kilala, kumpare at kaibigan ni
Leo ay i-evangelize natin," Pas-
tor Mel," wika ni Melvin.
      "Oo Pastor Melvin. Bubuo pa tayo ng dalawang "Evange-
listic Team" para mabilis na ma-evangelize natin ang buong
Barangay ng Darangan. Pagsa-
mahin natin sina Pastor Tito,
Sister Vicky at Sis. Ruth, yung
Music Coordinator ninyo sa Ta-
yuman."
      "Isama na rin natin sa Team
ni Pastor Tito si Brother Daniel,
yung panganay na kapatid ni
Sister Ruth. Okey lang ba Yun
Pastor Mel kahit apat sila."
      "Walang problema Pastor
Melvin. Ite-train din natin ang
ibang kapatiran sa evangelism
para lalong mapabilis ang pa-
ngangaral natin sa mga Baran-
gay along the National Road ng
Binangonan. Isasama na rin
natin sa ating goal for Evange-
lism ang iba pang Barangay at
mismo bayan ng Binangonan.
Kailangang i-involved natin sa
evangelism ang mga kapatiran
sa Macamot, Bilibiran at Mam-
bog."
      "A, nandito na pala tayo ki-
na Pareng Leo. Siguradong
nandiyan siya dahil nag-chat
muna ako na papasyal tayo
sa kanya."
      Nasa gate na ng bahay ni
Leo ang tatlo. Nakita sila agad.
      "Pareng Mel, Pareng Mel ba
o Pastor ang itatawag ko sa iyo?"
      "Kahit alin sa dalawa Pare,
puwedeng Pare, puwede ring
Pastor, he-he-he!"
      "Doon na lang tayo uupo sa
may "umbrella" Pare, mas presko doon at nasa ilalim pa
tayo mangga."
      "Malawak itong bakuran mo Pare, malamig ang simoy
ng hangin at maraming puno
at halaman."
      "Biyaya ng Panginoon Pare
at may kasamang pagsisikap
para mapaaral ang tatlong anak namin."
      "Saan nga pala ang asawa mo at mga anak Pareng Leo.?"
      "Namalengke si Misis. Ma-
ya-maya nang konti ay nandito
na iyon. Ang panganay at pa-
ngalawa kong anak ay nasa
Australia pareho. Duktor yung
panganay ko, si Larry at Nurse
naman ang kapatid niya, si
Lorna."
      "Ano nga pala ang pangalan
ng asawa n'yo po," tanong ni
Marisol.
      "Maria, eto na pala siya. Ma,
may bisita tayo. Natatandaan
mo siguro si Pareng Mel Ceñi-
doza sa Pantok."
      "Ay! oo. Pareng Mel, kumus-
ta ka na. Parang hindi ka tuma-
tanda at balita ko ay Pastor ka
na raw."
      "Biyaya ng Panginoon Mars.
Saan nga pala ang bunso n'yo?"
      "A! si Laarnie, pumasok Pare, diyan sa Land Bank tapat ng URS Binangonan Campus."
      "Anong posisyon po ng bunso ninyo?"
      "Accountant siya," si Leo
ang sumagot.
      "Professional na pala ang
mga anak n'yo Pareng Leo,"
wika ni Pastor Mel.
      "Sa tulong at biyaya ni Lord
ay napagtapos namin ang mga
anak namin. Si Misis ay may
Sari-sari Store at ako naman
ay dating mangingisda noong
nag-aaral pa ang mga anak na-
min. Noong nakapag-abroad na sina Larry at Lorna ay naka-
bili kami ng dalawang van na
ginawa kong pampasada na
may rutang Cardona-Megamall
at Binangonan-JRU. Ang inaa-
nak natin sa kasal ang driver
nung isang van, si Rommel."
      Sa kuwentuhang iyon ay na-
isingit ni Pastor Mel ang panga-
ngaral ng Mabuting Balita ni
Cristo-Jesus. Bago mag-alas-
5:00 ng hapon ay tumanggap sa Panginoong Jesus ang mag-
asawang Leo at Maria Cervo ng
Barangay Darangan, ang kata-
bing Barangay ng Pantok, Bina-
ngonan, Rizal.

      
           ( may karugtong )

     

     

     
    
     
      
     

PINAGTAGPO NG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon