Lumilipad na ang eroplano
ng Philippine Airlines na sinak-
yan ni Karen pabalik ng Cana-
da. Mga ilang minuto ang naka-
raan ay naramdaman niyang
tumutulo na pala ang luha ni-
ya. Bumalik sa alaala niya ang
maliligayang araw nila noon ni
Melvin. Nagkakilala sila mismo
sa Rizal Provincial Hospital nang maospital dito dahil sa
trangkaso. Si Karen ang naka-
tokang Nurse ng ilang araw.
Bago ma- release si Melvin ay
nabuo ang kanilang pag-iibi-
gan na akala niya noon ay sila
ang haharap sa altar. Balikan
natin ang eksenang yaon.
"Nurse, hindi ka bagay na
Nurse, mas bagay sa iyo ang
artista," pagbibiro ni Melvin
matapos makunan ni Karen
ng blood pressure.
"Palabiro ka pala Sir," naka-
ngiting wika ni Karen.
"Hindi ako nagbibiro Miss.
Nagsasabi ako ng totoo."
"Sir, hindi Miss ang panga-
lan ko. Ako si Karen."
"Ako naman si Melvin. Taga
Sto. Niño, Bilibiran. Saan ka sa
Binangonan Karen?"
"Sa bayan mismo Melvin.
Saan ka nagtatrabaho?"
"Computer Technician ako
sa isang Computer Shop sa
Angono."
"Saan ka ba nagtapos Melvin?"
"A, sa ICCT Cainta Campus.
Ikaw, saan ka nag-graduate ng
Nursing Karen?"
"Sa UST."
"Malayo ang UST dito sa Bi-
nangonan Karen."
"Oo, pero nagdo-dorm na-
man ako. Umuuwi ako every
Friday afternoon at ang balik
ko ay Sunday afternoon."
Naalaala din ni Karen noong nagpapahiwatig na sa
kanya si Melvin. Tapos na siya
sa kanyang pag-aaral noon. Nagsimula siya sa trabaho niya
bilang Nurse sa Rizal Provin-
cial Hospital sa Morong, Rizal.
Dito sila nagkakilala ni Melvin
nang maospital ang binata nang tinamaan ng trangkaso.
Ang pagkakilala nilang iyon ay
nauwi sa pag-ibig na hindi nag-
karoon ng katuparan. Pareho
silang na-love at first sight. Ma-
hal na mahal siya ni Melvin.
Subalit hindi natin nalalaman
ang mga magaganap sa ating
buhay. Maraming pagbabago ang nangyayari. Inaamin niya
sa sarili na nasilaw siya sa ka-
yamanan ni Ronald Andrews
na isang Filipino-Canadian sa
Canada nang siya ay OFW doon after 2 years experience
niya sa Government Hospital.
Nilimot niya ang sumpaan nila
ni Melvin na after four years
niya sa Canada ay magpapaka-
sal na sila. Halos isang taon pa
lamang siya bilang OFW nang
ipagpalit niya si Melvin kay
Ronald na isa palang baog. Tat-
long taon na sila nagsasama noon nang biglang inatake sa
puso ang asawa habang nasa
isang "business conference"
sa Alberta, Canada. Makaraan
ang isang buwan buhat nang
mamatay si Ronald ay nag-vi-
deo call siya kay Melvin na noon ay may relasyon na kay
Mirasol na isang Guro sa Ango-
no National High School. Napu-
tol ang alaala ni Karen kay
Melvin nang mag-stopped over
ang sinakyang eroplano sa
Hongkong.
Samantala, sa Sidney, Aus-
tralia kung saang parehong OFW ang dalawang anak ng
mag-asawang Leo at Maria
Cervo, si Larry na isang Car-
dioligist at si Lorna na Head
Nurse sa private hospital na
iyon ay nagbukas ng Bible Stu-
dy na si Larry mismo ang Mo-
derator. Ang Bible Study na ito
ay binubuo ng 20 OFW na nag-
tatrabaho din sa naturang pri-
vate hospital. May condomi-
nium malapit sa ospital. Dito nakatira karamihan ang mga
OFW sa Sidney. Isang unit ang
kinuha ng magkapatid na dala-
wa ang "bedroom." Malawak ang sala at kasya ang 20 katao
sa kanilang Bible Study. Ang
mag-asawang Rudy at Bella
Singson mula sa Vigan, Ilocos
Sur ay regular na dumadalo sa
Bible Study ni Dr. Larry Cervo
na kapatid na Lorna. Matagal
na silang "Immigrants" sa Aus-
tralia. Engineer si Rudy at Ar-
chitect si Bella. Binata't dalaga
pa lamang sila noon nang nag-
kakilala sa isang "Construction
Company." Nag-petition sila sa
Australian Government na ma-
ging Australian Citizen. At da-
hil anim na taon na silang nag-
tatrabaho doon, na-grant ang
kanilang petition. After one year ng pagiging Australian Ci-
tizen, sila ay nagpakasal. Bini-
yayaan sila ng tatlong anak, da-
lawang lalaki at isang babae. Si
Lucas ang panganay na isa ring
Engineer, si Rizza ang pangala-
wa na isang "Interior Decora-
tor" at ang bunso ay si Brent na
isa ring Architect tulad ng kan-
yang ina. May sarili nang Cons-
truction Company si Rudy, ang Ilocandia Construction Com-
pany, Inc. mismo sa Sidney. Na-
kilala naman ni Larry ang mag-asawang Singson sa isang
pagtitipon ng Filipino Commu-
nity in Australia. Karamihan sa
mga miyembro nito ay galing sa Region 1 Ilocos Region. Si
Larry naman ay may Home Bible Study Learning Online kaya may kaalaman din siya
tungkol sa Bibliya.
Isang araw ng Linggo, sa ka-
nilang Bible Study na umaabot
na sa 30 katao ay nagsalita si
Rudy Singson ng wikang Iloca-
no at kung ita-tagalog natin ay
ganito ang kanyang sinabi:
"Mga Kapatid sa pananam-
palataya. Sa biyaya ng Diyos ay
dumadami na tayo sa ating Bi-
ble Study. Kailangan na siguro
natin ang magkaroon ng mas
malawak na lugar ng ating
pagtitipon. At hindi na lang Bi-
ble Study kundi "Fellowship" na pero kailangan natin ang may karanasan na sa pagpa-
pastor na Filipino din. Dapat
ay OFW din siya dito sa Sidney
at ang pagpa-pastor ay maga-
gampanan din niya at the same
time na hindi maaapektuhan
ang kanyang trabaho dito. May
irerekomenda ka ba Brother
Larry.?"
"Yung Pastor ng Tatay ko sa
Pilipinas Engineer, baka intere-
sado. Pero may girlfriend siya
at baka interesado rin."
"Kontakin natin ka agad Dok Cervo."
"Isa rin siyang Computer
Technician at yung GF niya ay
isang "high school Teacher" sa
isang public high school sa Pili-
pinas." Yung Pastor na sinasabi ko ay Computer Technician,"
wika ni Larry.
"Eksakto Kapatid, kailangan
ng kumpanya ko ang Computer
Technician at sa HRD or Hu-
man Resource Department. Mag-video call ka sa kanilang
Head Pastor at sabihin mo na
kailangang may mag-pastor sa
mga Kapatirang Born Again dito sa Sidney."
"Sige Engineer, ipapaalam
ko na sa Pilipinas."
"Ako na ang magtatayo ng
ating "Venue" mismo sa bakan-
te kong lote. Pamilya ko na ang
gagastos sa lahat. Walang pro-
blema dahil yung panganay ko
ay Engineer din, si Misis at ang
bunso ko ay parehong Archi-
tect at "Interior Decorator" ang
pangalawa kong anak."
"Salamat Engineer Singson,
at Sister Bella. Talagang si Lord
ang nagpo-provide ng mga pa-
ngangailangan natin at guma-
gamit Siya ng tao para makara-
ting ang Kanyang pagpapala
sa atin," wika ni Larry.
Nag-video call agad si Larry
sa Tatay niyang si Leo at sinabi
na kailangan ng mga Filipino sa Sidney, Australia OFW man
o mga Immigrants na doon ang
Pastor ng mga Kristiyano doon.
At nairekomenda ni Dr. Larry
Cervo si Melvin Cequeña. Ibi-
nalita naman ito ni Leo kay
Pastor Mel Ceñidoza ng ETCMI
o END TIMES CHRISTIAN MI-
NISTRIES, INC. At dahil si Mel-
vin ang inirekomenda ni Larry
kay Engineer Rudy Singson na
pursigidong magkaroon ng ga-
wain ng Panginoon doon ay ka-
ilangang pulungin niya ang
anim niyang Pastor. Babaguhin
na rin ang pangalan ng Church
from END TIMES CHRISTIAN
MINISTRIES, INC. to END TIMES GLOBAL CHRISTIAN
MINISTRIES, INC.or ETGCMI.
Kinabukasan ay kinausap ni Pastor Mel ang mga Pastor
at pinag-usapan ang pagbubu-
kas ng ETGCMI Australia. Na-
pag-usapan nilang pitong Pas-
tor (kasama na si Leo Cervo ng
Darangan) sa pangunguna ni
Pastor Mel Ceñidoza na sina
Melvin at Marisol ang ipada-
dala sa Australia. Bukod sa pa-
giging Pastor ay may naghihin-
tay nang trabaho doon ang bi-
nata at ito ay sa kumpanya ni
Rudy Singson bilang Computer
Technician at si Marisol ay sa
Human Resource Department
sa kumpanya rin ni Engineer
Rudy Singson.
Sumunod na araw ay inasi-
kaso ng magkasintahan ang ka-
nilang "Passport at working visa." Makaraan ang tatlong linggo ay naayos agad ang mga
dokumento ng dalawa. Dala-
wang araw pa ang lumipas ay
tumulak na patungong Austra-
lia sina Melvin at Marisol.
"Bahala na si Lord Marisol
sa atin sa Australia. Alam Kong
kalóoban Niya at hindi natin puwedeng tanggihan ito. Ma-
itururing na "blessings" ito da-
hil wala naman sa Plano natin
ang mag-abroad."
"Si Lord ang nakakaalam ng
lahat ng pangyayari at mang-
yayari pa sa buhay natin at si-
gurado ko, sa ikabubuti natin
ang lahat ng ito. Bahala na Siya
at wala tayong ibang gawin kundi ang magpasakop sa Kan-
yang kalooban."
Sa pag-alis nina Melvin at
Mirasol ay si Pastor Mel muna ang pansamantalang Pastor ng
ETGCMI Tayuman Church. Bale dalawang Church ang hawak
niya, ang Main Church Pantok
at Tayuman Church. Si Leo naman ay itinalaga bilang ba-
gong Pastor ng Darangan ng
ETGCMI. Sa Tayuman ay mala-
pit na ring maging Pastor si
Daniel Aragon, ang unang disi-
pulo ni Melvin sa Tayuman ka-
sama ang kapatid nitong si Ruth na siyang Music Ministry
Coordinator. Ang buong pamil-
ya ni Daniel ay isa sa mga mi-
yembro ng ETGCMI Tayuman.( may karugtong )