Isang umaga ng Sabado, mga alas-9:00 ng umaga ay ki-
nausap ni Pastor Mel ang mga
leaders ng bawat Ministries ng
Church tulad ng Music Minis-
try, Men's Ministry, Women's
Ministry, Couples Ministry, Youth Ministry, Singles Minis-
try, Children's Ministry at ang
tatlong pinakamahalagang Mi-
nistry ng Church, ang Evange-
local Ministry, Discipleship Mi-
nistry at Administration. Na-
sa ilalim ng Evangelical Minis-
try ang tungkol sa panganga-
ral ng Salita ng Diyos tulad ng
House to House/Follow-up,
Bible Study, Sunday Worship
Service, Mid-week Worship
Service kasama ang face to face at online Bible Study. Sa
ilalim naman ng Discipleship
Ministry ay Leadership Trai-
ning Program. Sa ilalim ng Lea-
dership Training Program ay
ang Cell Group, Intercession
or Prayer Group, Teaching
Ministry at Finance Ministry.
Ang End Times Christian Minis-
tries, Inc. ay Non-Sectarian, Non-denomination, Non-profit
at Full-Gospel Christian Conre-
gation. Ang pinagkukunan ng
panggastos ay sa pamamagitan
ng mga Ikapu or 10 percent ng
income ng bawat kasapi na na-
babasa sa Aklat ng Malakias
3:10, ng mga kusang-loob na paghahandog, pledges at mga
donations. Sa donasyon ay pu-
wedeng "in kind" tulad ng pag-
do-donate ng mga instrumento
upuan, mesa, sasakyan o iba
pang kagamitan sa loob ng
Church at puwede ring "Cash
Donation" or One Time Pledges. Puwede ring mag-do-
nate ng mga "slightly used" na
damit, sapatos, bag o iba pang
"garments" para sa mga kapa-
tirang mahina ang "income."
Natapos ang pagpupulong bago
mag-alas -12:00 ng tanghali.
Nakahanda na ang kanilang
tanghalian. May nakatalaga
nang kapatiran tungkol sa pag-
luluto kung may Okasyon o
"Special Meeting." Mayroon na
ring nakatoka sa paglilinis at
paghuhugas ng kinainan. Ang
ganitong gawain ay nasa ilalim
ng Administration. Ang paglili-
nis at pag-aayos ng mga upuan
ay ginagawa kapag hapon ng
Sabado para sa kinabukasang
araw ng Linggo para sa regular
na pagtitipon o "Fellowship." 9:00-11:30 a.m. ang oras ng pagsamba tuwing araw ng
Linggo. Tuwing unang Linggo ng bawat buwan ay may tang-
halian sa loob ng Church. Kaya
kapag 1st Sunday of the Month
ay 8:30-11:00 a m. ang "Fellow-
ship. Magluluto ng isang oras
at pagtuntong ng Alas-12:00 ng
tanghali ay nagkakainan sila.
Yung ibang miyembro ay nag-
babaun ng pagkain at sinoso-
brahan pa para i-share sa iba
ang pagkain. At kung minsan
naman kapag may magdiri-
wang ng kaarawan ay sagot
na ng may "Birthday" ang pag-
kain. Kaya bago sila umuwi ay
mga busog na.
Maganda ang samahan ng
mga Kristiyanong ito. Nagma-
malasakitan, nagkakaunawaan
at kung medyo may problema
sa relasyon ang bawat isa, ay
inayos at pinagkakasundo ng
mga Pastor. May dalawang Associate Pastor ang ETCMI.
Sila ang nakakatulong ni Pas-
tor Mel sa gawain ng Pangi-
noon. Ang mga nadagdag na Associate Pastors ay walang iba kundi sina Tito Millares at
Melvin Cequeña. Pinalitan ng dalawa sina Gerry Cequeña na pinsan ni Melvin at Donald Morales na kapatid ni Mirasol dahil sila ang itinalaga ni Pas-
tor Mel sa bagong bukas na ga-
wain ng Panginoon sa dalawa
pang Barangay ng Binangonan
papuntang bayan ng Cardona.
Si Pastor Gerry Cequeña ay iti-
nalaga sa Barangay Macamot
at si Pastor Donald Morales ay
itinalaga sa Barangay Mambog
malapit sa "boundary" ng Car-
dona at Binangonan, Rizal.
Ang magkapatid na Rene at Ruth Morilla na parehong Guro
ay itinalaga ni Pastor Mel sa
Children's Ministry. Teacher ta-
laga ang dalawa sa Darangan Elementary School sa Baran-
gay ng Darangan na sakop din
ng bayan ng Binangonan. Dati
silang miyembro ng isa ring
Church ng mga Born Again sa Taytay, Rizal. Ang magulang
nila ay may negosyong pang-
garments sa Taytay, Rizal at
nagtayo ng branch sa Baran-
gay Pantok at dito na sila tu-
mira isang taon na ang naka-
raraan. Isang taon na rin silang kasapi ng ETCMI kaya itinalaga na ni Pastor Mel sa Children's Ministry. Binata at dalaga pa ang magkapatid na Rene at Ruth.
Ang bagong Church naman
sa Barangay Macamot ay nag-
simula nang makilala ni Mel-
vin si Dario Santos na nagpa-
ayos sa kanya ng Laptop sa
Angono. Kumalat ang Salita ng
Diyos sa Barangay Macamot
dahil sa kasipagan nina Melvin
at Dario. Nakilala naman ni
Mirasol ang isa pang Teacher
sa Angono National High School, si Katrina Villamante
na Taga Barangay Mambog.
Malaking pamilya ang Villa-
mante. Nakatira ang mga ito
sa isang malawak na lote. Tal-
yer naman ang negosyo nila.
Ang ama ni Katrina, si Mecha-
nical Engineer Victor ang mis-
mo nag-alok ng dati nilang tal-
yer na gagawing "fellowship
venue" sa Mambog at dito iti-
nalaga si Pastor Donald Mora-
les na pinsan nga ni Mirasol.
Mabilis nga na kumalat ang
Salita ng Diyos sa mga lugar na
sakop ng Binangonan dahil si
Melvin ay may nakilala ring
lalaking Taga Barangay Tayu-
man na nagpaayos din sa kan-
ya ng "computer," si David
Añonuevo. Maraming kaibigan
si David at ipinakilala si Melvin
sa mga ito. Hindi sinasayang ni
Melvin ang mga pagkakataon
upang ibahagi ang Salita ng
Diyos hangga't isang araw ay
inialok ni David ang malaki
niyang garahe upang gawing
"Fellowship Venue." Si Melvin
mismo ang itinalaga ni Pastor
Mel na Pastor ng Tayuman na
isang Barangay na malapit na
sa Angono, Rizal.
Dumadami na rin ang mga
Kristiyano sa Barangay Bili-
biran kaya itinalaga ni Pastor
Mel si Tito bilang Pastor ng
ETCMI sa Bilibiran. Bale apat
na ang mga Pastor na itinalaga
ni Pastor Mel Ceñidoza at ito
ang mga pangalan ng mga Pas-
tor sa limang Barangay na sakop ng bayan ng Binango-
nan:
BARANGAY: PASTOR:1. Pantok - Mel Ceñidoza
2. Tayuman - Melvin Cequeña
3. Bilibiran - Tito Millares
4. Macamot - Gerry Cequeña
5. Mambog - Donald MoralesTunay nga na kung ang mga
Kristiyano ay tulung-tulong na
ipahayag ang Mabuting Balita
ng Kaligtasan lalo na sa mga
taong nasa kadiliman pa, mga
taong naligaw ng landas at mga taong naghahanap ng ka-
rotohanan ay maraming maka-
kalaya sa pagiging alipin ng ka-
salanan at makatitiyak ng ka-
ligtasan ng kanyang kaluluwa
basta buong pusong pagsisihan
ang kasalanan, magbalik-loob
sa Diyos, manalig Kay Jesus at
tanggapin Siya bilang Diyos,
Panginoon at Tagapagligtas ng
kanyang buhay. Ang pinaka-
mahalagang gagawin ng mga
taong nakakasiguro na ng ka-
nilang kaligtasan dahil Kay
Jesus ay ang hanapin ang mga taong nangaligaw ng landas at
at dadalhin sa liwanag na Kay
Jesus lamang matatagpuan at
siguradong magkakaroon ng
kaligtasan ng kanilang kalu-
luwas, magkakaroon ng buhay
na walang hanggan.(may karugtong)