Pagkatapos ng kasal nina
Melvin at Marisol ay inaya sina
Pastor Mel at Diana na mamas-
yal sa mga Tourist Spot sa Syd-
ney katulad ng Sydney Har-
bour Hopper kung saan ay na-
rito rin ang Taronga Zoo at ang National Arboretum sa lungsod
ng Canberra. Tunay na nag-en-
joy ang mga Kristiyanong mi-
yembro ng END TIME GLOBAL
CHRISTIAN MINISTRIES, INC.
sa Sydney at Canberra, Aus-
tralia, mga dalawampu sa Can-
berra at kuwarentang miyem-
bro sa Sydney. Kung pinansyal
ang pinag-uusapan ay walang
problema sa iglesyang ito na
sinimulan ng magkapatid na
Dok Larry at Nurse Lorna, mga
anak ni Pastor Leo Cervo ng
Darangan. Ang magkapatid na
ito ang nag-request sa kanilang
magulang upang magkaroon ng ETCMI sa Australia at ang
ipinadala nga ay ang magka-
sintahan na ngayon ay bagong
kasal, sina Melvin at Marisol.
Si Melvin ang Pastor at si Mari-
sol ang Worship Leader. Sa ma-
tiyagang pag-aalaga ni Melvin
ay naging Pastor naman si Dok
Larry. Si Lorna naman ay tinu-
ruan ni Marisol para maging
permanenteng Worship Leader
ng Church sa Sydney.
Kinabukasan ay bumalik na
sa Pilipinas sina Pastor Mel at
Diana. Sina Melvin naman at
Marisol ay nakatira pa rin sa
Town Houses sa Sydney. Tu-
wing Sabado at Linggo ay nasa
Canberra sila para sa Fellow-
ship ng mula 4:00 to 6:30 p.m.
Doon na sila natutulog sa Can-
berra sa tinitirhan ni Clyde at
kasambahay niyang si Aileen.
Samantala, nakauwi na sina
Pastor Mel at Diana sa Pilipi-
nas. Balik sa trabaho niya si
Diana sa MEGA MALL sa Cro-
sing at si Mel naman ay ang pa-
ngangalaga sa "Kawang" ipi-
nagkatiwala sa kanya ng Diyos.
Patuloy na lumalago ang
Church ng END TIME GLOBAL
CHRISTIAN MINISTRIES, INC.
sa Grasya ng Diyos. Nakapag-
bukas na rin ng "Fellowship"
sa Angono, Rizal nang ialok ng mag-asawang Rommel at Hilda
ang malaking garahe ng sasak-
yan nila mismo sa bayan ng
Angono sa likod lamang ng
University of Rizal System
Angono Campus na nasa likod
naman ng Angono Municipal
Hall. Si Rolando Aragones ang
itinalagang Pastor dito kasama
ang Worship Leader na si Noemi de la Cruz. Ang Assis-
tant ni Pastor Rolly (nickname
ni Pastor Rolando) ay si Bro.
Noel de la Cruz, kapatid ni
Noemi. Full-time sa Ministry si
Pastor Rolly pero negosyo siya
sa Tayuman, dealer siya ng iba't-uri ng motorsiklo. May na-
ngangasiwa sa negosyo niya,
ang pinsan niyang si Reggie na
isa na ring Born Again Chris-
tian kaya naibibigay niya ang buong oras niya sa pagliling-
kod sa Panginoon. Isa pang
Church ang binuksan sa bayan
naman ng Morong. Si Tommy
Claudio naman ang itinalagang
Pastor dito kaagapay ang asa-
wang si Salome at ilang Kapati-
ran mula din sa Cardona. Si
Diana ang pansantalang Wor-
ship Leader ng Morong. Kapag
umaga ay sa Cardona siya at
kapag alas-4:00 ng hapon ay sa
Morong siya. Maraming ka-
mag-anak ang mga Claudio sa
Morong na ang iba ay nagmula
pa sa bayan ng Tanay, Rizal.
Isang umaga ng Sabado ay
nagsadya ang magkasintahang
Tito Millares at Vicky Luklu-
kan, Gerry Cequeña at Sheila
Aragoza at Donald Morales at
Katrina Villamante.
"Mukhang mahalaga ang sadya ninyo mga Pastor," wika
ni Pastor Mel.
"Opo Pastor," si Pastor Tito
ang sumagot.
"Napagkasunduan naming
anim na magpakasal nang sa-
bay-sabay o yung tinatawag na
"Mass Wedding" sa Disyiembre
araw mismo ng Pasko. Okey
lang ba Pastor Mel," tanong ni
Pastor Donald Morales na ka-
patid ni Marisol na nasa Aus-
tralia na bagong kasal naman
kay Pastor Melvin kamakailan
lang.
"Napag-usapan din namin
na kayo ang magkakasal sa aming tatlong pares," wika na-
man ni Pastor Tito Millares.
"At hati-hati na lang kami
sa lahat ng magagastos para sa
pagkain. Itinaon namin mismo
sa Araw ng Pasko after ng ating
Christmas Celebration sa uma-
ga. Kaya lahat ng fellowship na
pang-alas 4:00 ng hapon ay
pansamantalang sa alas-9:00
muna ng umaga gaganapin
dahil pinagkasunduam namin
na ang kainan sa aming kasal
ay gaganapin ng alas-4:00 ng
hapon mismo sa Pantok Main
Church dahil malaki naman at
maluwag yung venue ninyo sa
Pantok.
"Alam ba ninyo mga kapatid
na nagbabalak na rin kami ni
Sis. Diana na magpakasal sana sa buwan din ng December pero ang petsa ay before New
Year sana."
"Pastor Mel, sumabay na lang kayo sa amin para apat na pares apat na pares tayo, wika naman ni Pastor Gerry Ceque-
ña, ang pinsan ni Pastor Melvin Cequeña na nasa Australia ka-
sama ang asawang si Marisol.
"August pa lang naman. Ha-
yaan ninyo at kakausapin ko
muna si Sis. Diana. Kapag pu-
mayag siya, sabay-sabay na ta-
yong magpakasal sa buwan ng
December," wika naman ni
Pastor Mel.
"Ikaw Pastor Mel ay mali-
him rin. Hindi namin sukat
akalain na si Sis. Diana pala
ang nobya n'yo. Sinadya n'yo
siguro na sa Cardona kayo nag-
hanap ng magiging ka-partner
para hindi namin mahalata,"
wikang pabiro ni Katrina, ang
nobya ni Pastor Donald.
"Hindi naman mga Kapatid. Nagpahiwatig na ang Pangi-
noon sa akin na sa Cardona ako makakatagpo ng magiging
ka-partner sa buhay. Alam kong kalooban ni Lord ito dahil
siyam na taon ang agwat ng
edad namin ni Sis. Diana, 31 na
ako, 22 naman siya. At ipinag-
pray ko ito mga Kapatid Kay
Lord at humingi ako ng confir-
mation sa Kanya."
"Anong confirmation Pastor
Mel," tanong naman ni Sheila,
ang nobya ni Pastor Gerry.
"Lord, sabi ko. Kapag sina-
got agad ako ni Diana kahit
isang beses lang ako magsabi
ay siya na nga ang babaeng iti-
nalaga mo sa akin. At hindi na
ako nagdalawang-salita sa kan-
ya at kami na nga."
"Sana Pastor Mel ay magka-
kasabay na tayong apat na pa-
res sa Araw ng Pasko," wika
naman ni Vicky, ang nobya ni
Pastor Tito Millares ng Bilibi-
ran.
"Sino nga pala ang magka-
kasal sa atin kung makakasa-
bay natin si Pastor Mel," tanong naman ni Katrina, ang
nobya ni Pastor Donald.
"Walang problema sa mag-
kakasal sa ating apat na pares
kung matutuloy. Si Pastor Ro-
lando Aragones ay may lisen-
sya na sa pagkakasal. Si Pastor
Tommy sana pero hindi puwe-
de dahil siya ang Tatay ni Sis.
Diana. Siya ang maghahatid sa
anak niya sa altar kung saan
ay naghihintay ako sa kanya," wika ni Pastor Mel.
"Naku! Pastor, ini-imagine
mo na a! Tuloy na iyan, sasa-
bay na nga kayo sa amin," wika
ni Sheila, ang nobya ni Pastor
Gerry.
"Ipag-pray ninyo. Pero pala-
gay ko ay papayag si Diana at
mga magulang niya," wika uli
ni Pastor Mel.
Kinabukasan ay nagsadya si
Pastor Mel sa tahanan ng mga
Claudio sa Cardona. Ipinagta-
pat nila ni Diana na sila ay
magpakasal na at sasabay sila
sa "Mass Wedding" nina Pastor
Tito. Gerry at Donald sa Araw
mismo ng Pasko. Pumayag na-
man sina Pastor Tommy at Sa-
lome sa balak ng magkasinta-
hang Mel at Diana.
Makaraan ang tatlong bu-
wan. December 25, 2022. Ito
ang araw ng isang "Mass We-
dding sa Church ng END TIME
GLOBAL CHRISTIAN MINIS-
TRIES, INC. Eksaktong Alas-
4:00 ng hapon na humarap ang
apat na pares sa harap ng altar
para sa isang "Mass Wedding"
na for the first time ay ginanap
sa Church na ang mga ikakasal
ay apat na Pastor sa apat Music
Coordinator ng apat na Church,
Sina Pastor Tito Millares at Sis.
Vicky Luklukan ng Bilibiran
Church, si Pastor Gerry Ceque-
ña at Sis. Sheila Aragoza ng
Church ng Macamot, si Pastor
Donald Morales at Sis. Katrina
Villamante ng Church ng Mam-
bog at ang Overseer ng Church
ng END TIME GLOBAL CHRIS-
TIAN MINISTRIES, INC. si Pastor Meliton Ceñidoza at Sis.
Diana Claudio. Sa Main Church
Pantok ikinasal ang apat na
Pastor. Si Pastor Rolando Ara-
gones ng Church ng Angono,
Rizal ang nagkasal sa apat na
pares. Ang mga Ninong at Ni-
nang ng apat na pares ay mga
kilalang Pulitiko sa lalawigan
ng Rizal. Hindi nakarating ang
mag-asawang Pastor Melvin
Cequeña at Mirasol dahil nag-
kataong Anibersaryo din ng Church sa Sydney na ang nag-
simula ay ang magkapatid na
Dok Larry Cervo at ang kapatid
na Nurse, si Lorna, anak ni Leo
Cervo na naging Pastor na rin
sa Church ng Barangay Dara-
ngan, Binangonan, Rizal sa ila-
lim pa rin ng Congregation ng
END TIME GLOBAL CHRISTIAN
MINISTRIES, INC. na ang Head
Pastor or Overseer ay si Pastor
Mel Ceñidoza na Kasama rin sa
tinaguriang "MASS WEDDING."
Ang limang pares na mga ling-
kod ng Diyos, sina Melvin at
Mirasol na ikinasal sa Australia
at ang apat na pares na bagong
kasal, sina Tito at Vicky, Gerry
at Sheila, Donald at Katrina at
sina Mel at Diana ay sadyang
pinagtagpo ng tadhana na ang
talagang nagplano sa lahat ng
ito ay walang iba kundi ang Di-
yos na higit na nakakaalam ng
laman ng puso ng bawat isa na
tapat sa kanilang paglilingkod
sa Panginoon. Sadyang ang li-
mang pares na ito ay itinalaga
ng Diyos upang sa kanilang
paglilingkod ay magkatuwang
sila sa pagpapalaganap ng Ma-
buting Balita ng kaligtasan na
umabot hanggang sa ibang
bansa tulad ng Sydney at Can-
berra, Australia.
Nagpatuloy ang paglago ng
Church ng END TIME GLOBAL
CHRISTIAN MINISTRIES, INC.
sa lalawigan ng Rizal. Magka-
tulong sina Pastor Erick Sison
at Pastor Tommy Claudio sa
pagpapalaganap ng Salita ng
Diyos sa Morong, Baras, Pililla
Tanay at Jala-jala. Sina Pastor
Daniel Aragon naman at Pastor
Rolando Aragones ay magkatu-
long na ipalaganap ang Salita
ng Diyos mula Angono, Taytay,
Cainta, hanggang sa Lungsod
ng Antipolo pababa ng bayan
ng Teresa sakop pa rin ng lala-
wigan ng Rizal. Sa mga bayang
nabanggit ay tunay dumami
nang dumami ang mga Kristi-
yano at nanganak pa nang na-
nganak ang mga Iglesyang ito
at umabot pa ng Lungsod ng
Marikina, bayan ng San Mateo
hanggang sa huling bayan ng
Rizal sa Hilaga, ang bayan ng
Rodriguez (dating Montalban).W A K A S