PART 7: "TRIPLE LOVE"

1 0 0
                                    

      Samantala ay balikan natin
ang tungkol kina Tito at Vicky.
Malakas talaga ang paniniwala
ni Tito na si Vicky ang babaeng
inilaan sa kanya ng Panginoon.
At nagkaroon ng liwanag sa kanya dahil sinagot na siya ng
dalaga sa pamamagitan ng ka-
nilang usapan sa "video call."
      "Nag-pray ako ng husto Bro.
Sinasabi ng Espiritu ng Diyos
sa akin na ikaw daw talaga ang
inilaan Niya para sa akin. May
pakiusap lang ako sa iyo. Bago
tayo magpakasal ay hintayin
muna natin makatapos ng pag-
aaral ang bunso kong kapatid
na si Vivian. Last year na niya
ngayon sa "Information Tech-
nology" diyan sa URS Binango-
nan Campus. Tinutulungan ko
kasi ang magulang ko nang
pagpapaaral sa kapatid ko."
      "Eksakto lang iyan dahil ti-
nutulungan ko rin ang magu-
lang ko nang pagpapaaral sa bunso ko ring kapatid, si Timo-
thy na nasa huling taon na rin
sa "Computer Engineering sa ICCT Main Campus sa Cainta
malapit sa Sta. Lucia Grand
Mall."
      "Ang galing talaga ng Diyos
Bro. Siya ang umaayos ng lahat
sa buhay natin. Basta unahin
lang natin Siya sa lahat ng ba-
gay at tutugunin Niya ang mga kahilingan natin ayon sa Kan-
yang kaparaanan at panahon. "Perfect" ang kilos Niya para sa atin na mga anak Niya."
      "Lalo akong na-in-love sa
iyo Vicky. Para ka na ring Pas-
tora kung magsalita."
      "Ang lahat ng iyan ay dahil
sa kagandahang-loob ng ating
Diyos Tito. Hindi naman natin
talaga kayang sumunod sa ka-
looban Niya kung wala ang Espiritu Santo sa buhay natin mga anak Niya."
      Isang araw ng Sabado ay nagsadya ang Worship Team
ng ETCMI mismo sa Barangay
Mambog kung saan ay si Pastor
Donald Morales ang nakata-
talaga dito. Nag-request kasi si
Donald na i-train ng Worship
Team ang mga prospect na ma-
giging Worship Team ng Mam-
bog Outreach Church. Si Katri-
na Villamante ang isa sa napi-
pisil ni Mirasol na i-train para
sa awiting pang-Kristiyano.
      "Hindi ibig sabihin na kahit
marunong na kayo sa mga awi-
tin para sa Panginoon ay isasa-
lang na kayo agad. Ang unang
"criteria" para magiging mi-
yembro ng Worship Team ay
ang personal na relasyon natin
sa Panginoon. Kelangang luma-
lago na tayo sa pananampala-
aya," wika ni Mirasol.
      "Ang ibig sabihin ng paglago
sa pananampalataya ay nagba-
basa ba tayo ng Bibliya at isina-
sabuhay na ito. Lagi tayong hu-
mihingi ng gabay ng Diyos sa
pamamagitan ng ating mga pa-
nalangin. At siyiempre, regular
tayong dumadalo sa pagtitipon
ng mga Kristiyano na ginaga-
nap tuwing araw ng Linggo. Sa
Pantok na pinaka-Main Church
natin ay 9:00-11:00 a.m. Dito sa
inyo ay ginawang 4:00-6:00 p.m. dahil wala pa kayong sari-
ling Worship Team kaya ang gi-
magamit pansamantala ay ang
Worship Team ng Pantok," wika ni Pastor Mel na siya na
ngayon ang "Overseer" ng ETCMI Church na sumasakop
ng limang Church. Ang Pantok
na ating Main Church ay ako ang Pastor, sa Tayuman ay si
Pastor Melvin, sa Bilibiran ay
si Pastor Tito, sa Macamot ay si
Pastor Gerry at dito sa Mambog
ay si Pastor Donald. Dapat ang bawat Outreach ay magkaroon na ng sariling Worship Team.
Kaya si Sis. Mirasol na over-all
Coordinator ng Music Ministry
ay nagka-conduct ng training
sa bawat Outreach na sinimu-
lan niya dito sa Mambog," wika ni Pastor Mel Ceñidoza.
      "Salamat Pastor Mel. Ako'y
naniniwala na magpapadala ang Panginoon ng mga mang-
gagawa ng Kanyang Ubasan
upang patuloy na maipalaga-
nap ang Mabuting Balita ng ka-
ligtasan dito sa Binangonan at
iba pang bayan ng Rizal. Su-
portahan ninyo kami ng inyong
mga panalangin."
      "Nagbukas na ako ng Group
Chat para sa ating online Inter-
cession at gaganapin natin every Friday 7:00-8:00. Lahat
ng lider ay kasama dito tulad
ng mga Pastor, at lider ng bawat Ministry tulad ng Mu-
sic Ministry. Ito ang pangalan
ng GC natin. ETCMI Servants
of God. Naka-add na lahat ang
FB Account ninyo. Kung sino pa
sa mga Member ang sasali sa
ating GC ay magsabi lang sa akin o kaya kay Pastor Melvin
na ginawa kong Assistant Over-
seer  o kaya kay Sis. Mirasol.
Intercession pa lang iyan. Next
month ay magkakaroon na rin
tayo ng Dawn Watch. Parang
intercession mula 5:00-6:00
a.m. Ang sequence ng Dawn
Watch ay Opening Prayer, Praise and Worship, Exhorta-
tion or Word of God at mga pa-
nalangin na. Next month pa na-
man iyon. Ipo-post ko ang mga
assignments sa ating GC."
      Ang mga planong ito ni Pas-
tor Mel ay ipinahayag niya sa
lahat ng Pastor at mga lider
nang nagkaroon sila ng isang
pagpupulong isang umaga ng
Sabado mismo sa Pantok Church. Pagkatapos ng miting
na iyon ay dumiretso sila sa
isang fastfood restaurant sa
Pantok din. Dito na sila kumain
ng kanilang pananghalian.
      Sa gawain ng Panginoon ay
laging nagkikita sina Melvin at
Mirasol, Tito at Vicky na pare-
ho nang "engaged" sa isa't-isa.
Hindi lang sila nag-concentrate
sa Music Ministry kundi pina-
ngungunahan din nila ang mga
kapatirang matatagal na rin sa
Panginoon upang patuloy na
ipahayag ang Mabuting Balita ng kaligtasan. Sinuportahan nila ang dalawang bagong Church, ang nasa Macamot at Mambog. Marami nang Home Bible Study sa Tayuman, Bilibi-
ran, Pantok, Macamot at Mam-
bog. Halos tuwing araw ng Linggo ay puno lagi ng mga dumadalo ang limang Church na ito.  
      Gabi ng Linggo. Pagkatapos
ng fellowship sa Mambog ay
nag-usap ng sarilinan sina Pastor Donald at Katrina na isa
nang Worship Leader sa Mam-
bog makaraan ang walong bu-
wan buhat noong ma-born
again. Malaki na kasi ang ipi-
nagbago ni Katrina. Nawala
na ang katarayan niya. Ibig
sabihin ay matured na rin siya
sa pananampalataya.
      "Mukhang mahalaga ang
sasabihin ninyo Pastor Donald.
Tungkol ba ito sa Music Minis-
try?"
      "Hindi ito tungkol sa Music
Ministry. May kinalaman ang
puso ko dito Sister," wika ni
Pastor Donald.
      "Huwag ninyong sabihin na
"type" nyo ako Pastor. Pastor
kayo at Songleader lang ako."
      "Nagkataon lamang na Pas-
tor ako at Songleader ka. Pero
ang pag-ibig ay nararamda-
man lahat ng tao, Born Again
man o hindi. May kaibahan
nga lang ang pag-ibig ng mga
anak ng Diyos sa mga unbelie-
ver pa dahil ang tunay na pag-
ibig ay kagaya ng pag-ibig ng
Diyos sa atin. Ibinigay Niya ang
Bugtong Niyang Anak, nagka-
tawang-tao, namatay sa Krus
ng Kalbaryo para sa kapatawa-
ran ng ating kasalanan at hindi
Siya naghintay ng kapalit, aga-
pe love or unconditional love at iyan din ang nadarama ko sa iyo Sister Katrina "
      "Hayaan mo Pastor. Ipag-
pray ko iyang proposal ninyo."
      "At least Sister, binigyan mo
ako pag-asa. Kung hindi man,
ibig sabihin, hindi tayo ang
perfect will ng God na magsa-
ma habang buhay. More prayer
Pastor and I will do the same."
      Nang gabing yaon sa bahay
nina Pastor Donald ay malakas ang kutob niya na si Katrina ang makakasama niya habang
buhay at pareho silang naglig-
lingkod sa Panginoon.
      Lumipas pa ang apat na bu-
wan, eksaktong isang taon na
ni Katrina sa Panginoon. Dahil
sa unti-unti niyang pagbabago
ay nahikayat na niya ang ba-
wat miyembro ng kanyang pa-
milya. Malaking pamilya din
ang mga Villamante. Nakatira
ang mga ito sa isang malaking
compound sa Mambog. Mismo
lupa nila ang kinatitirikan ng
Church sa Mambog na kung
saan ay si Pastor Donald ang
Pastor dito. Anupa'r mabilis
ang paglago ng dalawang Church na ito, ang nasa Maca-
mot ni Pastor Gerry Cequeña at
ang nasa Mambog ni Pastor
Donald Morales na pinsan ni
Mirasol, ang girlfriend ni Mel-
vin.
      Gabi ng Sabado. Nagkausap
through video call sina Pastor
Donald at Katrina. Walang paglagyan ng kaligayahan si
Donald dahil nang oras na
yaon ay maituturing niyang
good news ang sinabi ni Ka-
Trina, ang "I love you too Pas-
tor Donald."
      "Tayo nga Sister ang itinala-
ga ng Panginoon para sa isa't-
isa. Ang pagmamahalan natin
ay gagawin nating inspirasyon
sa ating paglilingkod sa ating
Panginoong Jesus."
      Sa loob ng Church ng ETCMI
ay may tatlong pag-ibig ng mga
anak ng Diyos. Triple Love Ika
nga. Sina Melvin at Mirasol, sina Tito at Vicky,  and later, sina Donald at Katrina.





            (may karugtong)

PINAGTAGPO NG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon