08

2.5K 43 3
                                    

Chapter 8

“What is this?”

Kanina pa nakakunot ang noo ko dahil binigay niya sa akin ang kaniyang cellphone ng makarating kami sa mall. Binabalik ko sa kaniya pero ayaw niyang kunin. Nakaupo na kami sa Jollibee habang hinihintay namin ang in-order naming pagkain.

“10 tips,” maikling sabi niya.

“Oo, alam ko! Nakikita ko nga at nababasa, eh. I’m just asking for what?”

“Those are the tips that we will do to heal the wound of your heart and you will let me in your heart once na naka-move on ka na sa ex mo. Para ako naman ang hayaan mong mahalin ka,” sabi niya habang nakaturo sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko. “Basahin mo ng maigi.”

Grabe ang confident niyang mahuhulog ako sa kaniya.

“Take time to grieve,” anas ko.

“‘Yan! So, our number one is to give yourself time.”

Napangiwi ako. “Tinagalog mo lang.”

Ano bang akala niya? Hindi ako marunong makaintindi ng English? ‘Tsaka makakapagtrabaho ba ako sa ibang bansa kung hindi ako marunong ng English at ang salita nila?

“Niloloko mo lang yata ako, eh?”

“Hoy, hindi! I’m like this but I'm not like your ex. I mean, it's okay even if you feel sad. Because that's part of the heartbreak after breaking up with a relationship," he said.

Hanggang ngayon pa rin naman ay nagdadalamhati pa rin ako. Sobrang sakit, eh. Ikaw ba naman ay iwan at ipagpalit sa kapatid? Sa mas bata sa ‘yo? Dahil sa ginawa sa akin ni Marvin ay mas lalo lang akong naging insecure.

“Tips number 2: Find a new source of joy.” Basa ko sa sumunod sa number 1.

“And I am the source of your joy," sabi niya at nagtaas at baba pa ang kilay niya. He is confident.

Sinabi ko bang siya ang kasiyahan ko? Ang kapal ng mukha nito.

“According to Bottari, it suggests pushing yourself to do things, even when you don’t feel like doing it,” dagdag niya. “Kaya gustuhin mo ‘ko kahit ayaw mo. Kahit hindi ka pa handa.”

“Nagpapayo ka ba or sapilitan ito?” Kunot noong tanong ko. 

Hindi ko naman alam na sapilitan na pala ang pagkagusto ngayon. Akala ko ba tutulungan niya ako?

“Nagka-girlfriend ka na ba?” 

“Yieeee, curious siya,” pagbibiro niya.

Huminga ako ng malalim, naiinis na. “Seryoso kasi!”

“Wala pa, kaya wala kang pagseselosang ex ko.”

“Alam mo bawiin ko na lang kaya ‘yung deal natin? Mas mababaliw ako kapag ikaw ang kasama’t kausap ko.”

He chuckled. “Sorry, humuhugot lang naman, eh. Bawal na bang humugot ngayon gano’n?” 

“Sinabi ko bang humugot ka? Hindi ba’t hindi?” Inirapan ko siya.

“Sungit mo talaga.” Pagpaparinig niya pero inirapan ko ulit siya. Pakialam niya ba?

Dumating ang order namin habang binabasa ko ang tips na pinakita niya sa akin. Kaya hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ang phone niya. Hindi naman niya sa akin kinukuha kahit maraming nagte-text sa phone niya. Binibigay ko sa kaniya pero puro sinasabi niya lang ay hayaan ko lang daw dahil hindi naman importante.

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon