15

2.2K 46 2
                                    

Chapter 15

"Tutusukin ko na 'yang mata mo. Isa pa!"

I threatened Dr. Laurent because since I came home, he has done nothing but stare at me. Hindi na siya nahiya. Nandito pa naman ang magulang ko na panay ang tingin sa kaniya. Nakakailang! Naiilang ako sa mga titig niya.

"Bawal bawiin," anas niya.

Napairap ako. Hanggang ngayon ay 'yan pa rin ang nasa isip niya?

"Kumain ka na!"

Mama and Papa have finished eating so they might be upstairs to give us space to talk. Kailangan pa ba 'yon? Even though Mama and Papa are here in front of us, I can talk to him the way I want. He was even the first to greet me when I entered our gate.

"Ayaw," nakangusong sambit niya. "Umoo ka muna."

"Hindi," anas ko.

Malapit-lapit na at napipikon na ako dito sa lalaking ito. Masyado siyang makulit kumpara sa ex kong sakto lang. Na kapag sinabi kong hindi ay titigil na 'yon. Pero siya? Hindi siya titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto niya.

"Umoo ka na kasi, please?"

Bumuntong hininga ako. "Hindi nga! Sabi, eh!"

Just please. Do not be annoying. My sincere prayer. I might yell at him and say hurtful words.

"Umoo ka na kas—"

"Kung ayaw mong kumain, magpakain ka, please?" Pakikiusap ko at ginawa ko pang malambing ang tono ng boses ko. At akmang magsasalita siya ng unahan ko. "And if you don't want to eat. Our door is open and you can leave freely. No one will stop you. And don't try to kulit me because I'll drag you out of our house."

I smiled sweetly at him. Just try to talk more and I'll send him away. I don't care if it's bad or rude, but he was rude too.

Kumakain ako tapos nanggagambala siya. Nasaan ang hustisya doon sa mga taong gustong kumain pero hindi makakain ng maayos dahil may nanggugulo sa kanila? Nasaan! Ang kulit, eh.

Napangiti ako ng unti-unti siyang magsandok din ng kanyang pagkain ng tahimik. Napairap ako. Tatahimik din naman pala hinintay pa niya akong sigawan siya. Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Sh*t! That’s not my intention. All I want is to eat peacefully.

“Teka!” Pigil ko sa kanya ng kukuha siya ng manok.

“Why?” he asked.

"That's not what you're going to eat, but these," I pointed to the sinigang, kalderetang maanghang, at giniling.

“But I want to eat chicken. That's my favorite," he said.

“Ul*l mo favorite ka d’yan! Remember last week when you ate chicken? What happened to you? Hindi ba’t nahimatay ka? Kaya hindi ka niyan kakain,” anas ko at nilayo sa kanya ang mga bawal na binili ko.

“Kahit isa lang, please? Patikim.”

Umiling ako. “No! Bawal!”

“Sige na?”

Umiling lang ako sa kanya at binabantayan kung magpupumilit ba siyang kunin ang mga ulam na bawal sa kanya. Subukan niya lang at hindi na siya muling makakapunta dito sa bahay namin.

“Kagat na lang. Pakagat ako kasi isang beses lang.”

I wanted to laugh at him because he really kinulbit me. He is like a child begging his mother to give him what he wants.

“Bawal nga. Huwag ng makulit,” anas ko. Sabay dampot ng isa pang parte ng manok ng chicken curry. Mas lalo siyang napanguso dahil para bang pinapainggitan ko siya sa paraang pagkain ko ng manok.

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon