10

2.4K 43 0
                                    

“GOOD morning po, Ma'am!"

"Morning!"

Dati lang ay pangarap ko lang magkaroon ng coffee shop na kahit hindi ako mahilig sa kape ay ginusto ko pa rin magkaroon ng coffee shop. Of course there are also juices here. But what I like here is that we have a milo flavor. That's what I want to drink.

“Bianca, kumusta ang coffee shop natin?”

“Malakas po ang kita natin, mMa’am. Don’t worry po,” magiliw niyang sagot.

Pinakita niya sa akin ang rating ng coffee shop kada buwan. Well, wala nga namang problema dahil malakas ang kita.

“Good job, guys.”

“Thank you po, Ma’am.”

Ngumiti ako sa kanila pabalik. I didn't spend much time in my shop because I still had duty. But before I left my shop, I ordered milo again and two mochas as well. For Kinzley and Alora. I also accompanied them with their favorite cakes. Kinzley's favorite cake is purple while Alora's is coffee. Alora is a coffee lover. Ako naman ay milo. Pero chocolate ang gusto ko pagdating sa cake.

"Bianca, I'm leaving, huh? Ikaw na muna bahala rito kapag wala ako o sila Mama," pagbibilin ko sa manager ng coffee shop namin.

"Yes, Ma'am. Ingat po," anas niya kaya tumango ako.

Hindi na ako sumakay pa sa taxi or jeep para makapunta sa ospital agad dahil malapit na lang naman itong coffee shop namin sa ospital na pinagtatrabahuhan ko. After I arrived at the hospital, I immediately went to our room. Sophia greeted me with a smile that you'd think we hadn't seen in a long time.

"How are you feeling?" She asked.

Huh? Even though I was confused, I answered her properly. "It's fine. Why?"

"That's good. Akala ko ay hindi ka papasok kasi masama pa yata ang pakiramdam mo," anas niya.

"H-Ha?"

"Dr. Laurent said you were not feeling well yesterday so we didn't wake you up because he needed you in the operating room," singit ni Maxene. Isa ring nurse dito na kasama namin sa room.

"Siya na rin ang tumapos sa mga gawain mo kahapon," pagsabat pa ni Jolly.

Eh? Seryoso? Kaya ba parang pagod na pagod siya ng magising ako? Hala, hindi ko naman sinasadyang makatulog ako no'n. Sadyang antok na antok lang ako dahil kapag nasa bahay ako ay hindi ako makakuha ng matinong tulog at hindi ko alam kung bakit. Parang ayaw ko na ngang bumalik doon kung hindi lang talaga kina Papa na gusto kong makasama sa iisang bubong.

"How are you feeling nurse Castor?" Napatingin ako kay Dr. Arellano ng tanungin ako nito.

"A-Ayos lang po," sagot ko.

"Good," tumango ito. "Dahil kailangan ka sa operating room. Pumunta ka na doon. Now!"

"O-Opo," natutulirong sagot ko dahil sumigaw siya. Hinayaan ko na muna ang dinala kong food sa lamesa ko at tumakbo na sa operating room.

Muntik pa nga akong mapasubsob dahil napatalapid ako. Nandoon na ba si Dr. Laurent? Kaya ako tinatawag doon? 'Yung lalaking 'yun!

Bakit ba kasi ako lagi ang tinatawag niya para mag-assess ng tools para sa kanya? I mean, normal naman ‘yun sa isang nurse pero hindi ko talaga gamay ang utak.

Baka sa susunod talaga kapag mag-aaral ako ulit ay sa utak na ako mag-focus at hindi sa parte ng puso. Pero ganun na lang ang pagkadismaya ko nang makaraying ako Sa operating room na hindi pala siya ang nandoon. Kundi ay ibang doktor.

Si Dr. Acer.

Isa rin itong magaling na doktor pagdating sa mga utak. Ngumiti ito sa akin ng makita ako.

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon