04

3.1K 51 4
                                    

Chapter 4

From: unknown number

Hi! ^_^

Napakunot ang noo ko ng nakatanggap ako ng message sa bago kong cellphone na binili. Umutang na muna ako sa kaibigan ko para lang makabili ng bagong cellphone. Hindi ko nakuha ang wallet ko ng dahil sa lalaking 'yun!

Kaya ng dahil sa kaniya ay naghihirap ako! Kung hindi niya sana ako pinahila palabas ng kumpanya ay nahanap ko na siguro ang wallet ko. Sana nasa akin na ngayon ‘yun. Nakakainis ang lalaking ‘yun!

Gwapo sana kaso gago! Parehas sila ng amo niyang manloloko! Nakakagago sila pareho! Gusto ko siyang sapakin akala mo kung sino at pinahila ba naman ako sa guard palabas? Feeling ang isang ‘yun hindi naman siya ang may-ari ng kumpanya. Baka sa kanya ko ibuhos ang galit na nararamdaman ko kay Marvin. Lalo na't sariwa pa ang lahat sa akin. Pero para yata kay Marvin ay wala na iyon sa kanya dahil nakita ko sa post niya kanina ay mukha siyang masaya sa kapatid ko.

Buti pa siya masayang wala ako sa buhay niya. Paano naman ako? Paano ako nito lalo na’t nawala ang isang taong minsan ng naging mahalaga sa akin.

Alam na kaya nina mama na may boyfriend na si Shaira? Bakit ako dati? Bawal tapos pagdating kay Shaira pumayag sila? Wala ba silang tiwala sa akin na makakapagtapos ako ng pag-aaral noon at hindi ako mabubuntis?

Lahat kasi ng mga pinsan kong mga babae both side ay nakapag-asawa ng maaga kaya siguro takot sila mama na baka magaya ako sa kanila kaya sobrang ayaw na ayaw nilang magkaroon ako ng manliligaw.

From: unknown number

How does it feel to be dragged out?

Napataas ang kilay ko hindi ko na kailangan pang hulaan kung sino ito dahil isa lang naman ang nagpahila sa akin at walang iba kundi ang lalaking pilingerong CEO. Saan naman niya nakuha ang number ko? 

From: Unknown number

I hope you still remember the man who ordered you to have you dragged out.

Nanggagalaiti ang kamay kong masapak ko. Saan niya nakuha ang number ko? Ano siya? Stalker? Hacker?

From: unknown number

Are you going to come back again? Do you want to be dragged out again? hahaha

Lord, patawarin ninyo po ako sa iniisip ko pero hindi ko alam pero nanggagalaiti po talaga ako sa kaniya.

To: unknown number

Paano mo nalaman ang number ko?!

From: unknown number

Of course, if you want it, there’s a way, ssob.

What? Ssob? Anong meaning no’n?

To: unknown number

Wala akong panahon para makipaglokohan sa ‘yo, okay? Ayaw ko sa mga katulad mong taong PILINGERO!

From: unknown number

You’re being grumpy, ssob.

From: unknown number

You’re really pretty, but I got turned off because you’re actually a grumpy and scandalous woman.

Napamaang ako sa sinabi nito. Ako pa talaga ang sinabihan na nakaka-turn off ako? Wow! Mas turn off ako sa kaniya! Pilingero talaga ang lalaking ito! Ang kapal ng mukha!

From: unknown number

But what can I do if you're really like that? I have no choice but to accept you.

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon