30

2.3K 42 2
                                    

Chapter 30

WARNING | SPG | R18

Patapos na ako ilagay ang mga niluto ko sa lamesa pero hindi pa rin nagigising si Dr. Laurent. Dahil mahimbing pa rin siyang natutulog sa kama ko ng pumasok akong muli doon sa kwarto. Anong oras ba niya balak gumising? May pasok pa kasi siya tapos naglasing pa siya kagabi. Hindi man lang kasi niya tanggihan ang mga kaibigan ko sa kakaabot ng shot puno.

Napailing na lang oko at kinuha ang tuwalya ko para maligo na. Kumuha na din ako ng mapalit ko. Siguro naman pagkatapos kong maligo ay gising na siya ‘no?

Matapos kong kumuha ng mga damit ko ay agad akong lumabas sa kwarto ko at papunta na sana ako sa banyo ng bigla na lang may kumatok sa may pinto dahilan para kumunot ang noo ko. Sino naman ang pupunta dito ng ganitong kaaga? Unless there is an emergency.

Kahit na nagtataka ay lumapit ako sa may pinto at binuksan iyon. Pero ng makitang si Marvin iyon ay napairap ako at hindi lang siya ang nasa labas. Dahil kasama niya ang kapatid ko.

Ano na naman ba ang ginagawa nila dito? At ang lalakas ng loob na harapin ako. Parang hindi nakokonsensya sa mga ginawa nila, ah?

“What are you two doing here?” Salubong ang aking kilay na tanong sa kanilang dalawa.

“Can we come in—”

“Hindi, kaya nga hindi ko binubuksan ng malaki ang pinto, ‘di ba? Because I don't want CHEATERS to enter MY house,” nakangising anas ko. Pero seryoso ako sa sinabi ko. Wala akong balak na papasukin sila.

“What do you two need from me? And you two really meant to come here? What is this again?”

Huminga ng malalim si Marvin dahil sa inasal ko at ng makitang seryoso ako au hindi na siya nagmatigas pa na papasukin ko sila sa loob.

“Nandito kami ng kapatid mo para sana…personal na humingi ng sorry,” anas nito at tinignan ang kapatid ko.

Sorry? Gusto kong matawa sa sinasabi niya ngayon. Dapat hindi ba’t noon pa? Hindi ‘yung late na? Humingi nga ba sila ng sorry sa akin ng nahuli ko silang may ginagawang kababalaghan?

“If that's all you two went for, you two can leave. Just like I said. I will never forgive you two for what you two did—”

“Ate, kaya nga kami nandito. Wala akong pakialam kung tanggapin mo amn o hindi pero gusto ko lang humingi ng sorry dahil sa p-pang-aagaw ko sayo kay Marvin. Talagang hindi ko alam na taken na siya. Sabi kasi ng mga taong napagtanungan ko no’n ay single siya kaya mas lalo akong naging determinadong kulit-kulitin siya. Kaya sorry. Dahil hindi ko talaga alam na boyfriend mo pala siya,” mahabang anas ng kapatid ko.

Akala ko ay ‘yun lang sasabihin niya pero biglang nagpantig ang aking tainga sa sunod niyang sinabi.

“Pero kasi, Ate. Alam kong may mali kaming dalawa na nagawa sayo pero hindi pa rin tama na gumanti. ‘Di ba ikaw na din ang nagsabi na kahit ano pang masama or nagawa sayo ng isang tao ay huwag na huwag mng gagantihan pabalik ‘yun? Dahil balang araw ay makakarma din ang taong ‘yon? Pero bakit ngayon, ate? Ikaw ang gumagawa no’n?”

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sinasabi niya bang gumaganti ako? At sino naman siya para sabihin ang mga iyan? Lalo na’t hindi nila alam kung ano nga ba ang nararamdaman ko.

Wala silang karapatang diktahan ako sa kung ano ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nagmukha akong manggagamit kahit hindi naman.

“Hindi tamang gamitin si Kuya Martin para magantihan kaming dalawa. Hindi tamang paglaruan mo ang feelings niya. Ate, kahit hindi mo sabihin alam kong may nararamdaman ka kay Marvin at kay Kuya Martin ay wala.”

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon