31

2.3K 44 5
                                    

Chapter 31

"Dra, kumusta po ang kalagayan ng Tatay ko? Ayos na po ba siya?"

Ngumiti ako 'tsaka tumango sa pamilya na naghihintay sa akin kanina pa simula ng pumasok ako sa emergency room kasama ang Tatay nilang inoperahan ko. Nahirapan pa nga ako dahil sobrang delikado ang kalagayan nito pero sa awa ng maykapal ay naging successful ang operasyon ko.

"Don't worry po. He is ok. The operation was successful. If you have any questions about your father's health, don't be shy to come to my office and I will discuss it with you. Pakihintay na lang po siya at ililipat po siya sa isang room," mahabang anas ko.

Dahil sa sinabi ko ay nakahinga ng maluwag ang pamilyang naghihintay sa pasyente ko. Muli ko silang nginitian at nilagpasan na sila dahil marami pa akong gagawin. Nagpaalam naman muna ako bago ko sila iwan doon.

Nakakapagod. Pero enjoy ako sa ginagawa ko. Ang sayang gumamot ng mga tao. Para ding nagso-solving ng isang problem sa tuwing naka-assign sayo ang mahirap na operasyon. Nakaka-challenge din minsan.

Hindi ko akalain na mapupunta ako dito balang araw sa posisyon kong ito. Sobra akong thankful dahil sa lahat ng nangyari sa buhay ko ay nakatayo pa din ako sa sarili kong mga paa havang lumalaban mag-isa.

"Pawisan ka," anas ng kaibigan ko at inabutan ako ng panyo. "Kakalabas mo lang sa emergency room?"

Tumango ako. "Yes, ikaw? Nagra-rounds ka?"

Tumango din ito. "Oum, ang dami ko ngang dapat puntahan na kwarto, eh." Sabay pakita niya sa akin ang mga records ng mga pasyente niya.

Ang dami nga no'n kaya panigurado akong tulog ito mamaya kapag natapos ang duty niya at kung darating agad ang kapalit niya. Minsan kasi ay hindi dumadating kaya parang nagiging bahay mo na itong ospital dahil umaabot ng isang araw ang isang tao dito bago matapos ang duty.

Mas abala kapag maraming pasyente ang dinadala dito. Magiging overtime ang duty mo dahil doon. Pero may pagkakataon naman na madalang lang. Pero may pagkakataon na wala. Pero normal lang naman iyon.

"Have you eaten?" I asked Kinzley. Siya kasi ang nakasalubong kong kaibigan ko. Nakasakay kaming dalawa sa elevator.

"Hindi pa nga, eh. Ikaw ba?"

Umiling ako sa tanong niya. Kanina pa din ako ginugutom pero need kong unahin ang work ko. Kaya pagod ka na nga tapos gutom ka pa.

I'm really hungry and I want to rest.

"Pero 'yung dalawang bata nakakain na ba?" Bakas sa tono ng boses niya ang pag-aalala kaya tumango naman ako.

Bago ko sila iwan sa opisina ko ay may dala na akong pagkain nila. Nagbaon kami bago umalis ng bahay. Sinigurado ko na hindi sila magugutom habang abala ako sa trabaho ko. May tanghalian sila at meryenda.

Magutom na ako huwag lang ang mga bata.

"Buti naman. Akala ko wala at makukutusan kita dahil ginugutom mo ang mga iyon!" Pinandilatan ako ng mata nito kaya natawa ako.

Grabe naman kung pababayaan ko ang mga bata na magutom. Iniwan ko na nga tapos gugutumin ko pa? Ang sama ko naman no'n. Magutom na ako 'wag lang sila.

"May tira pa ba? Pwedeng makihati? Wala na akong pera, eh," natatawang anas niya kaya natawa naman ako.

"Marami naman 'yun. Gusto mo ba?"

Siguro naman ay may tira pa doon sa binaon ko, 'di ba? Dahil hindi naman 'yun mauubos ng dalawa sa dami ng baon kong kanin at ulam.

"Oo naman, sannie! Wala na akong pera, eh," naiiyak nitong anas.

Natawa ako. "Kung ganon ay kawawa ka naman pala."

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon