34

2.1K 34 1
                                    

Chapter 34

"Mama, what is this?"

Napatingin ako may Mara sa tanong niyang iyon. Doon ay nakita ko siyang hawak-hawak niya ang stethoscope ko at tinitignan niya ng maigi iyon. Natawa ako ng bahagya dahil ang inosente niyang tinitignan iyon. Mukha siyang curious na curious kung para saan ang mga gamit ko.

"That? That's called a stethoscope, Mara," I said. Iyon ang ginagamit ko kadalasan lalo na't kapag nagche-check up ako ng mga pasyente ko.

"Esteosop?"

Natawa ako dahil sa pagkakasabi niya. Hirap na hirap siyang banggitin ang bagay na iyon. Kaya muli ko itong sinabi.

"Mama, naman, eh," nakasimangot nitong anas.

Kahit na natatawa ay pinilit kong pigilan dahil baka umiyak na naman ito. Ang hirap pa naman nitong suyuin. Mabilis din naman itong umiyak lalo na't kapag pinagtatawanan siya.

"Ste," dahan-dahan kong pagtuturo sa kanya.

"Ste," paggagaya niya sa akin kaya tumango ako.

"Thos."

"Thos."

"Cope," anas ko.

"Cope."

When she got it I quickly said the word stethoscope. "Stethoscope."

"Esteosop."

Muli akong natawa dahil doon. Alam ko namang kapag bata pa ay may mga word talagang nahihirapan silang sabihin. Lalo na't may pagkabulol minsan ang anak kong babae. Mas lalong sumimangot ang anak kong babae pero hinalikan ko siya sa pisngi para suyuin siya.

"I'm sorry, my princess," I apologized to my daughter.

"Bully ka din sa akin, Mama," nakasimangot niyang anas na mas lalo kong nilambing ang anak ko para hindi na siya magtampo pa.

Kung bully ako, paano pa kaya ang Papa niyong maharot? Natawa na lamang ako sa naisip ko.

"Sorry na, hmm?"

Sabay kuha sa kanya ng stethoscope ko. Inayos ko iyon sa may lalagyan niya para hindi masira. Ang anak kong lalaki ay nandoon sa may sahig habang may ginagawa siya. May mga gamit kasi itong nakakalat sa may sahig.

At hindi ko alam kung nagda-drawing ba siya or nagbabasa ng libro niya. Lahat ng gamit niya sa school ay nasa sahig namin at nakakalat. Kaya paniguradong ako na naman ang magliligpit no'n panigurado.

"What is that for, Mama?" Dahil doon ay napatingin sa amin ang anak kong lalaki. Kaya iniwan niya ang ginagawa niya sa may sahig at hinayaang nakakalat ang mga gamit niya.

"This? A stethoscope is an instrument used by doctors tulad ng Mama mo, anak. Karaniwang ginagamit ito para marinig ng mga doktor ang baga ng isang tao, puso, at bituka. Ginagamit din ito upang makinig sa daloy ng dugo sa mga peripheral vessel at mga tunog ng puso ng pagbuo ng mga fetus sa mga buntis," mahabang pagpapaliwanag ko at tumango-tango naman ang mga anak ko.

"Eh, ito po, Mama? Para saan po?" tanong ng anak kong lalaki ng kinuha naman niya ang aneurysm needles.

"That's aneurysm needles," anas ko.

Para tuloy kaming katulad ni ano dati. Parang dati lang talaga. Para ako 'yung pumalit sa pagtuturo ni ano. Kasi ako dati ang tinuturuan niya about sa utak pero ngayon ay ang tinuturo ko naman ay mga tools or equipment sa mga anak ko. Bawat taas ng gamit ni Maeo ay sinasabi ko mung ano 'yon.

Hindi ko tuloy maiwasan isipin na para bang pinagkakaitan ko ng ama ang mga anak ko. Nandito na siya. Nakabalik na ang Papa nila ng Pilipinas. Dapat ko bang ipakilala sila sa Papa nila? Kung oo, tatanggapin ba niya ang mga bata?

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon