36

2.4K 41 13
                                    

Chapter 36

Napapikit ako habang naglalakad at bahagyang hinihilot ang braso ko. Medyo masakit kasi. Mukhang nangalay kakaabot ng equipment.

Bw*sit talaga siya!

Epal!

Gumaganti ba siya? Kasi hindi ako pumayag ng una kaming pag-partner-in ni Dr. Lens sa operasyon? Wow, ah? Isip bata! Ang tanda-tanda na. Kaya ng pumayag ako this time ay gumaganti siya.

"Did you eat already?" 

I rolled my eyes when I heard his voice. I think I felt more annoyed with him. Stay away from me, please! And I might slap you in no time dahil badtrip ako sayo.

"Paki mo?" Pagsusungit ko.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin man lang pagkatapos namin doon sa emergency room pagkatapos niya akong utos-utusan? Tapos gaganito siya ngayon? Wow, ah? Eh, 'di wow talaga!

Bigla siyang magiging sweet, ganern? Ano siya gold? Magiging mabait din pakikitungo ko kahit na ginanon niya ako kanina? No way!

"Let's go? In the cafeteria. Libre ko," sabi pa niya.

"May pera ako."

Anong akala niya? Hindi ko kayang gumastos ng para sa sarili ko? Ul*l sampal ko pa 'yung pera kong nasa wallet, eh. Kahit hindi gaano kalakihan ang perang nasa wallet ko.

"And so what if you have a money? Inaaya kitang kumain at hindi ko tinatanong kung may pera ka o wala. Libre nga kita. Tara," anas pa niya at hinawakan ako sa kamay pero kaagad kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Nanlaki ang mata ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng mahawakan niya ang kamay ko. Shems! Hindi ba siya makaramdam? Nagsusungit na nga ako para umiwas siya dahil natatakot akong baka marinig niya ang puso kong nagwawala pa rin ng dahil sa kaniya. At alam kong sa paghawak niyang 'yon sa kamay ko ay mararamdaman niya ang lakas ng pagkabog ng puso ko.

Baka maramdaman niyang hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin ako para sa kanya. At mukhang ako na lang ang nagmamahal dahil siya ay mukhang nakapag-move on naman na. Dapat ko na din siyang kalimutan.

"P-Pwede ba! H-Huwag na huwag mo akong hahawakan! Hindi tayo close!" sigaw ko na para bang nagpa-panic ako.

"Bakit hindi? Eh, wala ka namang sakit na nakakahawa," anas niya.

"Paki mo nga! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Hindi tayo close! Sino ka ba?! Ha?!"

"Ililibre lang naman k—"

"Hindi ako gutom!" Muli kong sigaw bago ko siya lagpasan at inirapan.

"Hindi gutom? Tanghalian na, ah? Tapos hindi ka pa kakain? Kaya ang payat-payat mong tignan unlike before," masungit nitong anas din sa akin.

Kaya napatigil ako sa paglalakad at napamaang ako. Hindi makapaniwala sa sinabi niya habang pinagmamasdan ko ang size ng sarili ko. Ako? Payat? Dati sinasabihan mo 'kong sexy tapos ngayon payat?

Nagbo-body shaming ba siya? "Bulag ka ba!"

"No," sabi niya.

"Hindi ka naman pala bulag, eh! Bakit mo 'ko sinabihang payat? Compliment ba 'yan or pang-iinsulto?" Pinagkrus ko ang dalawa kong braso at masamang-masama siyang tinignan.

Ganito na ba siya ngayon? Body shaming?

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo."

"Kung ganon ay magpatingin ka na ng mata, Dr. Laurent. Dahil malabo na yata dahilan para hindi mo makita ang katawan kong sexy!" Muli ko siyang inirapan bago lagpasan siya ng tuluyan at hindi na tuminging muli pabalik siya.

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon