05

2.9K 50 2
                                    

Chapter 5

"Anong ginagawa mo rito?" 

Hindi ako makapaniwala na nakatingin sa kanya nang makita ko ulit ang lalaking ito. Bakit ba sa tuwing may pupuntahan akong lugar ay lagi ko siyang nakikita?

Lumawak ang ngiti niya sa kanyang labi. "Ikaw nga ang dapat na tinatanong ko niyan, Miss."

Napataas ang kilay ko. "Malamang mag-a-apply ako rito! Kaya nandito ako. Eh, ikaw? Bakit!?"

Sinusundan niya ba ako? Ano siya? Stalker ko?

"Oh? Really?”

“Yes! Kaya pwede ba? Alis! Peste ka sa buhay ko!”

Natawa siya. “Me? Peste o baka naman swerte sa buhay mo?”

Ako naman ang natawa ng sarkastika. Ang lakas talaga ng loob niyang magganyan sa akin kahit hindi naman kami close na dalawa. Halos ng isang lang araw ay nagsusungit ito tapos ngayon? Feeling close naman ang gago.

“Ang kapal ng mukha mo!”

“Why? Nagsasabi lang naman ako ng fact.”

“Fact you!”

Napailing siya at talaga namang aliw na aliw sa itsura kong naiirita sa kanya. Bakit ba ako inis sa lalaking ito? 

“You said you will apply here so you should learn to respect your boss right now.”

“Magalang akong tao pero sa PILING tao lang,” saad ko.

“So, how can I hire you if you are like that?”

“Wala kang paki kung ganito ako sa ‘yo, okay? ‘Tsaka ikaw ba ang boss dito para galang—”

Natigilan ako sa pagsisigaw sa kanya ng mapatingin ako sa ibabaw ng lamesa. Shit! Siya ang may-ari nitong ospital? At ang nakakagulat pa ay ang apelyido niya. Ka-apelyido niya ang ex ko.

Dr. Martin Eon Vladimir A. Laurent

Laurent? Isa rin siyang Laurent? Kaano-ano niya si Marvin kung ganon?

"Is there a problem there, Miss?" Nakangiting tanong niya at para bang sayang-saya dahil ngayon ko lang napagtanto na siya ang may-ari nitong ospital at isa rin pala siyang doktor. "Miss, Savvy Rainy Luna Castor-Laurent."

Napakunot ang noo ko nang isama niya ang apelyido ko sa apelyido niya. What the heck?! Ang pangit! Hindi bagay! Nakakasuka ang apelyido na 'yan! Hindi ko nga alam kung bakit dati ay pumasok sa isip ko na balang araw ay magiging isang Laurent din ako. 

Ang Laurent na apelyido ang maninira ng puso ko!

"Ang ganda naman ng name ng future wife ko." Kinindatan niya ako ulit. "My last name is perfect for you. Shall we change?”

"Ayaw ko sa apelyido mo, may sumpa." Pangbabara ko. "At isa pa Castor lang ang magiging apelyido ko at wala ng iba. Kahit kailanman ay hindi ako magiging isang Laurent!"

"Opsss, hindi mo sure," sambit niya. Nakangiti pa rin siya kaya nakabalandra ang dimple niya. Nagpapa-cute yata sa akin. "Who knows, maybe one day you'll also become a Laurent, and it'll be because of me."

"Ayaw ko sa apelyido mo," irap ko sa kanya. "'Tsaka hindi mo pa ako sinasagot—"

"Eh, 'di sinasagot na kita." Putol niya sa akin.

Ano bang na kain niya? At parang kumukulo lang lalo ang dugo ko sa kaniya? Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko siya ay kumukulo ang dugo ko sa hindi malaman na dahilan. Parang sa kanya ko nilalabas ang galit ko. Dahil siguro ay isa siyang Laurent. 

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon