06

2.7K 49 1
                                    

Chapter 6

10 TIPS? Gusto kong tumawa sa sinabi niya kanina. Sinong makaka-move sa gano’n na tips? Walang mabilis na makaka-move on doon. Unless laro lang ang ginawa ninyong relasyon. Pero hindi naman laro ‘yon dahil sumugal ako. Sumugal din si ex kaso hindi nga lang hanggang dulo. 

Masakit man pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan na hindi na siya babalik sa akin. Hindi ibig sabihin na sinaktan nila ako ay dapat kong ibalik sa kanila. That’s immature.

Napakunot ang noo ko nang hindi ko makita ang choko-choko sa ref na nilagay ko lang dito kaninang umaga bago ako umalis ng bahay. What the heck! Nasaan na ‘yon? Hindi naman ‘yun mawawala unless may kumuha.

“Oh, anak. Nagugutom ka?”

“No, ma,” ngiting sagot ko kahit halatang stress siya. Dahil siguro sa bunso naming kapatid. Dahil sa nalaman nila kanina. “May hinahanap lang po ako.”

“Pagkain?”

Tumango ako. “Ma, nakita mo ‘yung choko-choko ko rito? ‘Yung parang cream stick siya?”

“Parang cream stick?” Ulit niya sa sinabi ko at kumunot ang noo niya.

“Nawawala kasi dito. Dito ko lang naman nilagay ‘yun. May kumuha ba?”

Pero umiling si mama. “Hindi ko alam, anak. Wala rin akong nakitang pagkain d’yan.”

Napatingin ako kay Steven na pumasok sa kusina namin kaya tinanong ko siya ngunit katulad ng sagot ni mama ang sagot ng kapatid kong pang-apat. Naiinis na ako! Nasaan ba kasi ‘yun?! Ilalagay ko sana ‘yun sa marshmallow ko. Masarap kasi kapag pinaghalo mo ‘yun. Favorite ko pa naman ‘yon. Kainis naman!

Nabusangot akong lumabas sa kusina namin dahil hindi ko nakita ang pagkaing hinahanap ko.

“Oh, hindi ka pa matutulog?” Nakasalubong ko si papa nang palabas ako ng bahay namin.

“H-Hindi pa po. Ikaw, pa?”

“Tutulog na. Nagmumuni-muni lang ako at nagpahangin,” sambit nito. Kaya napatango ako. 

“Matulog ka na, papa. Bawal sa ‘yo ang magpuyat,” paalala ko.

Pero imbis na sagutin ako ay nagtanong siya. “May problema ka ba, anak? At balak mong uminom?”

Meron, nawala ang choko-choko ko sa ref! Favorite ko ‘yon, eh!. Binili ko pa naman ‘yun! Buwisit naman! Kainis! Nakakairita!

“Pa, paano kung sabihin kong heartbroken ako ngayon? Kaya umiinom ako?”

“Bakit may naging nobyo ka ba na?” 

Hindi ako nakasagot sa tanong ni papa. Dahil ng huli kong nakausap si papa about sa pakikipagrelasyon ay bago pa ako mag-college. Matagal na ‘yun. Siguro mga 17 pa ako no’n. Dahil sa lahat kasi ng pinsan ko na same age lang naming magkapatid ay iilan lang doon ang nakapagtapos at ang iba ay nagsipag-asawa na kahit nasa murang edad pa lamang sila.

“Paano kung sabihin ko pong meron po? Magagalit po ba kayo?” Natawa si papa ng bahagya at muling umupo sa upuan. 

May maliit kaming kubo sa labas ng bahay kung saan pwede kaming magtambay or kahit anong gawin ang gusto mo dito. Naupo din ako at uminom ng hawak kong alak.

“Anak, malaki ka na at nasa tamang edad na rin. Pwedeng-pwede ka ng magkaroon ng nobyo dahil tapos ka na sa pag-aaral at nakapagpatayo ka na rin naman pangarap mong coffee shop mo. Okay na rin naman na itong bahay natin dahil nabili niyo na rin ito.”

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon