37

2.3K 43 12
                                    

Chapter 37

"Seryoso? Sinabi talaga 'yan ni Dr. Laurent?"

"Oo nga! Paulit-ulit? Hindi mo ba narinig ang kwento ni Jadon?" inis kong anas kay Alora.

Kanina pa kasi siya paulit-ulit. Nandito sila sa bahay namin. Tumatambay dito. Hindi ko nga alam kung bakit sila nandito, eh. Basta nagulat na lang ako pagkagising ko ay nandito silang lahat sa bahay ko.

May dalang maraming pagkain, cd, at mga laruan para sa mga anak ko. Baka kakabili ng laruan sa mga anak ko ay ma-spoiled ang mga anak ko. Kaya ang loob ng bahay ko ngayon ay sobrang ingay dahil sa kanila. Panay ba namang daldalan about sa love life nilang lahat. Walang kasawaang topic about sa love.

"Ibabalik na ba?" tanong ni Samira. Tapos binigyan ako ng mapang-asar na tingin at ngiti. As if naman hindi ko malalaman ang ibig sabihin no'n.

"Lagi na lang kitang naalala," pagkanta ni Danilyn kaya napasimangot ako.

Ayan na naman sila sa pang-aasar nila. Kaya pala tumambay sila dito para asarin lang ako. Ang mga anak ko nandoon sa may kusina at kumakain ng mga pagkaing dala ng mga kaibigan ko habang kasama nila doon si Shaun at Jadon.

"Mula nang tayo'y di na magkita. Kung ikaw ay nagtatampo," pagpatuloy ni Maria.

"Kailangan bang ganito. Bakit hindi natin," pagkanta naman ni Chloe.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig," Si Kinzley naman ngayon ang kumakanta ngayon.

Habang binabanggit nila ang mga lyrics na 'yun ay naka-videoke ang tv namin ngayon at 'yon ang sinusunod nilang lyrics. Magaganda naman ang boses ng mga kaibigan ko kaya masarap pakinggan pero sa sobrang ganda ng nga boses nila ay ginagamit nila 'yon para asarin ako sa mga lyrics ng mga kanta.

"Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal," sunod naman ni Samira at binigay naman ngayon ni Samira ang hawak niyang mic may Alora.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Sayang naman ang ating nakaraan."

"Woiii, ano 'yan? Tanghaling tapat at pag-ibig na song ang kinakanta niyo," pagsingit naman ni Shaun ngayon na kakalabas lang ng kusina namin at buhay niya ang anak kong babae. Habang si Jadon naman ay buhat niya ang lalaki kong anak.

"'Yang Ate mo kasi mukha namang may feelings pa kay Dr. Laurent pero ayaw pangpagbigayn," saad ni Alora.

"Topic niyo pa din hanggang ngayon ang kinuwento ni Jadon?" tanong nito at tiningnan ang boyfriend niyang katabi niya ngayon.

Napangiti ako. Kasi halatang sobrang saya talaga ng kapatid ko habang kasama si Jadon. Kaya ang gaan talaga ng loob ko sa kaibigan kong si Jadon. Hindi ko nga alam na lalaki pala ang type niya at hindi babae. Kaya pala noon pa lang ay hindi na siya interesado sa mga babaeng nirereto ko noon pa lang.

Dahil type niya ang kapatid ko.

"Why are you all talking about my love life?!" Inirapan ko sila. "Why is it all about me? You guys are crazy!"

"Eh, paano naman hindi namin aanuhin ang lovelife mo? Kung ikaw na lang kaya ang single sa amin dito!" Nag-rolled eyes si Danilyn sa akin.

Pakialam ba nila kung single ako? Mas masarap kayang maging single kaysa may karelasyon ka, para sa akin. Ewan ko lang sa mga kaibigan ko na may karelasyon na at mukhang nahanap na nila ang the one nila.

Naupo din sina Shaun sa tabi naming magkakaibigan at nakikihalubilo din sila. Pumunta sa akin ang anak kong babae sa akin at kumandong sa akin.

"Mama, ang ganda po ng laruang 'to," nakangiting anas ng anak kong babae. "This barbie is so pretty like me, Mama!"

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon