14

2K 41 1
                                    

Chapter 14

From: Dr. Laurent
Good morning, Love! 😘

Kakagising ko lang at 'yon agad ang bumungad sa aking cellphone ng buhayin ko ang wifi ko. Ngunit hindi pa ako nakakapag-reply sa kanya ng morning ay nakatanggap na naman ako ng text mula na naman sa kanya.

Love? Ano ba? Para sa akin ba itong text niya or sa iba? Hindi ba't Aien ang tawag niya sa akin?

Napataas ang aking kilay. Babaero? Or mahilig lang talaga siya gumamit ng iba't ibang endearment?

From: Dr. Laurent
Do you know the best thing that ever happened to me?

Ano na naman ba ang pakulo niya? Tanghaling tapat na ay babanat pa rin siya. Yes, it's 11 AM na. Day off ko naman kaya hinayaan kong hindi mag-alarm clock. Iniba ko na din ang name niya sa phonebook ko.

Makakapagpahinga din ako sa wakas! Hindi ko alam kung anong oras na kami nakauwi kagabi. Basta ang alam ko ay paumaga na. At dahil sa antok ko ay agad din akong nakatulog. Hindi ko na nga siya na-text dahil sa sobrang antok ko.

To: Dr. Laurent
Morning! Ano na naman ba pakulo mo?

From: Dr. Laurent
Lah, sabihin mo na lang na bakit. Huwag ka na magsungit, please? 😭

I laughed at his emoji. Do I really look grumpy? Even if I'm not like that?

To: Dr. Laurent
Ano ba kasi? Bakit?

From: Dr. Laurent
It’s that I met you! And because you gave me a chance to date you and get to know you. Na kahit ang kulit ko ay hindi mo ako pinakitaan ng masama. That's why I'm so thankful because I met you. I met a beautiful woman like you who I never thought would make my heart beat. I'm willing to gamble even if I get hurt a few more times for you. I hope you let me love you even if you love someone else. I can wait a few more years.

I don't know but bigla na lang akong napangiti sa text niya. Sh*t! Kalma, Rana! It's just a simple text! D*mn it! Pero bakit ako kinikilig?

Wait? Did I say I'm thrilled? What the f*ck?! Ako? Kinikilig? Kay Dr. Laurent? What the h*ll?!

Kung iibig man ako ulit. Bakit sa isa na namang Laurent?

I closed my eyes tightly and lay back on my bed. I also dropped my cell phone.

Lord, ano ba ito? Pinagtagpo mo na naman ba ako sa isang tao? Pero hindi ko naman pala ito ang the one ko? Na hindi pa pala ito ang nakatadhana sa akin? Should I be thankful? Kasi kung nag-propose sa akin si ano at naikasal kami at nagkahiwalay at nakatagpo ng bago. I'll never know that we're not really meant for each other or anything. Should I be thankful for that? Because even though we've been together for a long time, he's still not the one for me? That I have someone more deserving and is that Dr. Laurent? Or not yet?

Please! Bigyan niyo naman po sana ako ng sign. Sign na siya na talaga ang para sa akin. Ayaw ko na ulit sumugal kung dadaan na naman siya sa buhay ko at sa huli ay hindi pa pala siya. Nakakatakot…kasi.

I just sighed. I let myself think about things before I got up. After all, I have free time and now I will take care of my planned na mag-enroll. I told this to mama and papa and they agreed.

'Tsaka pangarap ko talaga na maging isang doktor noon pa naman. Hindi nga lang kaya noon dahil malaki ang magagastos namin kapag nag-doctor ako. Kaya ngayong medyo nakaluwag-luwag na kami ay ngayon ko ipu-pursue ang pangarap kong 'yon.

'Yun na lang ang ilalakad ko ngayon. Naghanda na ako ng damit ko para mag-enroll.

"Oh, saan ang lakad mo, anak?" tanong ni Papa ng makababa ako.

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon