43

2.5K 45 2
                                    

Chapter 43

“Savvy, sama ka sa amin?”

Napalingon ako kay Alora ng ayain niya ako. Kakapunta ko lang sa may ospital kung saan ako nagtatrabaho at nagpaalam akong magle-leave muna ng isang buwan. Buti ay pinayagan ako. Nagkita kami ng kaibigan kong ito sa may isang coffee shop. Hindi naman halatang coffee lover kami, ‘no?

Mahigit isang linggo na din ang lumipas buhat ng maospital ang anak kong si Mara. Nakalabas naman na siya at si Dr. Laurent ang lahat ang nagbayad ng ospital bills ng anak niya. Aba, hindi na ako tumanggi pa dahil medyo malaki ang babayaran. Tutal siya ang Ama ng bata ay hindi na ako tumanggi dahil responsibilidad niya iyon.

I frowned. "Where?"

“Swimming? You can bring your children. Nag-aaya sina Kinzley na mag-swimming dahil mainit daw ang panahon kaya pumayag na kami.”

Swimming? Parang gusto ko din kaso… May lakad kami ng mga anak ko kasama ang Papa nila.

I shook my head. "I can't. Pwedeng pass muna?”

Siya naman ngayon ang kumunot ang noo. “Ha? Bakit naman?”

Napakamot ako ng noo. Hindi pa pala nila alam na may lakad kami. Hindi ko pa din naikwe-kwento sa mga kaibigan ko sinusuyo kami ngayon ng Papa ng anak ko.

“M-May lakad kasi kami ng mga anak ko,” napaiwas ako sa kanya ng tingin. “Kasama ang P-Papa nila.”

“Ohhh…”

Nang tingnan ko siya ay nakangisi na siya. May maloko sa kanyang mukha. Kaya inirapan ko siya.

“Ay family bonding ba yarn? Ayos na kayo?” Pagiging mausisa niyang tanong.

“Hindi pa.”

“Eh, bakit may family bonding na agad?”

“Request kasi ng mga bata kaya agad ding pinagbigyan ng Ama nila.”

“Ay ini-spoiled ni Daddy?” Mas lalo siyang ngumisi. “Paano naman ang Mommy? Ini-spoil din ba siya ng Daddy?”

“Baliw ka! Ewan ko sayo!” Natawa siya dahil sa pagkapikon ko. Kung anu-ano kasi ang tinatanong niya. “Alis na ako, bye!”

“Pasalubong, ah?”

Pinakitaan ko siya ng gitnang daliri kaya mas lalo siyang natawa. Ang balak ko lang talaga ay saglit lang ako dahil bibilhan ko ang mga anak ko ng cake kaso dahil kay Alora ay natagalan ako. Nang makauwi ako ay naabutan ko silang nag-aayos pa din ng gamit nila.

“I’m home,” announce ko kaya tumakbo papalapit sa akin ang mga anak ko at niyakap ko. “May pasalubong ako.”

“Yehey, cake!” sigaw ng anak kong babae na tuwang-tuwa. “Thank you, Mama.”

“Thanks, Mama,” anas naman ng anak kong lalaki at saba kiss sa pisngi ko.

May tumikhim kaya napaangat ako ng tingin. Nakatayo siya sa harapan namin at masayang nakatingin sa aming mag-iina. Nandito siya at tinutulungan ang mga bata. Sina Mama at Papa ay bumalik na sa Manila.

“How about me? You didn't even buy food for me?” tanong niya at ngumuso.

Nagpapabebe na naman kahit hindi naman na siya baby. “Bakit? Anak ba kita?”

Nilagpasan ko siya para pumuntang kusina. Nilagay ko ang cake na binili ko sa mga bata sa plato para makain na nila iyon. Ako na lang ang tatapos sa inaayos nilang damit.

“Bakit anak lang ba ang dinadalhan ng pasalubong?” Sinundan niya kami sa kusina.

“Oo.”

“What about the Father of your children? I'm hungry too."

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon