21

2.2K 42 4
                                    

Chapter 21

WARNING | SPG | R18

"Hmm, you cooked this, Mom? It's delicious, ah?"

Nagkatinginan kami ni Tita ng sabihin 'on ni Dr. Laurent. Lahat sila ay kumuha ng mga spicy kaldereta na niluto ko kahit si Tita ay nakailang kuha no'n at panay ang sabi na masarap daw. Kaya natuwa ako dahil doon.

They are complete here. Even my ex was here who did nothing but stare at me kaya naiilang ako. Pero kahit na ganon ay masaya ako sa mga reaksyon nila sa lutong ulam na niluto ko. Masarap din naman magluto si Tita dahil halos mga ulam niyang niluto ang inulam ko at hindi ang niluto ko.

Ewan ko ba kapag sariling luto ay para bang nakakasawa na? Or parang gusto kong makatukim ng bagong panlasa.

"Nope," sagot ni Tita kaya nagtaka silang lahat.

"Ha? Eh, then who cooked this, hon?" It was Tito who asked the Dad of my boyfriend who is Tita's husband.

"Oo nga, Mom. Sino?" tanong naman ng boyfriend ko kaya napatingin sa akin si Tita.

"Why don't you ask that to your girlfriend who also has the ability to build a restaurant like us?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tita. May sarili silang restaurant? Bakit hindi ko alam 'yun? Nang tingnan ko naman ang boyfriend ko ay nakatingin siya ng hindi makapaniwala.

"I-Ikaw ang nagluto?" tanong nito kaya tumango ako.

"Wow, hija. Your cooking is so good, you can be a chef like my wife," said Tito.

"M-May restaurant po kayo?" tanong ko dahil sa curious. Tahimik lang ang ex ko at tila ay ayaw magsalita.

"Yes, hija," sagot ni Tita at ngumiti naman sa akin ng malawak. "If you want, you can be a chef there too, even if you haven't applied to our restaurant yet, I will hire you right away."

Hindi ako kaagad nakaimik ng sabihin 'yon ni Tita. Gulat na gulat ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko din alam ang gagawin ko. Nabibigla ako ngayong araw.

"Mom, huwag mo naman po masyadong pagurin ang girlfriend ko. Mag-aaral pa siya tapos may work sa ospital ko," anas ni Dr. Laurent at hinawakan ang kamay ko kahit na nasa ibabaw ito ng lamesa. Para bang balewala sa kanya kung makita pa 'yon ng pamilya niya.

"Mag-aaral ka ulit, hija?" tanong ni Tito.

Si Tito ay kasing edad lang pala ni Papa. Tapos isa din itong CEO base sa sinabi nito sa akin bago kami kumain. Tapos si Tita naman ay isang Chef pala ngayon ko lang nalaman dahil hindi naman nagpakilala si Tita kanina pero sinabi naman ni Tito kung anong name nila.

Ang awkward nga lang dahil pinakilala pa nila sa akin ang bunso nilang anak kahit na kilala ko na ito. Naging ex ko pa nga po, eh.

"Yes po," sagot ko naman.

"Bakit? May panibagong course ka na gusto mong aralin?"

Tumango ako. "Yes, actually, my dream is not to be a nurse, but because we lacked money, I just took a nurse when I was in college pero ngayon na medyo nagkaluwag-luwag na po kami ay ngayon balak ko na pong mag-aral ng doctor po."

Napa-letter o ang mga bibig nina Tita at Tito. Mukhang namamangha dahil sa sinabi ko.

"Oh, so, you will imitate our son na ngayon ay isang ganap na doktor na?" I nodded at Tito's question. "Oh, that's amazing, huh. What's your name, hija?"

"Uhm, Savvy Rainy Luna Castor po."

Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko. Bakit ba gulat na gulat sila sa apelyido ko? Si Tita din kasi ay ganyan ang itsura niya ng sinabi ko ang name ko.

10 Tips For Healing Your Broken Heart | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon