CHAPTER 8

17.5K 523 60
                                    

HINDI AKO makakuha ng tyempo para makaalis ng wala sa tabi ko si Daniel. Nag-iisip pa ako nang dahilan kung anong sasabihin ko, baka kasi maghinala siya. Ayoko rin namang umalis at iwan siya dito, baka kasi ano pang mangyari sa kanya.

Punyeta talaga, mukha akong baby sitter. Nakakabagot ng tumambay sa condo kasama siya, para kaming mga tanga. Sa twing magluluto ako nang pagkain kailangang nandyan siya kasi hindi daw siya napapakali kapag hindi niya natitignan. Akala siguro nito lalagyan ko ng lason. As if naman kaya kong gawin dito sa Pilipinas 'yon.

Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok dahil aalis ako ngayon, hindi na kasi ako mapakali. Mapapagalitan ako nang mahal na Reyna kapag nalaman niyang hindi pa ako nagsisimula. Apat na raw na akong nandito sa Pilipinas pero hanggang ngayon wala pa akong source kung nasaan ba talaga ang Prinsesa.

Isa rin 'yon sa pino-problema ko. Paano ko nga ba siya mahahanap dito? Sa dami-dami ng mga lugar at tao sa Pilipinas, may nakakakilala kaya sa kanya?

“Going somewhere?”

Lihim akong napasinghap ng bigla siyang sumulpot sa pinto ng kwarto.

“P-Pwede ba kitang maiwan dito saglit sa condo?” -tanong ko na tila nahihiya. “May importante lang kasi akong lakad.”

Naglakad siya papunta sa'kin. “Can't I come?”

Napakagat ako sa labi. “Daniel, hindi pwedeng magpagala-gala ka sa kung saan dito. Hindi pwedeng magpakampante tayo, hindi natin alam baka mamaya may nakasunod na pala sa'yong serial killer tapos patayin ka. Baka kasi mamaya malagot ako”

Natatawa siyang tumango-tango.

“Why is it that you always have a way of brightening my mood?” -he asked. “Mm, maybe I should stay here. This room is absolutely captivating, and I'm so curious to try out the things you did earlier.”

Napakunot ang noo ko. “Magluluto ka?”

“Yep?” -he answered, as if he's not sure.

“Pa-deliver nalang kita nang pagkain,” -suhestiyon ko. “Baka mamaya masunog mo pa yung kusina.”

“I'm hurt.” -umaakto siyang nasasaktan. “Don't you trust me?”

I smiled earnestly. “I don't trust you.”

His face crumbled. Kinuha ko na ang phone at nag-order ng pagkaing para sa kanya. “Anong gusto mo? Fried chicken? Pizza? Steak? Or baka gusto mo—”

“I want your food,” -he cut me off. “Like what you cook last night. Honestly, in my whole entire life, I didn't tasted something like those. It taste so flavorful.”

Anong sinasabi niya?

“Aling pagkain ba ang ibig mong sabihin?”

“The thing that have some cubes, I don't know if it was meat, it's small, kinda sticky? But tasted sweet.”

Napatanga ako nang wala sa oras. “Wow ulam yung kinain na'tin kagabi.” -sagot ko. “De lata 'yon, nasa trenta ang isang lata, ininit ko lang para bumagay sa kanin.”

“De lata... What?” -di maintindihang tanong niya. “What was that?”

“It is a preserve food sealed in a can,” -sagot ko. “Kagaya ng kinain na'tin kanina.”

“Really? So that means you didn't put enough effort on it? Like, you just put it on a pan, heat it and after that, done? That's crazy.”

Sa lahat nang sinabi niya. Yung didn't put enough effort lang ang naintindihan ko. Walanghiya, hindi na effort 'yon? Hoy! Binili ko 'yon sa convenience store! Nagbayad ako at nagsikap yung initin! Ang kapal.

TERRITORIAL PRINCE (Mafia Series 3) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon