CHAPTER 14

16.6K 509 26
                                    

Hi to Louisiana78 nag-enjoy ako kakabasa sa comment mo, laptrip bhe HAHAHAHA

KASALUKUYAN akong nakatingin ngayon kay Daniel at Lightning na masama ang titig sa isa't isa. Kanina pa sila ganyan mga kalahatahing oras na. Si Barret nga hindi parin umaalis, dahil kagaya ko, nakatingin rin siya sa dalawa.

Gustong gusto kong magsalita pero alam mo yung wala ka ng lakas para sitahin sila? Masama parin ang pakiramdam ko dahil sa lagnat, medyo nahihirapan rin akong maglakad dahil parang sinisilaban ang pagkabàbae ko. Kanina nga habang paakyat kami sa condo, plano pa sana ng baliw na buhatin ako, mabuti nalang nakuha sa masamang titig. He's really annoying, hindi ko alam kung anong klaseng katol ang tinira niya.

I was really hesitant to let him live here with me pero wala akong choice. I mean, may choice ako pero dahil bwisit siya, pinabayaan ko nalang. I know I shouldn't let him get close to me dahil may nangyari na sa'min, at hindi 'yon okay lalo na't pareho kaming lasing. Pero hindi ko mapigilan ang tadhana, mukhang pinaglalaruan ata ako.

Lightning is one a hell crazy man I've ever known, he maybe lunatic but he's handsome. His looks was obviously breathtaking lalo na yung mga mata niyang kulay berde. Mas maangas talaga siyang tignan sa buhok niyang tinali, may hikaw rin siya na hindi ko ipagkakailang bumagay sa kanya. Pero kahit na sinasamba ko ang itsura nito, hindi ko ipagkakait na naiinis ako sa ugali niya. Kung gaano siya ka gwapo, kabaliktaran sa ugali niyang daig pa ang babae.

“September Neshele,” -tawag ni Daniel sa'kin.

Mabilis akong lumingon sa kanya.

“Daniel.”

“What is he doing here?” -tanong niya sabay tingin sa dalang maleta ni Barret. “I think he's lost. This is not his Butler's unit.”

Napakunot ang noo ko. “Butler?”

“September Neshele, huh?” -nabaling ang atensyon ko kay Light. “Damn it. Bakit hindi ko alam ang second name mo?”

Magsasalita pa sana ako nang maunahan ako ni Daniel. “Seriously? After you take September away from me, you shamelessly coming here back with your stuff? What are you? A lost man?”

“Oh, the Prince is mad,” -namilog ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi ni Light. “What should I do? Dapat na ba akong matakot?”

“L-Lightning.”

Tumingin siya sa'kin. “A deal is a deal, September. Kailangan mong tuparin ang usapan natin.”

“Wala tayong usapan.”

“Meron,” -matigas niyang sagot. “'Di ba sabi ko kapag napatunayan kong Prinsipe 'to aalis siya sa condo mo?”

“Light, please. Don't talk to him like that.”

“Like what?” -he asked. “I didn't do anything. I am just saying the truth. This man is a Prince,” -he pointed Daniel using his finger. “And I know you know about his true identity.”

“So what if she knew about me? Is that a big deal?” -Daniel fired back. “It's actually a good thing that she knows me personally. What about you?” -nagtitigan silang dalawa sa isa't isa. “Does September know about who you are? Like... What you really are?”

Napatingin ako sa mga kamay ni Lightning ng magsimula yung kumuyom. Sa sobrang dilim ng mukha niya para na yung hindi maipinta. Bahagya ring nagtagis ang bagang nito. Ramdam na ramdam ko ang mabibigat na titigan nilang dalawa, na para bang handa silang magpatayan ano mang oras.

Oh, diosko. Bakit parang kilalang kilala nila ang isa't isa? Why does it feels like mas takot si Daniel kay Lightning? 'Di ba si Light dapat ang makaramdam ng takot kasi sa kanilang dalawa, si Daniel yung mas nakatataas? Ba't parang nagkabaliktad?

TERRITORIAL PRINCE (Mafia Series 3) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon