NAIIYAK NA inihakbang ko ang mga paa palapit sa isang lalakeng payat na payat ang katawan at nakahiga. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa itsura pa lang niya, alam ko na kung sino siya.
“Y-Your Majesty.”
Dumapa ako para magpantay ang mga mukha namin. Tinulungan ko siyang makaupo dahil bukod sa payat siya, marami din siyang pasa sa katawan, mahaba narin ang buhok niya ngunit kahit ganun, nakikilala ko parin ito.
Pinunasan ko ang luha ko dahil tama nga ang sinabi ni Amora. Ang haring nandun sa labas ay isa lamang impostor na ginaya ang mukha niya. Nasa harap ko ngayon ang lalakeng dapat sinasamba, na dapat ikinikilalang Hari. Parang hindi ako makahinga, hindi ako makapaniwala, para akong naiiyak sa tuwa.
“Y-Your Majesty...” -sambit ko ulit. “Oh god. Oh my god.”
Dumako ang tingin niya sa'kin. “W-Who are you?”
“I... I am September Neshele Monforex. I am a servant, Sir.”
“P-Please let me o-out of here,” -salita niyang nahihirapan. “I... I need to see my c-childs. I need to s-see my wife.”
Parang piniga ang puso ko sa sinabi niya. Kahit hinanghina na siya iniisip niya parin ang pamilya niya. The real King Atlaz is a soft hearted man when it comes to his family. So, I can't be wrong right now, this is him. He is the real King.
Putangina talaga yung impostor na 'yon. How could he did something crazy like this? Well, why did I asked, pinatay nga niya ang kapatid ko sa kasakiman niya, ito pa kaya?
Ngumiti ako kay Haring Atlaz para ipakita sa kanya na magiging maayos ang lahat.
“Don't worry, Your Highness, I will help you.”
Lumingalinga ako sa paligid para humanap ng pwedeng pantanggal sa kandado na nasa mga kamay at paa niya. Napakagat naman ako sa bibig ng makitang wala.
“K-Keys...” -usal nito at may itinuro. “The Keys.”
Agad kong naintindihan ang sinasabi niya. Mabilis akong naglakad papunta sa isang malaking cabinet na kasalukuyang itinuturo ng mahal na Hari. Binuksan ko 'yon at agad hinanap ang susi ng kandado. Pinunasan ko ang pawis ko habang abala ang mga mata sa paghahanap.
I was panting, catching my own breath when I heard His Highness cough. He's sick. He needs to get out of here.
Binuksan ko isa-isa ang mga wooden drawer at hinalungkat ang ilang kagamitan. I smiled widely when I finally found the keys, mabilis akong tumakbo papunta sa kamahalan at sinubukang buksan ang mga kandado sa paa at kamay niya. Napapamura ako nang palihim dahil hindi ko 'to magawang alisin. Naiiyak akong napatitig sa sahig. I can't be weak right now. I can't. Nandito na ako, hindi ko pwedeng biguin ang Hari.
Sinubukan ko sa panghuli ang isang susing malaki, kahit nag-uunahan ang ilang pawis ko sa pagtulo ipinagsasawalang bahala ko parin 'yon.
Napangiti ako nang bahagya ng mabuksan ko ang kandado sa bandang paa niya, sunod ko namang inalis ang nasa mga kamay nito at halos umawang ang bibig ko dahil pareho ko itong nabuksan. Oh god, finally.
Inalis ko ng mabilis ang mga kadena na nakapalibot sa paa at kamay niya, dahan-dahan ko naman siyang itinayo habang ang isang kamay ay nasa bewang nito.
“Sir?”
“T-Thank you.”
Ngumiti ako nang bahagya at tumango. “Thank you, too.” -I pressed my lips together. “For fighting, for living.”
Paikaika kaming naglakad palabas ng bartulina. Nang naiapak ko na ang paa sa may hagdan, bigla nalang kaming nakarinig ng isang alarm na sobrang lakas at halos ikinabingi ng dalawa kong tenga.
BINABASA MO ANG
TERRITORIAL PRINCE (Mafia Series 3) (Completed✓)
AcciónAztic Damein Brunswick Luneburg is a sniper in the MAFIA'S ORGANIZATION, also known as Lightning Axelium. He is a prince and a male ruler of a well-established family, known for his aggressive and intimidating demeanor that strikes fear into people...