WARNING: SPG⚠️
NASA SASAKYAN kaming pareho ni Lightning nakaupo. Walang nagsasalita sa'ming dalawa, walang nag-iimikan at higit sa lahat walang nagpapansinan. Wala rin akong balak na mauna dahil unang una, wala akong kasalanan, uminom lang naman ako para kahit papano makalimutan ko yung problema ko.
Hindi ko naman aakalain na uuwi pala sa pinas ang damuhong 'to at madadatnan pa akong naglalasing. Hanggang ngayon, iniisip ko parin kung bakit nasa Pilipinas ang dalawang Prinsipe. Napakaweird.
Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang pasimpleng pagtingin ni Light sa'kin na tila ba may hinihintay siyang sabihin ako, kunwari akong walang pakialam at hindi siya napapansin. Nakapukos lang ang mga mata ko sa daan suot ang ang seryoso kong pagmumukha.
He combed his hair using his long finger, mukha siyang frustrated na hindi ko maipaliwanag kung bakit.
He's very handsome and I admit that, nakakaakit rin tignan ang itsura niya lalo na't hindi nakatali ang buhok nito, bagsak rin ang ilang buhok sa noo niya. Ang damit niyang kulay kremang long sleeve ay nakabukas ang butones sa dibdib, nakarolyo rin ang sleeve niya hanggang siko.
Actually, pwede na akong ihimlay.
“September,” -napamura ako sa isipan ng bigla siyang nagsalita. “Can you please face me?”
Hindi ako umimik. Ganyan ba palagi ang boses niya tuwing madaling araw?
Bakit parang masyadong sexy?
“September Neshele, I said, face me.”
“Bakit ba?”
“Hindi ka ba magso-sorry sa ginawa mo?”
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. “Excuse me?” -halos natawa ako sa tanong nito. “At bakit naman ako magso-sorry?”
“You're drunk.” -aniya na para bang pino-point out na 'yon ang mali ko. “Uminom ka kasama si Daniel. Uminom ka na wala ako, uminom ka kasama ang mga lalakeng 'yon.”
“May nangyari bang masama sa'kin?” -tanong ko. “As far as my memories remember, wala naman.”
Agad na nagtagis ang bagang niya. “So, you're telling me na mas gusto mong ka inuman ang lalakeng 'yon kesa sa'kin?”
Napapikit ako sa inis. Saan na naman kaya mapupunta ang bangayan na 'to? Hindi ko alam kung anong problema niya, nagseselos ba siya? Pwede naman niyang sabihin 'yon ng deritso hindi yung lumiliko pa sa usapan. Sumasakit tuloy ulo ko. Tangina kasing alak 'yon para akong masusuka na ewan.
Hinilot ko ang sentido ng marahan at hindi na siya pinansin, mas lalo lang kaming hindi magkakaunawaan kung sasagot ako. Knowing him? Oh god, mas mabuting umiwas sa gulo.
“Did Daniel propose to you?” -napatitig ako sa kanya nang sabihin niya 'yon. “Did that punk ask you to marry him?”
“Marry him?” -balik kong tanong. “Why the hell would he propose to me?”
Kagat-kagat ang bibig na tumingin siya sa'kin. “Kung aayain ka niyang magpakasal. Papayag ka ba? Kapag sinabi ng hari na pakasalan mo ang gonggong na 'yon, iiwan mo ba ako? Will you let that jerk marry you? Will you ever—”
“Stop,” -I cut him off. “Anong ibig mong sabihin? Anong hari?”
Naiinis na napabuga siya ng hangin at napahilamos sa mukha. “Daniel asked his Imperial Highness to marry you,” -sagot niya na ikinamaang ng bibig ko. “And the funny thing is that... the King granted his wish.”
My eyes narrowed.
The Prince wants to marry me?
“I am scared, boo.” -napabuga siya nang hangin. “I left all my important meeting in England and in Spain dahil dito. I thought he'll going to propose and tell you that the King asked you to marry him. I was so fúcking scared that you might say yes,” -naiiyak na tumingin siya sa'kin. “I can't stop the King for now, so pardon me if Im being too paranoid. Gumagawa pa ako nang paraan para maialis siya sa pwesto.”
BINABASA MO ANG
TERRITORIAL PRINCE (Mafia Series 3) (Completed✓)
ActionAztic Damein Brunswick Luneburg is a sniper in the MAFIA'S ORGANIZATION, also known as Lightning Axelium. He is a prince and a male ruler of a well-established family, known for his aggressive and intimidating demeanor that strikes fear into people...