GULAT AKONG napatingin kay Daniel ng bigla siyang sumulpot sa harap ng unit ni Barret. Dito kasi ako pansamantala pinatira ni Amora dahil gusto niyang magkasama kami. It's been several days ng hindi ko siya nakita. Minsan ko lang kasi siyang makasalamuha sa palasyo. Nakakapagtataka naman ata ang biglaang pagsulpot niya.
“Y-Your highness,” -yumukod ako bilang paggalang. “Nandito pala kayo.”
He smiled, “Yeah, did I surprise you?”
Ilang beses akong kumurapkurap bago ulit nakapagsalita. “D-Do you want to come in?” -I asked.
He shook his head. “Nah, thanks. I am actually here to ask you to come with me. Barret told me you're here kaya dito na ako dumeritso,” -aniya. “I hope you don't mind kung aayain kita.”
“Aayain saan?”
“Dinner,” -isinilid niya ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. “You don't mind if I ask you out, right?”
Naitago ko ang mga kamay sa likuran. Pumunta lang ba siya dito sa Pilipinas para ayain akong kumain? I mean, bakit niya ako inaaya?
“Hindi ka ba nababahala na baka may makakita sa'yo dito?” -tanong ko. “Baka kasi may makakilala sa'yo tapos maibalita ka pa. Kapag nangyari 'yon, pagkakaguluha ka.”
“It's okay, I think no one will recognize me. People nowadays don't give a fúck about me,” -he sighed. “Anyway, I rent a famous restaurant nearby, do you want to come?”
Napatingin ako sa relong pambisig. It's seven in the evening ta's mukha pa akong sabog.
Someone cleared their throat kaya mabilis akong napabaling dito. Unti-unti namang naningkit ang mga mata ko ng makitang may kasama si Daniel.
Putangina, kanina pa ba siya nandyan?
“My Lord, the car is ready.”
Tumingin sa'kin ang Prinsipe. “Lets go?”
“T-Teka lang,” -pigil ko. “Hindi ako pwedeng umalis dahil wala pa si Barret. Hindi ko pwedeng iwan ang condo na walang tao.”
Napakagat ako sa bibig. Actually, ayoko talagang sumama sa kanya. “I... um, I have to refused your invitation, I-I'm sorry.”
Napatitig siya sakin. Napapahiya naman akong yumuko.
“Pasensya na talaga, Daniel.”
“September, kung nag-aalala ka na baka may taong pumasok sa condo niya don't worry. I can send someone here to watch his unit.”
Lihim akong napamura. “K-Kamahalan, hindi po talaga pwede,” -sagot ko. “Pasensya na.”
“Is this about Lightning?” -napaangat ang tingin ko dahil sa tanong nito. “Kaya ba ayaw mong sumama sa'kin dahil sa kanya?”
Hindi ako nakasagot. I'm guilty as fúck here. Si Light talaga ang iniisip ko kaya ayokong sumama sa kanya. Even if he doesn't tell me, halata namang niyayaya niya akong makipag-date. Hindi ako pwedeng sumama sa kanya dahil alam kong masasaktan ko ang feelings ni Light. Nakakapunyeta dahil naiisip ko pa talaga ang tarantadong 'yon.
“Hindi pa kasi ako kumakain,” -sabi niya na nagpabalik sa'kin sa reyalidad. “Ayos lang ba na diyan na lang ako sa loob ng unit ni Barret? Gusto kasi kitang makasama kahit saglit lang.”
“A-Ah,” -napalunok ako. “W-Why not? Tatawagan ko na lang—”
“No, ako na.” -nilabas niya ang cellphone sa bulsa at may denial dun. “Excuse me.”
Hindi na ako nakinig dahil alam kong magpapaalam lang naman siya. Sigurado naman akong papayagan siya ni Barret. After all, magkakilala naman si Lightning at ang Prinsipe. For sure wala yung problema.
BINABASA MO ANG
TERRITORIAL PRINCE (Mafia Series 3) (Completed✓)
AkcjaAztic Damein Brunswick Luneburg is a sniper in the MAFIA'S ORGANIZATION, also known as Lightning Axelium. He is a prince and a male ruler of a well-established family, known for his aggressive and intimidating demeanor that strikes fear into people...