DALAWANG ARAW simula ng marinig ko ang huling katagang binitawan ni Lightning sa akin sa loob ng kwarto sa palasyo ay hindi na ako mapakali, hanggang ngayon hindi parin ito mai-alis sa utak ko. He's sleeping soundly after our lovemaking. And yes, I called it lovemaking. Umalis na agad ako nun para makabalik sa Pilipinas.
Hindi na ako nagpaalam sa kanya kasi kinakabahan ako. He left me speechless, I couldn't even open my mouth after he said it, that was so mind wrecking. I don't actually know kung babalik din ba siya dito sa pinas. I mean, there's half of me hoping na sana pupunta siya dito.
I even asked the Queen to tell Lightning na aalis na ako. I know sobrang kapal ng mukha ko pero wala na akong choice, ayoko namang magpaalam sa Count na 'yon ng personal pagkatapos niyang banggitin ang tatlong katagang nagpaalburuto sa dibdib kong nahihibang na. That would be so insane, nakakahiya.
Currently, I am walking with Amora, she's so beautiful and I must admit hindi ko na ipagtatakang siya nga ang tunay na Prinsesa. Dude, the way she walks with poise? Talks with elegance? Tangina, hasang-hasa.
Ngayon pa lumabas ang pagiging elegante niya ng malaman kong isa nga siyang Prinsesa.
“How did you know that I'm a Princess?” -tanong niya habang papasok kami sa isang convenience store.
Nakasunod naman sa'min si Barret na kanina pa tahimik at hindi ko alam kung bakit niya kilala at binabantayan itong katabi ko.
“The picture,” -sagot ko. “You left your wallet with me.”
“Ah.”
It was actually awkward to never address her as Royalty, pero sabi niya kasi ayaw niyang tinatawag ko siyang 'your highness.' She told me she doesn't want to hear it from my mouth, and I am a very good follower, kaya heto, kaswal lang akong nakikipag-usap sa kanya.
Pagkauwi ko dito sIya agad ang hinanap ko. She told me she was so worried about me kasi hindi raw niya ako nakita. She was about to ask Barret na hanapin ako nang bigla akong sumulpot. I felt like my eyes were burning when I heard it from her. Ibig sabihin nag-aalala talaga siya sa akin.
Hanggang ngayon pumapasok parin siya sa SIS. She didn't tell me the exact details kung may nambu-bully parin sa kanya. And I respect her. I mean, May tiwala akong kaya na niyang ipagtanggol ang sarili sa mga tarantadong 'yon.
Umupo kami sa labas ng convenience store pagkatapos naming bumili ng drinks. Barret is still quiet the whole time.
“As I have said, you have to come with me pabalik sa palasyo,” -usal ko pagkatapos lumagok ng iniinom. “I think you need to know too na may isang babaeng nagpapanggap na ikaw.”
“Yeah,” -she nodded. “My Kuya told me about it, and I already planned how to ruin her coronation night.”
Napangiti ako sa sinabi nito pero agad ding naputol ng marinig ang Kuya na sinasabi niya. “Who's Kuya are you talking about?”
Ngumiti siya sa'kin.
“My Kuya Damein,” -lumapit siya sa tenga ko at bumulong.b“He's a Crown Prince.”
Damein? Crown Prince?
Bakit parang narinig ko na ang pangalan na 'yan sa palasyo?
“Close ba kayo ng susunod na Hari?”
“You don't know the Crown Prince?” -she asked, confused. “I mean, I think you know him. He's actually with us nung muntik na akong maba—”
“—Your Highness,” -putol ni Barret sa usapan namin. “His Majesty wanted to talk to you.”
BINABASA MO ANG
TERRITORIAL PRINCE (Mafia Series 3) (Completed✓)
AzioneAztic Damein Brunswick Luneburg is a sniper in the MAFIA'S ORGANIZATION, also known as Lightning Axelium. He is a prince and a male ruler of a well-established family, known for his aggressive and intimidating demeanor that strikes fear into people...